Maja Salvador light projects muna ang ginagawa bilang bahagi ng kaniyang wedding preparations: “Ayoko namang mag-mukhang haggard sa kasal ko”

Ayon kay Maja, ginawa daw lahat ni Rambo para maibigay sa kaniya ang dream wedding na gusto niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maja Salvador iniwasan muna ang mga TV series at pelikula bilang parte ng kaniyang wedding preparations. Rason ng aktres ayaw niya daw umano mag-mukhang haggard sa kasal niya.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Maja Salvador wedding preparations.
  • Detalye ng kasal ni Maja Salvador at Rambo Nuñez.

Maja Salvador wedding preparations

Larawan mula sa Facebook account ni Maja Salvador

Sa press conference ng kaniyang bagong game show na pangungunahan ay ibinahagi ni Maja Salvador na talagang umiwas muna siya sa paggawa ng teleserye at pelikula sa ngayon. Ito ay bilang bahagi ng paghahanda niya sa nalalapit nilang kasal ng fiancé niyang si Rambo Nuñez nitong darating na Hulyo.

“Kasi sinabi ko rin na ikakasal na ako, gusto ko ng light sana muna. Kasi kung gagawa ako ng teleserye or pelikula, tapos drama or action, maha-haggard ako sa kasal ko. Ayoko namang mag-mukhang haggard sa kasal ko.”

Ito ng sabi ng aktres.

Larawan mula sa Facebook account ni Maja Salvador

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Detalye ng kasal ni Maja Salvador at Rambo Nuñez

Bagamat hindi nagbigay si Maja ng detalye sa kaniyang magiging kasal, sa isa sa mga panayam sa kaniya ay ibinahagi niyang ginawang lahat ni Rambo para maibigay sa kaniya ang dream wedding na nais niya. Kabilang na nga dito ang pagiging pasensyoso nito sa kaniya.

"Ako masasabi ko na love lang talaga ako sobra ni Rambo. Because sometimes, ewan ko kung bilang ako 'to or personality ng ibang babae rin, na pagiging indecisive.

'Yong gusto mo 'to, and then biglang, 'Ay, may nakita ako sa Pinterest, may nakita ako sa Instagram, ano mas okay?

Ang haba ng pasensya niya sa akin sa ganun. But then, lagi naman niya sinasabi na he will give me the best, yung dream wedding na gusto ko."

Ito ang sabi pa ni Maja.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon naman kay Rambo, lahat naman ng plano nila sa kasal ay nagawa na. Sa kasalukuyan nasa final stage na sila ng wedding preparations nila kung saan pina-finalize nalang ang listahan ng mga guests na dadalo sa kanilang special day.

Larawan mula sa Instagram account ni Maja Salvador

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement