X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Mga misis, importante ba talaga ang malaking penis?

3 min read

Karamihan ng mga misis ay nahihiyang i-open ang topic na ito sa kanilang mga mister—pero hindi nangangahulugang wala silang opinyon tungkol dito. Ang mga tanong na, "Importante ba talaga ang malaking penis sa lalaki?" ay pangkaraniwan ng napagdidiskusyunan ng mga kababaihan. Kaya naman madaming mga nagsisilabasan na mga gamot, ehersisyo, at kung anu-anong produkto na nagpapalaki ng ari.

Sa isang survey ng 800 na lalaki, napag-alaman na ang average na haba ng penis ay 5.5 inches. Samantalang ayon naman sa Kinsey Report, 6.2 inches naman daw ang average na haba sa mga rumisponde sa pag-aaral nila.

Kaya naman ang napagkasunduang average na size ng penis ay nasa pagitan ng 5.1 hanggang 6 inches.

May dalawang karaniwang sagot pagdating sa tanong na kung mahalaga nga ba ang haba:

1. Wala sa haba, nasa gawa

May mga naniniwala na wala sa haba ng penis ang pagkakaroon ng masayang experience sa sex kundi nasa kung paano ito gamitin—pressure, speed, at iba pa niyang talento sa kama ang labanan. Isama na rito ang kung paano niya gamitin ang ibang parte ng kaniyang katawan para makapag-bigay ng pleasure sa partner niya.

Kadalasan daw kasi na kapag malaki ang ari ng isang lalaki, hindi na siya adventurous sa kama. Iniisip na lang niya na dahil mayro'n siyang malaking penis, e, sapat na iyon para ma-satisfy ang babae.

Ang mga naniniwala sa unang pananaw na ito ay mas nagbibigay ng halaga sa kalidad ng pagtatalik. As long as naibibigay kay misis ang gusto niyang pleasure at orgasm na inaasam niya, happy na si misis.

2. Long si Dodong

Siyempre mayro'n din namang mga Inday na gusto ng malaking Dodong. Ang mga may pananaw na ganito ay iniisip na kapag may mas malaking penis, mas pleasurable at makakapag-bigay ng vaginal orgasm.

Sa isang survey ng mga kababaihan, mahigit sa 80% ang nagsabi na gusto nila mas nasa-satisfy sila sa mahabang penis. Hiling nila na sana ang laki ng ari ay nasa 5.75 hanggang 6.25 inches.

Ngunit kung papipiliin ang mga ito kung mas gusto nila ng mahaba o matabang ari, mas marami ang gusto ng matabang penis.

Kalinisan ng ka-penis-an

Ngunit kung may pagkakasunduan man ang dalawang kampo ng pananaw, ito ay ang kalinisan. Para sa mga babae, ito ang pinaka-importante. Sunod nito ang haba, kinis, at itsura ng penis.

Sino nga ba naman ang mag-e-enjoy sa ari na kasing laki nga ng kamao pero sagad din sa baho!

Ayon sa mga survey, hati man ang sagot tungkol sa circumcision, nagkaka-isa pa rin ang mga babae na dapat malinis ang penis, tuli man o hindi.

Bilang pagtatapos sa diskusyon, mahaba man o maikli, mataba man o hindi, tuli man o supot, isa lang naman talaga ang hinahangad ng karamihan—na sa isang vagina lang pumapasok ang penis ni mister!

 

Isinalin mula sa wikang Ingles galing sa artikulong
https://sg.theasianparent.com/how-women-view-penis-size

Partner Stories
Steps to keep stress levels at bay while working-from-home
Steps to keep stress levels at bay while working-from-home
BGC Passionfest 2019 is happening and it's going to be a blast!
BGC Passionfest 2019 is happening and it's going to be a blast!
Pay it forward to our modern-day heroes with PayMaya 
Pay it forward to our modern-day heroes with PayMaya 
Kilalanin ang Mga Nakakabilib na Batang May Tibay Ngayong Panahon
Kilalanin ang Mga Nakakabilib na Batang May Tibay Ngayong Panahon

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

theAsianparent Philippines

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Mga misis, importante ba talaga ang malaking penis?
Share:
  • Buried Penis In Baby Boys: A Guide For Parents

    Buried Penis In Baby Boys: A Guide For Parents

  • What is this Thai penis whitening fad everyone is talking about?

    What is this Thai penis whitening fad everyone is talking about?

  • 5 signs na masyado mong nahihigpitan ang iyong anak

    5 signs na masyado mong nahihigpitan ang iyong anak

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

  • Buried Penis In Baby Boys: A Guide For Parents

    Buried Penis In Baby Boys: A Guide For Parents

  • What is this Thai penis whitening fad everyone is talking about?

    What is this Thai penis whitening fad everyone is talking about?

  • 5 signs na masyado mong nahihigpitan ang iyong anak

    5 signs na masyado mong nahihigpitan ang iyong anak

  • Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

    Maricel Laxa noong ipakilalang pamangkin ng amang si Tony Ferrer sa mga kapatid niya: “It was a major pain that I'd experienced.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.