Malusog na bata, hindi lang daw dahil sa healthy mommy habang nagbubuntis.
Ang pagiging malusog rin daw ni baby ay nagsisimula sa healthy sperm ni daddy na mahilig mag-exercise!
Malusog na bata study, dahil sa regular na pag-eexercise ni daddy
Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa Diabetes journal nito lamang October 2018, ang pagiging physically healthy ng isang lalaki ay makakatulong rin sa long-term health ng kaniyang offspring o magiging supling.
Dahil ito umano sa physiological changes na naidudulot ng regular na pag-eexercise sa small RNA ng sperm cells ng isang lalaki.
Ito ang natuklasan ng mga researchers na sina Kristin Stanford ng The Ohio State University College of Medicine at Laurie Goodyear ng Harvard Medical School’s Joslin Diabetes Center.
Ang kanilang pag-aaral ay pinamagatang “Paternal Exercise Improves Glucose Metabolism in Adult Offspring” na kanilang ginawa sa pamamagitan ng experiment gamit ang male mice o lalaking daga.
Bagamat ginawa ang pag-aaral sa pamamagitan ng male mice, ipinaliwanag ng mga researchers ang gustong iparating ng kanilang pag-aaral sa mga tao.
Ito ay ang impact na nagagawa ng moderate-to-vigorous physical activity (MVPA) sa small RNA ng sperm cells ng isang lalaki.
Naniniwala sila na ang small RNA sa sperm cells ng isang lalaki ay nagpapasa ng healthy metabolic traits sa kaniyang magiging anak para maging isang malusog na bata.
Napatunayan nga nila ito gamit ang grupo ng mga soon-to-be fathers na male mice na hinati sa dalawa.
Ang unang grupo ay pinakain ng high-fat diet at inilagay sa isang lugar para maobserbahan.
Habang ang pangalawang grupo naman ay pinakain rin ng high fat diet ngunit nilagyan ng running wheel ang lugar na kanilang pinaglalagian. Ito ay para hayaan silang makapag-voluntary exercise.
At matapos ang tatlong linggo ay hinayaan namang makipagtalik ang dalawang grupo ng male mice sa mga babaeng daga.
Ang resultang natuklasan ng mga researcher: Ang mga male mice na kumain ng high fat diet at hindi nag-exercise ay naipasa ang metabolic traits sa kanilang supling na nagpapataas ng tiyansa ng obesity at type 2 diabetes sa mga ito.
Habang ang mga male mice naman na regular na nag-exercise gamit ang running wheel ay nakapagpasa ng mas malusog na metabolic profiles sa kanilang mga supling.
Dito napag-alaman ng mga researcher na ang regular na pag-eexercise ng isang grupo ng male mice sa loob ng tatlong linggo ay nagdulot ng physiological changes sa small RNA ng kanilang sperm.
Nagkaroon raw ng better glucose metabolism, lesser fat mass at decreased sa kanilang body weight ang mga male na nag-eexercise kumpara sa isang grupo ng mga sedentary mice na nakaupo lang ng madalas.
Iba pang study tungkol sa pagkakaroon ng malusog na bata o anak ng isang lalaki
Ang findings na ito nina Stanford at Goodyear ay nagpatibay naman sa findings ng isang pag-aaral na nag-uugnay sa diet, body weight at overall well-being ng isang lalaki sa long-term health ng kaniyang magiging supling.
Samantala isang pang pag-aaral na isinagawa ng mga Australian researcher noong 2017 gamit parin ang mga male mice ang nagtukoy sa kahalagahan ng pag-eexercise sa mga father wanna be.
Ayon sa pag-aaral, ang lalaking mahilig mag-exercise ay nagpapababa sa tiyansa ng kaniyang magiging anak na magkaroon ng fear-conditioned memories o makaranas ng anxiety sa kaniyang pagtanda.
Ang pag-aaral ay pinamagatang “Exercise Alters Mouse Sperm Small Noncoding RNAs and Induces a Transgenerational Modification of Male Offspring Conditioned Fear and Anxiety,” na inilathala sa Translational Psychiatry.
Samantala, ayon naman kay Kristin Stanford na author ng naunang pag-aaral, bagama’t male mice ang kanilang ginamit sa experiment, mahalaga ang ipinararating nito sa mga tao.
Ito ay ang kahalagahan ng regular na pag-eexercise sa mga lalaki kahit sa loob ng isang buwan bago ang conception. Dahil sa tulong ng exercise ay magkakaroon sila ng healthy sperm na magproproduce ng malusog na bata o supling.
Isang magandang halimbawa nga raw dito ay ang epekto ng obesity sa isang lalaki. Tulad na lang ng pagpapahina sa testosterone levels, sperm number at sperm motility.
Bagamat kinakailangan pa ng dagdag na pag-aaral gamit ang human experiment, umaasa ang mga researcher ng pag-aaral na magsisilbing gabay ang kanilang study sa mga lalaking nagpaplanong magkaanak. Ito ay para makasigurado na magiging strong at malusog na bata ang kanilang magiging mga supling o mga anak.
Source: Psychology Today, Very Well Family
Basahin: 5 paraan upang maprotektahan ang mental health mula sa social media