Mammosense: Mas Maginhawang Breast Screening para sa mga Kababaihan

Dahil maraming kababaihan ang ayaw magpa-mammogram dahil masakit ito, lumikha ng imbensyon si Luke Goh ang mammosense, mas maginhawang paraan ng breast screening. / Lead photo from James Dyson Foundation

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mammogram ay isang espesyal na X-ray na ginagamit upang suriin ang kalusugan ng mga suso at matukoy kung may mga senyales ng breast cancer. Karaniwan itong inirerekomenda sa mga kababaihan edad 40 pataas bilang regular na screening o kapag may nakitang bukol. Subalit, marami ang nag-aatubiling magpa-mammogram dahil sa takot sa discomfort at sakit na dulot nito. Kaya naman naimbento ang mammosense –solusyon para sa mas maginhawang breast screening.

 Bakit masakit ang mammogram? 

Kapag sumasailalim sa mammogram, kailangan pisilin ang suso sa pagitan ng dalawang plato upang makakuha ng malinaw na X-ray image. Ang compression na ito ay mahalaga para maiwasan ang malabong imahe at matukoy ang mga abnormalidad nang maaga. Subalit, ang presyon ay maaaring magdulot ng kirot, lalo na kung ang pasyente ay may sensitibong suso o kung mali ang pag-adjust ng makina. Dahil dito, maraming babae ang nagiging hesitant at minsan pa nga’y tuluyang iniiwasan ang screening.

Larawan mula sa Freepik

Ano ang Mammosense? 

Dahil sa mga hamon ng mammogram, ipinakilala ang Mammosense, isang bagong teknolohiya na naglalayong gawing mas komportable ang breast screening. Gamit ang LiDAR technology – isang uri ng sensor na sumusukat sa distansya at presyon – tinitiyak ng Mammosense na ang tamang dami lamang ng pressure ang ilalapat sa suso. Sa ganitong paraan, nababawasan ang kirot nang hindi isinasakripisyo ang kalidad ng X-ray image.

Ang inspirasyon sa paglikha ng Mammosense 

Ang Mammosense ay naimbento ni Luke Goh matapos makaranas ng personal na hamon sa kanilang pamilya. Ang kanyang ina ay umatras sa karagdagang pagsusuri matapos maranasan ang labis na kirot mula sa mammogram. Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito, umaasa si Goh na mapabuti ang karanasan ng mga kababaihan sa pag-screening at mahikayat ang mas maraming babae na regular na magpa-mammogram.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa James Dyson Foundation

 Paano nito pinabubuti ang breast screening? 

  • Tamang presyon: Tinitiyak ng LiDAR sensor na sapat lamang ang compression para makuha ang malinaw na imahe.
  • Mas komportableng proseso: Nabawasan ang posibilidad ng labis na kirot, na nagbibigay ng mas positibong karanasan sa mga pasyente.
  • Nahihikayat ang mga kababaihan sa screening: Sa mas maginhawang proseso, inaasahan na tataas ang bilang ng mga kababaihang nagpapasuri nang mas madalas.

Bakit mahalaga ito sa Pilipinas? 

Sa kabila ng mataas na kaso ng breast cancer sa bansa, marami pa ring Pilipina ang hindi sumusunod sa rekomendadong screening dahil sa takot sa kirot at discomfort. Ang pag-unlad ng teknolohiyang tulad ng Mammosense ay maaaring maging malaking tulong upang mas marami ang magpatingin at mapababa ang mortality rate mula sa breast cancer. Sa maagang pagtuklas ng sakit, mas mataas ang tsansa ng paggaling at epektibong paggamot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Freepik

Ang Mammosense ay isang makabagong hakbang tungo sa mas maayos at komportableng breast screening. Sa teknolohiyang ito, inaasahang mas marami ang mahihikayat na sumailalim sa mammogram nang walang takot sa kirot. Ang ganitong pagbabago ay isang mahalagang hakbang para sa mas malusog na komunidad ng mga kababaihan sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, ang Mammosense ay hindi pa nailulunsad sa Pilipianas. Ito ay co-patented kasama ang mga institusyong pangkalusugan sa Singapore, at umaasa na magiging available ito sa pandaigdigang merkado.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bagaman wala pa itong opisyal na pagpapakilala sa pamilihan ng Pilipinas, ang potensyal na pandaigdigang rollout ng teknolohiyang ito ay maaaring magdulot ng availability nito sa mga ospital at klinika sa hinaharap, kasama na ang mga pasilidad sa Pilipinas.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Mammosense, bisitahin ang theAsianparent Singapore.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan