X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Rambo to Maja na isinantabi ang kaniyang nightlife para hindi na mag-overthink ang aktres: “Hindi na yon ulit mangyayari na ma-feel mo ulit yun”

4 min read
Rambo to Maja na isinantabi ang kaniyang nightlife para hindi na mag-overthink ang aktres: “Hindi na yon ulit mangyayari na ma-feel mo ulit yun”

Kuwento ni Maja, nakikipaghiwalay ulit siya kay Rambo dahil sa naprapraning siya kakaisip sa tuwing lumalabas ito sa gabi at nagpupunta sa bar. Si Rambo hindi pumayag na mawala ulit si Maja at ito nalang ang nag-adjust huwag lang mag-overthink pa ang aktres.

Maja Salvador and Rambo Nunez love story, greatest love story para sa ina ni Rambo na si Marilen Nuñez. Narito ang kanilang kuwento.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Maja Salvador and Rambo Nunez love story.
  • Sikreto ng relasyon ni Maja at Rambo.

Maja Salvador and Rambo Nunez love story

rambo nunez family

Larawan mula sa Facebook account in Rambo Nunez

Isa sa mga taong masaya sa pag-iisang dibdib ni Maja Salvador at non-showbiz boyfriend niyang si Rambo ay walang iba kung hindi si Marilen Nuñez. Dahil naging saksi siya sa pagmamahalan ng dalawa. Pati na sa kuwento ng kanilang pag-ibig na tinawag ng ina ni Rambo na “one of the greatest love story” na nasaksihan niya.

“Of all the versions of a great love story that I’ve witnessed in my life, one that I love most is when they let go of one another, only to eventually find their way back to each other. And that’s exactly the story of Rambo and Maja.❤❤❤”

Ito ang caption ng post ni Marilen sa Instagram kalakip ang isang larawan sa naging kasal ni Rambo at Maja sa Bali, Indonesia.

Sa wedding vows ni Maja at Rambo ay kapwa nila ibinahagi ang kanilang love story na nagsimula pa noong 2010. Nang panahong iyon ay 21 years old palang si Maja at nagsisimula palang ng career sa showbizness. Siya noon ang breadwinner ng kanilang pamilya.

Advertisement

Hindi nagtagal ang relasyon ni Maja at Rambo. Dahil makalipas ang apat na buwan, sila ay naghiwalay. Si Maja piniling mag-focus sa kaniyang pag-aartista habang si Rambo ay nag-concentrate sa mga negosyong sinisimulan niya. Isang sakripisyo na ginawa ni Rambo na kung mayaman nga lang daw siya noong mga panahong iyon ay napigilan niya.

“Sinabi niya ‘yun kay mama, na if may pera lang siya, if kaya niya lang ako buhayin, papatigilin na niya ako mag artista.”

Ito ang pagkukuwento ni Maja sa mga isa sa panayam sa kaniya tungkol sa naging relasyon nila ni Rambo noong 2010.

maja salvador and rambo nunez love story

Larawan mula sa Facebook account in Rambo Nunez

Pero makalipas ang siyam na taon, muling nag-krus ang landas ni Maja at Rambo. Sila ay pareho ng successful sa career na tinahak nila. Valentine’s Day noong 2019, February 14 doon unang ibinahagi ni Maja sa publiko na may ka-date siyang special someone after nine years. Nasundan ito ng pagpopost ni Rambo at aktres ng mga pictures nilang magkasama sa Instagram. Kinalaunan ay kinumpirma nga ni Maja na si Rambo ang lalaki sa buhay niya.

Sikreto ng relasyon ni Maja at Rambo

Sa isang panayam ay naikuwento ni Maja na nakikipagbreak din siya agad kay Rambo matapos niyang i-reveal na boyfriend niya ito sa publiko. Paliwanag ng aktres, ito ay dahil na-praning siya sa laging pagpunta ni Rambo sa bar na linya rin ng negosyo nito. Pero si Rambo hindi pumayag na mawala si Maja ulit sa kaniya. Kaya naman siya mismo ang nag-adjust para hindi mapraning kakaisip si Maja.

maja salvador and rambo nunez love story

Larawan mula sa Facebook account in Rambo Nunez

“So 3 a.m, nagising ako, tapos walang message from him. Nag-palpitate ako, eh. Kasi kaka-jowa reveal lang namin sa Instagram. I told him. Ang ginawa niya, pinuntahan niya ko. Ang sabi ko, ‘Nasan ka? Kasi kinakabahan ako.’ I mean, I trust him, but ang temptation, dyan bigla sayo. Wala ka magagawa din, eh. OA ako mag-isip. Ine-end ko na relationship namin. Sabi ko, ‘Parang di ko kaya na parati kang andyan sa bar mo, mamamatay ako kakaisip.’”

“After noon, nag-adjust siya. Hindi na siya nagpupunta ng bars unless kasama ako. Sabi niya, ‘hindi na yon ulit mangyayari na ma-feel mo ulit yun.’”

Ito ang pagkukuwento ni Maja.

Sa ngayon, si Maja at Rambo ay masayang ikinasal, una noong February 14 nitong taon sa isang civil wedding ceremony. Nasundan ito ng kanilang grand beach wedding sa Bali, Indonesia nitong July 31, 2023. Sila ay na-engage noong April 17, 2022.

Rappler, Cosmo PH

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Rambo to Maja na isinantabi ang kaniyang nightlife para hindi na mag-overthink ang aktres: “Hindi na yon ulit mangyayari na ma-feel mo ulit yun”
Share:
  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko