STUDY: Mas maiiwasan ang risk ng cancer sa mas malaking pamilya

Sa mga pamilyang may history ng cancer, hindi maiiwasang mag-doubt sa posibleng risk nito sa mga susunod na generation. Pero, may sagot ang mga eksperto dito. At tungkol ito sa malaking pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pagkakaroon ng record o history ng mga sakit sa henerasyon ng pamilya, hindi imposible na maging genetic ang mga sakit na ito. Gayundin, may pangambang ang cancer ay naipapamana sa mga sumusunod na generation.

Isa ang cancer sa mga sakit na nakamamatay para sa sangkatauhan. May mga pagsubok na ng makabagong medisina ngunit hindi pa nakikita ang tiyak na gamot para dito.

Imahe mula sa | pexels.com

Mas mainam pa rin na mabawasan o bumaba ang risk ng pagkakaroon ng cancer. Sa tulong ng mga pananaliksik, nakita ng mga eksperto kung sa paanong paraan maaari pang maiwasan ang pagkakaroon ng risk nito.

Ugnayan ng malaking pamilya sa pagbaba ng cancer risk

Sa pamamagitan ng grupo ng mga researches at ni Prof. Rühli, nakita nila ang posibilidad ng mababang risk ng cancer sa bigger families. Nangangahulugan ito na hindi lang ang bilang ng nuclear family, kundi maging ang lahat ng nasa kabahayan. Kasama na rin dito ang extended family members.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero paano nila ito ipinaliwanag?

Kasama sa mga cancer na ito ang kanser sa baga, utak, tiyan, suso, obaryo, at maging melanoma. Bagaman nakakapagtaka, sa research na ito ng grupo, nagiging mas effective ang family size sa mga lalaki kaysa babae.

Gayunpaman, nakita rin nila na ang mga kanser na tiyak para sa mga babae ay mas mababawasan kung mas marami ang ipagbubuntis. Dagdag pa, ang mga unrelated sa reproduction na cancer ay mas epektibo ang lower risk sa lalake kaysa babae.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Imahe mula sa | pexels.com

Aspekto ng protektibong malaking pamilya

Bagaman stressful, ang malaking bilang ng miyembro ng pamilya ay isang protective agent. Bumubuo ito ng positibong emosyon na nakakatulong sa paglaban sa alinmang sakit. Dagdag pa, nagiging paraan din ito upang mapangalagaan ang pamilya sa pagdevelop ng cancer.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tandaan

Imahe mula sa | pexel.com

Mabuti pa rin ang tamang pagpaplano sa laki ng pamilya. Gayundin, mas kailangan pa rin na panatilihing malusog ang paraan ng pagkain at pagpapalaki sa mga miyembro ng pamilya.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Nathanielle Torre