Maja Salvador at Rambo Nuñez ikinasal na sa Bali, Indonesia: “MR Forever”

Bagong kasal na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza present sa kasal ni Rambo at Maja!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Rambo Nuñez and Maja Salvador wedding sa Bali, Indonesia naganap na! Alamin dito kung sino-sinong mga celebrities ang naging saksi sa pag-iisang dibdib nila.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Rambo Nuñez and Maja Salvador wedding.
  • Mga celebrities na dumalo sa kasal ni Rambo at Maja.

Rambo Nuñez and Maja Salvador wedding

Ganap na ring isang misis ang aktres na si Maja Salvador. Ito ay matapos siyang maikasal sa businessman na si Rambo Nuñez. Ang kanilang kasal naganap sa Apurva Kempinski Bali Resort sa Indonesia kahapon, July 31, 2023.

Sa Instagram ay nagbahagi si Rambo ng larawan nila ni Maja habang nasa harap ng altar. Naka-tagged sa post niyang ito ang aktres na may caption na, “MR Forever 31 July 2023 💍”.

Ang MR ay ang unang letra ng pangalan ni Maja at Rambo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga celebrities na dumalo sa kasal ni Rambo at Maja

Larawan mula sa Instagram account ni Pat Dy

Samantala, lumipad naman ang mga celebrity friends nila Maja at Rambo sa Indonesia para masaksihan ang pag-iisang dibdib nila. Kasama nga sa entourage ng kanilang kasal ay ang bagong kasal rin na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Present din sa kasal ni Maja at Rambo ang magkasintahang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ganoon din ang mag-asawang sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Nandoon din sina John Lloyd Cruz, Janella Salvador, Miles Ocampo, Joshua Garcia at ang mga komedyanteng sina Pooh at Kakai Bautista.

Ang kasal nila Maja at Rambo ay naganap higit isang taon matapos silang ma-engage noong April 2022.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Pat Dy

Nagsimula ang relasyon sa pagitan ni Rambo at Maja noong 2010 bagamat ito ay tumagal ng apat na buwan lamang. Ang dalawa nag-desisyong hindi na muna ituloy ang relasyon nila noon dahil sa pareho nilang gustong mag-focus sa kanilang career. Taong 2018 ng muling mag-krus ang landas ni Maja at Rambo at sa sumunod na taon ay nagkabalikan sila. At mula noon hanggang sa ngayon ay mas naging matatatag ang pagsasama ni Rambo at Maja na ngayon ay ganap ng mag-asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement