Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa, idineklara na ang lockdown at curfew sa buong Metro Manila. Dahil sa pagsunod sa nasabing utos, ang ilang mga mall sa bansa ay nagbago na rin ng mall schedule.
COVID-19 in Philippines
Naitala noong nakaraang taon ang unang kaso ng COVID-19 sa China, buwan ng November. Kasunod nito ang mabilis na pagkalat ng nakamamatay na virus sa buong mundo.
Sa ngayon, 140 katao na ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 dito sa bansa. Habang 2 sa kanila ang na-discharged na at 12 ang namatay.
Noong March 12 rin official nang inanunsyo ni Pangulong Duterte ang lock down sa buong Metro Manila.
Hindi na maaaring makalabas o makapasok ng bansa; land, local air travel at local sea travel. Ito ay nagsimula noong March 15 habang ang buong Metro Manila ay nasa ilalim ng Community Quarantine. Ang lockdown na ito ay hanggang sa April 14.
Hindi naman ito masasabing ‘total lockdown’ dahil maaari pa ring makapasok ng Metro Manila ang mga papasok sa trabaho na labas sa nasabing region. Magpapakita lamang ito ng ID na makapagsasabing nagtatrabaho siya sa Metro Manila.
Curfew in Philippines
Pagkatapos ng anunsyo sa lockdown sa buong Metro Manila, kasunod nito ang pagpapatupad ng curfew sa ilang city sa Metro Manila.
Anim na city nga ang nagpatupad ng curfew. Ito ang Manila, San Juan, Muntinlupa, Navotas, Makati City. Kasama na ang Quezon City kung saan naitala ang pinakamaraming kaso ng virus.
Ayon sa ordinansa na ipinatupad, magsisimula ang nasabing curfew ngayong Lunes mula 8 PM hanggang 5 AM. Pinagbabawal ang paglabas sa kanilang bahay ng ganitong oras. Mag-isa man o grupo. Hindi naman kabilang sa curfew ang mga health workers.
Magsisimula naman ang curfew sa Manila ngayong Thrusday.
Mall schedules sa loob at labas ng Metro Manila
Dahil sa pagpapatupad ng curfew, nag-adjust ng mall hours ang ilang malls sa bansa. Narito ang ilan sa kanila:
Luzon Malls
1. Ayala Malls
Magsasara ng panandalian ang Ayala Malls sa Metro Manila.
Ito ay magsisimula ngayong araw, March 16. Ngunit ayon sa kanila, bukas pa rin ang ibang establisyemento katulad ng Supermarkets, drugstores, banks at convenience store.
2. SM Supermalls
Magsasara rin ng panandalian ang SM Supermalls. Ngunit mananatali pa ring bukas sa publiko ang mga establisyemento para sa mga necessities katulad ng supermarkets, pharmacy, hardware, restaurants.
Magsisimula ito ngayong araw, March 16. 11 AM hanggang 7 PM.
#SMAnnouncements: For everyone’s safety and in support of the government’s efforts versus Covid-19, our Metro Manila…
Posted by SM Supermalls on Sunday, 15 March 2020
3. Robinsons Mall
Temporary ring magsasara ang Robinsons Malls ngayong araw, March 16. Ngunit bukas ang ilang mga establishments katulad ng Supermarket, pharmacy, banks, hardware at convenience stores.
Mall schedule | Image from Robinsons Malls
4. Waltermart Malls
Patuloy pa rin namang magbubukas ang Waltermart Malls sa publiko. Ngunit maaga lang ang kanilang pagsasara upang makaiwas sa COVID-19. Nagsimula ito noong March 15. Hanggang 7 PM lang din ang kanilang mall hours.
5. Araneta City
Kasama rin ang Araneta City sa panandaliang magsasara ngayong March 16. Kasama dito ang Gateway Mall, Ali Mall at Farmers Plaza.
Ngunit mananatili pa ring nakabukas ang ilang establishments katulad ng supermarkets, groceries, convenience stores, pahrmacy, medical and dental clinics at restaurant.
Mall schedule | Image from Araneta City
6. Starmall
Isasara na rin panandalian ang Starmall ngayong araw, March 16. Katulad ng ibang mall, mananatili pa ring nakabukas ang ibang establishments katulad ng supermarket, drug store, convenience store, banks at select restaurant.
Mula 11 AM- 7 PM hanggang Monday to Sunday ang kanilang mall hours ngayong nagpatupad ng curfew.
To our dear mall patrons: Starmalls in Metro Manila will be implementing temporary mall closure starting March 16,…
Posted by Starmall on Sunday, 15 March 2020
7. Bonifacio Global City
Ngayong March 16, nakatakdang magsara ang BGC ng kanilang mall operation. Ito ay temporary lang naman para makaiwas sa COVID-19.
