11 rason kung bakit nangangati ang iyong ari

lead image

Bakit ba minsan, nagkakaroon ng makati na pwerta? Ano ba ang sanhi nito, at ano ang puwedeng gawin ng mga babae tungkol dito?

Normal lang naman sa mga tao ang mangati paminsan-minsan. Posibleng dahil ito sa pantal, o kaya na-irritate lang ang balat. Ngunit paano kung mayroon kang makati na pwerta? Dapat ka bang mag-alala agad?

Ating alamin kung ano ang sanhi ng mga ito, at ano ang puwedeng gawin upang maibsan ang pagkakaroon ng makati na pwerta. Heto ang 12 rason kung bakit nangangati ang iyong ari:

Mga posibleng dahilan ng makati na pwertasrc=https://ph admin.theasianparent.com/wp content/uploads/sites/11/2017/07/Vaginal odors featured image.jpg 11 rason kung bakit nangangati ang iyong ari

1. Epekto ng waxing, o pag-ahit

Napaka-sensitibo ng lugar sa paligid ng iyong ari. Kaya kung madalas kang mag-wax o mag-ahit nito, posibleng magkaroon ng irritation ang balata at magkaroon ka ng makati na pwerta.

Ang solusyon dito ay gumamit ng mga cream o lotion para maprotektahan ang iyong balat pagkatapos mag-wax o mag-ahit. Puwede ring bawasan mo kung gaano mo kadalas ito gawin dahil kapag madalas ka mag-wax at mag-ahit, talagang maapektuhan nito ang iyong balat.

2. Mga beauty treatments

Sa panahon ngayon, hindi lang limitado sa mukha ang pagkakaroon ng mga beauty treatments. Pati na ang iba't-ibang bahagi ng katawan ay mayroong kanya-kanyang mga treatment, at kasama na rito ang vagina.

Kasama na rito ang vaginal steaming at kung anu-ano pang mga mask na inilalagay sa ari ng babae. Ngunit ayon kay Mary Jane Minkin, clinical professor of obstetrics, gynecology, and reproductive sciences sa Yale University, hindi raw ito kailangan.

Ang mga ganitong uri ng treatment ay nagiging sanhi lang ng irritation at pangangati sa ari ng babae, at mabuting iwasan na lang.

3. UTI

Ang pagkakaroon din ng UTI, o urinary tract infection, ay isa rin sa mga sanhi ng makati na pwerta. Kadalasang nakukuha ang UTI kapag nainfect ng bacteria ang urinary tract, kabilang na ang urethra, kidneys, ureter, at bladder.

Ang mga sintomas ng UTI ay madalas na pag-ihi, pangangati ng ari, mainit o masakit na pakiramdam kapag umiihi, o mabahong ihi.

Kapag mayroon kang UTI, mabuting pumunta sa doktor upang mabigyan ka ng tamang antibiotic na magiging lunas sa iyong karamdaman.

4. Hormonal changes at perimenopause

Kapag dumarating ang iyong menstrual cycle, binabago ng mga hormones ang iyong katawan. Isang epekto nito ay ang pagkakaroon ng dry skin sa iyong ari.

Ang perimenopause, o panahon bago magsimula ang menopause ay isa ring sanhi ng pagkakaroon ng dry skin sa ari. Ito ay dahil sa pagbaba ng estrogen levels sa iyong katawan.

Kaya mabuting gumamit ng mga moisturizer upang hindi magkaroon ng dry skin at makaiwas sa makati na pwerta.

5. Lichen sclerosus

Ang lichen sclerosus ay isang uri ng sakit sa balat tulad ng eczema at psoriasis. Ito ay maputing rash na ubod ng kati, at madalas nakikita sa genital o anal na bahagi ng katawan.

Kapag sa tingin mo mayroon kang ganitong kondisyon, mabuting magpakonsulta sa doktor upang mabigyan ka ng wastong gamot para sa sakit na ito.

