STUDY: Mga anak na babae nagiging tulad ng ina kapag nagkaanak na

Mga anak na babae nagagaya ang style of parenting ng ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Mana sa nanay,” iyan ang kadalasang sinasabi sa babaeng anak ng isang pamilya. Dahil madalas nakukuha ng mga anak na babae ang katangian at ugali ng kanilang ina.

Ayon nga sa isang pag-aaral, lalong mas nagiging tulad ng kaniyang ina ang isang anak na babae kapag ito ay nagkaanak na.

Image from Freepix

Mana sa nanay: Style ng pagiging magulang

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ng Harley Street surgeon sa 2,000 na babae at lalaki, nagsisimula ang mga anak na babae na maging tulad ng kanilang ina kapag sila ay tumungtong sa edad na 33 years old.

Samantalang, ang mga anak na lalaki naman ay nagiging tulad ng kanilang ama kapag sila ay naging 34 years old na.

Nagsisimula rin daw ma-adopt ng anak na babae ang ugali at taste ng kaniyang ina sa unang mga taon kapag siya ay nagkaanak na.

Halos kalahati naman ng mga babae na nakibahagi sa survey ang nagsabing tumigil sila magrebelde sa kanilang ina at sinimulan itong gayahin ng sila ay mag-early thirties na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon parin sa ginawang pag-aaral, ang mga signs na ang isang babae ay nagiging tulad ng kaniyang ina ay kapag nanonood na ito ng parehong TV shows na kinahihiligan ng nanay niya. Paggawa ng mga hobbies gaya ng sa ina o kaya naman ay paggamit ng mga kasabihan o sayings na laging ginagamit ng ina.

Samantala, para sa mga lalaki nagsisimula naman silang maging tulad ng kanilang ama kapag nagsimula na silang magpatay ng ilaw sa kwarto nila. Pakikinig sa parehong radio station na pinakikinggan ng ama o kaya naman ay ang pag-aadopt ng political views nito.

Dagdag pa Dr. Julian De Silva na nagsagawa ng pag-aaral, napag-alaman niya na ang pagiging magulang ng isang babae at lalaki ang nagiging trigger para maging katulad sila ng kanilang ama at ina.

Mas nararamdaman nga rin daw ng mga respondent ng ginawa niyang pag-aaral na nagiging tulad na sila ng parents nila kapag nagiging kamukha na rin nila ang mga ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepix

Hindi nga naman daw nakakabigla na magaya ng isang anak na babae o lalaki ang style of parenting ng kaniyang mga magulang, ayon iyan sa psychologist na si Arielle Schwartz.

Kahit daw sabihin pang hinding-hindi ka magiging tulad ng iyong mga magulang ay hindi maiiwasang magaya mo ang sinasabi at ginagawa nila.

Para sa child development professor na si Jay Belsky, hindi naman daw porket nagagaya mo ang mga ginagawa ng mga parents mo sa iyong anak ay nagiging tulad ka na nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang strong parental influence daw ay makikita kung magrereact ka sa iyong anak tulad ng pagrereact sa iyo ng iyong mga magulang.

Ganito rin ang paniniwala ng psychotherapist na si Diane Barth.

Ayon sa kaniya ay may mga ilang memories lang ng mga ginawa at hindi ginawa ng ating mga magulang ang natatandaan natin.

Minsan ay iisipin mong ang parenting style mo ay iba sa kanila pero sa totoo ay pinapalaki mo ang iyong anak sa paraan ng pagpapalaki ng mga magulang mo sayo.

Ibinahagi niya nga ang sarili niyang karanasan sa tuwing ang isa niyang kapatid ay nagpapakita ng negative na emosyon ang laging sinasabi lang daw ng kaniyang ina ay, “Oh, you don’t feel that way.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngayon ay narealize niya na ang parehong pagcocomfort na ginagawa ng nanay niya sa kapatid niya noon ay siya ring ginagawa niya sa kaniyang anak sa tuwing sinasabihan niya ito ng “Sweetie, I understand.”

Payo naman ni Arielle Schwartz, ang pagsasabi ng hindi mo gagawin sa iyong anak ang ginawa ng iyong mga magulang ay masyadong high-standard.

Lagi daw tatandaan na ang pagiging magulang mo sa iyong anak ay hindi tungkol sa style of parenting ng iyong mga magulang o sa relasyon mo sa iyong mga magulang.

Dapat daw ay laging subukang gawin ng mga magulang kung ano ang komportable para sa kanila at kung ano ang tama para sa kanilang anak at asawa.

Samantala narito naman ang ilang signs na nagiging tulad ka narin ng iyong ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mana sa nanay: Signs

  • Pagkakapareho ng inyong habits gaya ng style sa paglalaba, sabon na ginagamit o kung paano ka magtupi ng damit
  • Pakikipaginteract o pakikipag-usap sa iba tulad ng iyong ina
  • Pagkakapareho ng younger life experience ng iyong ina sa kasalukuyang experience mo
  • May pareho kayong sense of humor o tumatawa kayo sa parehong jokes
  • May pagkakahawig ang romantic partner mo sa mga naging romantic partner ng nanay mo
  • Nagpapakita ka ng sense of affection tulad ng iyong ina
  • Magkatulad kayo ng work ethic
  • Magkapareho kayo ng views o paniniwala sa mga bagay-bagay
  • Nagsasalita ka ng tulad ng iyong ina o sinasabi mo rin ang mga sinasabi niya
  • Napapansin ng iba ang pagkakahawig mo at ng iyong ina

 

Sources: Chicago Tribune, Bustle, Harpers Bazaar

Basahin: Paano namamana ang pagkakaroon ng kambal sa pamilya?