5 senyales na mama's boy pa rin si mister

Mama’s boy ba ang asawa mo? Narito ang mga paraan kung paano siya pakikisamahan para walang maging problema.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mama’s boy ang asawa, iyan ang pinoproblema ng ilang misis na nagiging ugat din ng sigalot sa isang pagsasama. Ano nga ba ang mga palatandaan na mama’s boy ang asawa mo at ano ang dapat mong gawin para maiwasan ang mga problemang maaring maging epekto nito?

Image from Freepik

Ang mga Pinoy ay kilala sa pagkakaroon ng close family ties. Ilan nga sa atin kahit may asawa na ay nakatira parin kasama ang ating magulang. Dahil bilang Pilipino labis nating pinahahalagahan ang pamilya na nakakasama natin sa pagharap sa mga problema. Pero minsan ay may hindi rin magandang epekto ito lalo na sa ating mga babae. Ang aking tinutukoy ay ang sobrang pagiging attached parin ng ilang mister sa kanilang ina o pagiging mama’s boy. Dahil madalas, ito ay pinag-uugatan ng hindi pagkakaintindihan o problema ng mag-asawa.

Senyales na mama’s boy ang asawa

Ngunit, ano nga ba ang senyales na mama’s boy ang asawa mo? Ayon sa licensed clinical psychologist at relationship expert na si Seth Meyers, ito ay ang sumusunod:

  • Nagagalit siya o hindi ka puwedeng magsalita ng kahit anong negative tungkol sa mama niya.
  • Walang ginagawang masama ang mama niya sa paningin niya.
  • Hindi siya makasabi ng “no” o “hindi” sa kaniyang mama.
  • Umiiwas siyang makipagtalo sa kaniyang ina sa kahit anong bagay kahit na magkagalit pa kayo.
  • Kapag may problema sa pagitan mo at kaniyang ina, mas kakampihan niya ito kaysa sayo.

Nakikita mo ba ang mga senyales na ito sa asawa mo? Puwes narito naman ang mga paraan kung paano pakikisamahan ang isang mama’s boy na asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga paraan kung paano pakisamahan ang mama’s boy na mister

1. Huwag pabigyan ang kaniyang mga demand na may kaugnayan sa kaniyang ina.

Bilang asawa ay may karapatan kang magsalita sa mga usapin sa inyong pamilya. Kung sa tingin mo ay may hindi magiging magandang epekto ang anumang desisyon ng iyong asawa patungkol sa kaniyang ina ay huwag itong pagbigyan. Manindigan at ipaintindi sa kaniya na ang nais mo lang ay ang ikabubuti ng inyong pamilya.

2. Ipaintindi kay mister na mahalagang bigyan niya ang inyong pagsasama at ikaw na kaniyang asawa ng personal space.

Ipaliwanag kay mister na dapat ay maintindihan niya na kailangan ninyo bilang mag-asawa na itaguyod ang inyong pamilya sa tulong ng isa’t-isa. Ito ay para matutunan ninyo kung paano ang mamuhay bilang mag-asawa na magkasama ring haharap sa problema. Bagamat makakatulong ang mga payo mula sa kaniyang ina, kailangan niyang maintindihan na hindi sa lahat ng oras, ito ay tama at angkop sa inyong dalawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi rin dapat kayo nakatira sa iisang bahay kasama ang kaniyang ina. Dahil hindi man sinasadya, nagiging ugat ito ng pagkukumpara ng ina sa pag-aalaga na ginagawa niya sa kaniyang anak at sa ginagawa mo bilang kaniyang asawa. Kinalaunan, ito ay mauuwi sa hindi pagkakaintindihan o problema.

3. Huwag pakialaman ang relasyon ni mister sa kaniyang ina.

Para maiwasan ang problema, mabuting huwag ng pakialaman si mister pagdating sa relasyon niya sa kaniyang ina. Maliban nalang kung naapektuhan ka na nito at ang inyong pamilya.

4. Iwasang magsalita ng kahit anong masama sa kaniyang ina.

Kahit gaano pa ka-pangit ang pakikitungo ng nanay ng iyong mister sayo, hindi ka dapat magsalita ng kahit anong masama tungkol dito sa harap ng iyong asawa. Dahil ito parin ay kaniyang ina at magiging masakit sa kaniya na makarinig ng mga bagay na maaring makasira sa babaeng nagpalaki at nag-aruga sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

At dapat mong tandaan, kahit ano man ang mangyari, siya parin ang ina ng iyong asawa. At siya ay kailangan mong i-respeto at mahalin tulad ng ginagawa mo sa anak niya.

Source: Psychology Today, Very Well Family

Basahin: Parenting tips for moms: Why being a “Mama’s boy” isn’t a bad thing!