Kung pasyalan sa Manila ang pag-uusapan, hindi mawawala sa listahan ang Manila Ocean Park. Kilalang-kilala ito dahil sa mga nakamamangha at nakatutuwang bagay na makikita rito. Bata man o kahit anong edad ay maraming entertainment na maaaring i-try sa loob.
Ito kasi ang kauna-unahang marine theme park ng Pilipinas, kung saan magkakaroon ka ng chance makita ang iba’t ibang species na nasa karagatan. Bukod dito, isa rin ito sa premiere na educational facility ng bansa. Kaya naman, kung daldalhin mo ang kids sa theme park na ito, hindi lang magiging entertaining kundi educational din ang inyong bonding.
Larawan mula sa Shutterstock
6 na bagay na dapat malaman bago pumunta sa Manila Ocean Park
Kung plano mong dalahin ang iyong kids sa Manila Ocean Park, narito ang mga bagay na dapat mong malaman bago pumunta sa park na ito.
Paano makabibili ng tickets sa Manila Ocean Park?
Nakadepende ang presyo ng ticket sa dami ng attractions na pipiliin niyong puntahan. Ang price range ng tickets ng Manila Ocean Park ay mula P400.00 hanggang P1,000.00
Samantala, nagkakahalaga ng P680 ang 8 attractions package ng marine theme park na ito. Included sa package na ito ang pagpunta sa Oceanarium, Trails to Antartica – Penguin Exhibit, Christmas Village, World of Creepy Crawlies, Super Toy Collection, Jellies Dancing Sea Fairies, Sea Lion Show, at All Star Bird Show.
Libre lang ito para sa mga batang may height na 2 feel and below. Habang ang mga batang edad 12 pababa ay dapat na may kasamang magulang o guardian. Tandaan na huwag na huwag iiwan ang mga bata nang walang kasama.
Available ang tickets ng Manila Ocean Park sa kanilang website o kaya naman ay sa Klook.
Anu-ano ang mga attractions sa Manila Ocean Park na ma-eenjoy ng kids?
Marami ang maaaring ma-enjoy ng mga families dito. Kaliwa’t kanang fun attractions kasi ang kanilang ino-offer. Kasama na diyan ang All Star Bird Show at Sea Lion Show kung saan makikita ng kids ang mga ibon at sea lion na gumagawa ng tricks kasama ang kanilang mga caretaker. Feel na feel din ang sea experience sa Oceanarium na para bang nasa loob ka ng submarine habang pinapanood ang mga species sa dagat.
Habang sa Jellies Exhibit naman ay makikita mo ang mga amazing jelly fish. Mayroong ball pit para ma-enjoy lalo ng kids ang kanilang free time. Para mo na ring dinala ang families sa Trails to Antartica dahil mai-experience nila ang malamig na temperature kasama ang mga penguins.
Larawan mula sa Shutterstock
Saan matatagpuan ang marine theme park?
Matatagpuan ang Manila Ocean Park sa Roxas Boulevard sa likod lang ng Quirino Grand Stand sa Brgy. 666, Ermita, Manila. Maaari kayong sumakay ng taxim Grab, o Angkas patungo roon. Pwede rin namang magdala ng sariling sasakyan.
Kung magko-commute naman, ang pinakamadaling way ay ang pagsakay ng LRT patungo sa UN Avenue Station. Pagdating sa UN Ave, maglakad patungo sa Luneta Park hanggang marating ang Quirino Grandstand. Nasa likod lang nito ang Manila Ocean Park. Kaya nga maganda na ipasyal ang kids dito dahil bukod sa park, mapupuntahan mo pa ang ibang tourist destination.
Samantalang ang park hours naman nila ay mula 10:00 ng umaga hanggang 6:00 ng hapon. Ito ay tuwing Tuesday hanggang Sunday at maging public holidays.
Paano mako-contact ang Manila Ocean Park?
Maaaring sila kontakin sa kanilang e-mail address na
[email protected] at sa kanilang numero na +63285677777. Pwede rin namang magpadala ng mensahe sa kanilang
Facebook Page.
Ano pa ang mga pwedeng ma-enjoy sa loob ng marine theme park?
Bukod sa napakaraming marine life sa theme park, marami rin ang iyong maaaring ma-enjoy pa dito. Kung naghahanap ka kung saan pwedeng mag-shopping, maraming shops sa loob. You can buy souvenirs, anime collectibles, toys, and gadgets.
Hindi na rin magugutom ang pamilya sa dami ng variety ng food restaurant sa loob nito. May mga shop na nag-offer ng tea, coffee, at iba’t ibang culinary delights na dagdag sa fun food experience ng pamilya.
Kung nais naman ng pamilya ng mahaba-mahabang bakasyon, narito ang pinakabagong ino-offer nila ang
Hotel H20. Very unique naman talaga ang experience dahil sa life-sized aquarium na mayroon ang bawat rooms. Lahat ng rooms nila ay aqua-themed kaya naman sulit na sulit ang vacation. Kasama na rin ang access sa kanilang television at set at internet connection kung sakaling mapagdedesiyunan na magbook na.
Larawan mula sa Shutterstock
Bukas ba ang Manila Ocean Park sa Holy Week?
Nag-anunsyo sa kanilang Facebook Page ang Manila Ocean Park upang ipaalam sa publiko na bukas ang marine theme park ngayong Holy Week. Mula Huwebes Santo hanggang Easter Sunday ay maaaring pumunta sa Ocean Park.
Katunayan, mayroong
Easter Egg-hunting event na pwede niyo ring ma-enjoy with the kids ngayong Holy Week. Ito ang kanilang Penguin Easter Egg Hunt na gaganapin sa Artic Bay Lagoon. Nagkakahalaga ng P1,699 ang ticket para sa mga adult, habang P1,399 naman para sa mga bata.
Included sa Easter Egg Hunt 2024 voucher ng Manila Ocean Park ang mga sumusunod:
- Lunch Buffet
- Manila Ocean Park (8 attractions) ticket
- Easter Egg Hunt activity
- Fun games with prizes
- Face painting
- Bird show and tell with photo op
- Creepy Crawlies Show & Tell with photo op
- Meet & Greet with Kaya the Humboldt Penguin Mascot
- Loot bag
Updates mula kay Jobelle Macayan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!