#WalangTubig: Manila Water inanunsiyo na araw-araw na mawawalan ng tubig

Manila Water inanunsiyo na araw-araw na mawawalan ng tubig sa kalakahang Maynila. Narito ang schedule ng water interruption sa inyong lugar.

Nagbigay ng pahayag ang Manila Water sa pamamagitan ng isang post sa kanilang official Facebook page tungkol sa daily water interruption simula March 14 (at March 15 naman sa ibang lugar) sa iba’t ibang parte ng Maynila na kanilang sineserbisyuhan.

Statement ng Manila Water

Ayon pa sa Manila Water, makakaranas ng 6 hanggang 21 na oras na walang tubig ang mga sumusunod na lugar: Makati, Mandaluyong, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, Marikina, Quezon City at Maynila.

Narito ang kabuuan ng statement ng Manila Water:

Hinihingi po namin ang inyong pang-unawa habang patuloy kaming nagpapatupad ng ‘operational adjustments’ sa layuning makapagbigay ng tubig sa kabuuan ng East Zone. Amin lang itong magagawa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mas tiyak na iskedyul ng pagkaantala ng serbisyo sa tubig.

Simula March 14 at 15, 2019, makararanas ang mga residente ng mula 6 hanggang 21 oras na water service interruption araw-araw, at kahit magkaroon ng tubig sa gripo ay maaaring mas mahina ito kesa sa dating nararanasan. Ang sitwasyong ito ay maaaring tumagal pa hanggang sa mga susunod na buwan sa tag-araw, kaya’t hinihiling namin ang higit ninyong pang-unawa.

Schedule ng #WalangTubig sa areas ng Manila Water

Makati

Mandaluyong

Manila

Marikina

Parañaque

Pasig

Pateros

Quezon City

San Juan City

Taguig

Tips sa pagtitipid ng tubig

Hindi biro ang kawalan ng tubig sa kalakahang Maynila dahil sa pagkatuyot ng La Mesa dam. Kaya naman kailangan nating lahat magtulong-tulong upang magtipid ng kakaunting tubig na puwede nating gamitin.

Narito ang ilang tips na puwedeng gawin para matipid ang tubig na naipon:

  • Maligo sa loob ng malaking balde o planggana. Maaaring gamitin pang flush ng toilet ang tubig na pinanligo.
  • Gumamit ng balde kaysa ng shower. Mas tipid sa tubig at mas matatantsa ang nagagamit na tubig.
  • Patayin ang gripo kapag hindi ginagamit.
  • Ipunin muna ang maruruming damit at sabay-sabay labahan.
  • Kapag ihi lamang, maaaring huwag muna itong i-flush o di kaya’y gumamit lang ng half-flush.
  • Gumamit ng planggana habang naghuhugas ng pinggan. Imbis na buhusan ng tubig ang mga hinuhugasan, maaari itong ilublob sa planggana muna bago sabonin. Maglaan ng isa pang planggana pang banlaw.
  • Huwag munang magpa-carwash. Tiis-tiis muna sa maduming kotse. Ang importante ay malinis ang windshield at mga side mirrors upang makita nang maayos ang daan.
  • Magdilig ng maagang-maaga o di kaya pa-gabi na upang mas ma-absorb ng lupa ang tubig kaysa sa mag-evaporate lamang.
  • Para sa breastfeeding moms, mas makakabuti kung mag direct latch muna para makabawas sa mga bote na huhugasan.

May tips din ba kayo para sa fellow parents? Mag-comment sa ibaba.

Photo: Shutterstock

Basahin: Preparing your family for the Big Manila Earthquake