6. Pubic lice

Tulad ng kuto sa ulo, nagdudulot ng matinding kati ang pubic lice. Nanggagaling ang pangangati kapag kinakagat ng mga kuto ang iyong balat, at dahil rin sa mga itlog na nilalagay nila sa iyong balat. Nagiging sanhi ito ng irritation kaya nangangati ang mga mayroong pubic lice.

Ang solusyon sa pubic lice ay ang paggamit ng anti-lice na cream o lotion (tulad ng sa kuto) at ang mabuting paglalaba at paglilinis ng iyong hinihigaan at ng mga underwear at damit pang-ibaba na sinusuot mo.

7. STD

Hindi lahat ng STD ay mayroong sintomas na pangangati. Ngunit mayroong mga STD, tulad ng genital warts, na nagiging sanhi ng pangangati.

Ang mga genital warts ay epekto ng virus na HPV, at binabago nito ang pH level sa ari ng babae. Dahil sa pagbabagong ito, nagkakaroon ng dry skin at pangangati ang ari.

Kapag mayroon kang mga genital warts, mabuting magpakonsulta sa doktor upang mabigyan ng tamang lunas.

8. Yeast infection

Ang yeast infection ay nagmumula sa uri ng fungus na Candida. Ito ang pinakamadalas na dahilan ng makati na pwerta.

Ang mga sintomas nito ay ang pagkakaroon ng discharge na katulad ng cottage cheese, pamumula ng ari, at pangangati.

Sa kabutihang palad, madaling gamutin ang yeast infection, at kailangan lang ng over the counter na antifungal cream upang magamot ito. Kung matindi ang infection, mas mabuting magpakonsulta sa doktor upang makapagreseta sila ng mas malakas na gamot.

9. Contact dermatitis

Ang contact dermatitis ay nangyayari kapag mayroon kang sinubukan na bagong produkto sa iyong balat, at hindi hiyang ang balat mo dito. Nagiging epekto nito ang pagkatuyo ng balat at pangangati.

At siyempre, nangyayari din ito sa balat sa ari ng babae. Kadalasan itong nangyayari kapag sumubok ka ng bagong napkin, feminine wash, shaving product, condom, o lubricant na hindi hiyang sa balat mo.

Mabuting umiwas sa mga produktong may mga dagdag na pabango o fragrance upang makaiwas sa contact dermatitis. Nakakatulong rin ang pagligo sa epsom salts, o ang paggamit ng cream na mayroong OTC hydrocortisone upang mawala ang pangangati.

10. Eczema o psoriasis

Ang mga sakit sa balat ay posibleng sanhi rin ng pangangati sa iyong pwerta. Kasama na rito ang eczema at psoriasis.

Ang eczema ay dahil sa allergy o problema sa autoimmune system. Ang sintomas ng eczema at psoriasis ay pamumula ng balat at pagkakaroon ng matinding pangangati. 

Matagal ang gamutan sa mga ganitong sakit, at paminsan ay kailangan ng habangbuhay na pag-inom ng gamot. Ngunit marami namang produkto na makakatulong sa mga may eczema at psoriasis, at kailangan lang magpakonsulta sa doktor upang malaman ang pinaka-angkop na paraan ng treatment.

11. Bacterial vaginosis

Kapag may pH imbalance ang vagina ng babae at masyadong maraming bacteria dito ay nagkakaroon ng bacterial vaginosis.

Pero madalas ay hindi pangangati ang pangunahing sintomas ng bacterial vaginosis. Madalas ay magkakaroon ka ng discharge, mabahong amoy, at hindi komportableng pakiramdam sa iyong ari.

Nakakatulong ang pag-inom ng antibiotics at paggamit ng mga over-the-counter na gamot upang maibsan ang sintomas ng bacterial vaginosis.

 

Source: Women's Health

Basahin: Bakit makati ang tiyan ng buntis?