Rambo Nuñez at Maja Salvador, girl ang magiging unang baby!

Tingnan dito ang kanilang naging gender reveal party.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Rambo Nuñez at Maja Salvador ibinahagi ang kanilang naging gender reveal party sa kanilang first baby.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Rambo Nuñez at Maja Salvador gender reveal party.
  • Pagbubuntis ni Maja.

Rambo Nuñez at Maja Salvador gender reveal party

Larawan mula sa Facebook account ng Cocoon Studio

Sa Instagram ay ibinahagi ng mag-asawang sina Rambo Nuñez at Maja Salvador ang ginawa nilang gender reveal party para sa kanilang first baby. Kasama ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan ay inalam at ibinahagi ng dalawa sa kanilang mga fans at followers ang gender ng kanilang ipinagbubuntis. May kaniya-kaniyang boto at hula man sila, para sa mag-asawa, kahit ano ang maging gender ng kanilang baby ay masaya sila.

Si Maja napayakap at napahalik sa tuwa kay Rambo ng buksan ang isang box na may pink na relo sa loob. Saka biglang napuno ng pink confetti ang venue  na hudyat na girl ang gender ng first baby ng mag-asawa.

 
View this post on Instagram

Masaya din naman ang mga kaibigang artista ni Maja at Rambo. Lalong-lalo na ang mga tama ang hula sa magiging gender nito. Narito ang ilan sa pagbati nila.

“Girls are the best!!! Congrats. @maja 🤰🏽💕”

“Congratulations, Maj!!! Crying. A mini dancefloor princess😭. She’s going to be so beautiful❤️.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ng Cocoon Studio

Pagbubuntis ni Maja

Sa mga Instagram post ni Maja ay makikitang very active parin siya kahit buntis na. Patuloy parin siya sa pagsayaw at business as usual parin sa paghahandle ng kanilang negosyo na artist management agency.

Disyembre nitong nakaraang taon ng i-anunsyo ni Maja at Rambo ang kanilang pagbubuntis. Ayon nga sa kanila ay ito ang early at best Christmas gift na natanggap nila. Inanunsyo nila ang pagbubuntis, limang buwan matapos ang kanilang naging kasal sa Bali, Indonesia.

Taong 2010 ng unang magkarelasyon sina Maja at Rambo. Dahil noon ay bata pa, si Rambo busy sa negosyong sinisimulan habang si Maja ay papausbong palang ang career ay isinantabi muna nila ang kanilang mga puso. Sila ay naghiwalay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hanggang sa noong 2019 ay nagkabalikan sila at ngayon nga ay malapit ng magkaroon ng sarili nilang pamilya.

Larawan mula sa Instagram account ni Maja Salvador

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement