Maja Salvador ibinahagi ang kaniyang naging pregnancy journey. Aktres nawala sa ayos ang matris at nawalan ng halos apat na litrong dugo matapos makapanganak.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Maja Salvador pregnancy journey.
- Mensahe ni Maja sa anak niyang si Maria.
Maja Salvador pregnancy journey
Sa Instagram ay ibinahagi ng aktres na si Maja Salvador ang naging pregnancy journey niya. Si Maja ibinahagi na tulad ng maraming first time mom ay naging challenging ang panganganak niya.
“I experienced an intense 30-hour labor, 12 hours without epidural, 3 hours of pushing. Then ended up having episiotomy and forceps. 2 contractions and 7 pushes later, we finally welcomed our baby Maria.”
Ito ang bahagi ng post ni Maja tungkol sa kaniyang naging panganganak.
Nang mailabas ang anak na si Maria, akala niya ay ok na ang lahat. Pero wala pang sampung minuto ng mahawakan ang anak ay nakitang nakaranas siya ng uterus inversion. Ito ay isang kondisyon pagkapanganak kung saan nawala sa ayos o nahila palabas ang uterus ng isang babae. Ito ay isang emergency dahil kung hindi maagapan ay maaring magdulot ito ng severe blood loss at pagkasawi ng bagong panganak na ina.
Ang kondisyon ay bibihira at nararanasan lang isa sa kada 3,500 hanggang sa 1 sa kada 20,000 na panganganak. Madalas itong natutukoy sa loob ng 24 oras matapos makapanganak ang isang babae. Pero maari ring maranasan ito ng isang babae at mapansin lang sa loob ng isang buwan matapos makapanganak.
Sa kaso ni Maja laking pasalamat niya na nalagpasan niya ito ng ligtas at agad nabigyan ng medical na atensyon ang kaniyang kondisyon.
Larawan mula sa Instagram account ni Maja Salvador
“3 OB GYN were there trying to put back my uterus manually which led to blood loss of 3 to 4 liters, then my blood pressure went down to 60/40, sinabihan na lang ako ng Doula ko na anytime I would have to go to the operating room for surgery.
That time sabi ko nalang sa sarili ko na I can’t do anything anymore… ubos na ubos na lakas ko… I started praying Hail Mary… paulit ulit kahit wala na akong lakas. And miraculously, after their last attempt, one of the OB GYN succeeded in repositioning my uterus. AMEN!!!!”
Ito ang pagbabahagi pa ni Maja.
Mensahe ni Maja sa anak niyang si Maria
Si Maja kasalukuyang nasa Canada at doon nanganak. Labis siyang nagpapasalamat sa suporta ng mga taong nakapaligid sa kaniya sa oras ng kaniyang panganganak. Lalo na sa kaniyang mister na si Rambo Nuñez. Ang aktres may mensahe rin sa kaniyang baby girl na si Maria.
“To My Husband, I LOVE YOU!
To My Maria, EVERYTHING IS WORTH IT! I LOVE YOU ANAK.”
Ito ang sabi pa ni Maria.
Larawan mula sa Instagram account ni Maja Salvador
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!