Mananatili pa rin namang nakabukas ang supermarket, drugstore, convenience stores at banks sa BGC.
#BGCitizens: In compliance with the directive of Metro Manila LGUs on General Community Quarantine, please be guided on…
Posted by Bonifacio Global City on Sunday, 15 March 2020
8. Greenhills
Official statement from Greenhills Center Management – 15 March 2020
Posted by Greenhills Mall on Saturday, 14 March 2020
Visayas Malls
1. Ayala Center Cebu
Simula ngayong araw, March 16 nag-adjust na rin ng kanilang mall hours ang Ayala Center Cebu.
Mondays to Fridays: 11 AM – 7 PM
Saturday & Sunday: 10 AM – 7 PM
In support of the government directive on General Community Quarantine, please be guided on the shorter operating hours…
Posted by Ayala Malls on Sunday, 15 March 2020
2. SM City Iloilo
Kasama rin ang SM City Iloilo sa mga mall na nag adjust ng kanilang mall hours.
Monday to Friday: 11 AM – 9 PM
Saturday to Sunday: 10 AM – 9 PM
As we prioritize your health and safety, we would be adjusting our mall hours starting today, March 14,…
Posted by SM City Iloilo on Saturday, 14 March 2020
3. Robinsons Galleria Cebu
Simula ngayong araw, mapapaaga na ang pagsasara ng Robinsons Galleria Cebu. Mula 11 AM – 7 PM araw-araw ang kanilang bagong mall schedule.
📣 #RobinsonsMallsAdvisory 📣For the health, and safety of our customers, tenants and employees, please be advised that…
Posted by Robinsons Galleria Cebu on Sunday, 15 March 2020
4. J Centre Mall
Magsasara pansamantala ang J Centre. Mall sa Mandaue City.
J Centre Mall Cinema, Convention Hall, and Gold’s Gym will be temporarily closed effective today, March 16, 2020, until…
Posted by J Centre Mall on Sunday, 15 March 2020
5. Parkmall
Nag-adjust na rin ng mall hours ang Parkmall sa Cebu City para makaiwas sa pagkalat ng COVID-19. Ang Parkmall ay magbubukas ng 11 AM hanggang 8 PM.
⚠️ #ParkmallAdvisory ⚠️The safety of the Parkmall Community is our priority. We have adjusted our mall hours to prevent the spread of COVID-19.#ParkmallBetter
Posted by Parkmall on Saturday, 14 March 2020
Mindanao Malls
Ilang mall naman sa Cagayan De Oro ang nag-adjust ng kanilang mall hours dahil na rin sa COVID-19. Narito ang ilan sa kanila:
1. Gaisano City Mall
Simula sa March 18, ang pagbubukas ng Gaisano City Mall ay mula 10 AM na hanggang 7 PM.
To our valued shoppers, effective on March 18, 2020, we are adjusting our Mall Hours as precautionary measure for…
Posted by Gaisano City Mall CDO on Saturday, 14 March 2020
2. Limketkai Mall
Isa na rin sa nag-adjust ng kanilang mall schedule ang Limketkai Mall sa Cagayan De Oro. Magsisimula ito ngayong March 16. Mula 10 AM hanggang 8 PM.
Here's our adjusted mall hours effective March 16, 2020, until further notice. Thank you for your support and understanding.———-#LimketkaiCenter #LKKatoGyudNi #LKKCDO
Posted by Limketkai Center on Sunday, 15 March 2020
3. Centrio Mall
Magsisimula ngayong araw, March 16 ang bagong mall schedule ng Centrio mall sa Cagayan De oro.
Sundays to Thursday: 10 AM – 8 PM
Fridays & Saturdays: 10 AM – 9 PM
Please be guided on the change in mall operating hours of Ayala Malls Centrio starting March 16, 2020 until further notice.Let’s work together to keep Cagayan de Oro healthy and safe. 🧡
Posted by Ayala Malls on Saturday, 14 March 2020
4. SM City Cagayan de Oro
Naglabas na rin ng paalala ang SM City Cagayan de Oro ng kanilang adjusted mall schedule.
Monday to Friday: 11 AM – 9 PM
Saturday to Sunday: 10 AM – 9 PM
As we prioritize your health and safety, we would be adjusting our mall hours starting March 13, 2020.👍#TogetherAtSM, let's protect ourselves and our loved ones from the COVID-19.🙌#EverythingsHereAtSM
Posted by SM City Cagayan de Oro on Thursday, 12 March 2020
Source: Philstar
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!