Lahat naman tayo ang nangangarap at umaasa ng magandang marriage, at isa na ako roon. Akala ko sa 10 taon naming pagsasama noon ang perfect marriage na kami, hanggang sa niloko ako ng asawa ko.
Nagkakilala kami ni Sebastian hindi tunay na pangalan ng asawa ko sa pinagtatrabahuhan namin. Ako nga pala si Carol, isa ako sa mga may mataas ang posisyon sa export company na pinapasukan namin.
Malayo ang age gap namin at mas matanda ako sa kaniya, hindi naman iyon naging issue para sa pagsasama naming dalawa. Matapos ang isang taon ng pagiging magkasintahan namin ang nagpakasal kami.
Totoong masaya ang pagsasama namin sa loob ng 10 taon, marami rin kaming pagsubok na pinagdaanan na dalawa pero nakayanan namin. Ramdam ko naman ang pagmamahal niya sa akin, at pinaparamdam ko naman ang pagmamahal ko sa kaniya.
Siguro ang wala lang sa amin ay anak. Hindi kami nagkaanak kahit 10 taon na kaming kasal, hindi kasi ako pwedeng magkaanak. Pero tanggap naman niya iyon, wala naman kaming naging problema. Masaya pa rin kami.
Nakapagpatayo kami ng business, isang transportation business na successful. Masasabi kong nagkaroon talaga kami ng maraming pera.
Akala ko noon habambuhay na kaming ganun, masaya, at nagmamahalan. Pero mali pala ang akala ko. After 10 years ng pagsasama namin bilang mag-asawa. Natuklasan kong niloloko pala niya ako.
Nang malaman ko ang una niyang panloloko
Larawan mula sa iStock
Siguro katulad ng ibang babae na natuklasan ang pangangaliwa ng kanilang asawa sa cellphone ay ganun din ako. Nakita ko ang mga conversation nila.
Nanginig ako at para akong namatay kasi akala ko perfect life, marriage at husband na. Hindi pala after 10 years, mali ang akala ko. Noong oras at panahon na iyon tinanong ko siya kung may kabit ba siya, umamin siya. Mas lalong gumuho ang buhay ko.
Napakasakit at napatulala na lang ako, pero sabi ko sa sarili ko na dapat akong maging matapang. Mataas kasi ang posisyon ko sa company namin at marami ang umaasa sa amin mga employee. Kaya dapat akong maging matapang.
Hinarap ko ang unang kabit ng manloloko ko na asawa
Pinuntahan ko ang kabit ng asawa ko nang malaman ko kung saan siya nakatira. Siguro ito naman ang kadalasang ginagawa ng maraming asawang niloko ng kanilang mister.
Ang nakakamangha pa roon alam ng Nanay ng kabit ng asawa ko ang relasyon nila. At ayos lang sa kanila ito dahil mahal raw kasi ng anak nila si Sebastian. Napaisip ako, siyempre mahal nila ang asawa ko dahil may pera siya, may pera kami.
Larawan mula sa iStock
Pero isa pang ikinagulat ko, buntis ang kabit niya. Naisip ko na ginagawa niya ba ‘to dahil hindi ko siya mabigyan ng anak? Pero hindi, na-realize ko na kahit andyan pa ang maraming tukso o variables kung hindi ka lolokohin, hindi ka lolokohin.
Cheating is a choice, period.
Siguro isa rin sa mga dahilan kung bakit nagawa niya ‘yon ay sinusulsulan siya ng mga kaibigan niya, na ang dami nga naman naming pera pero walang mapaglalaanan.
Iyon ang unang pagkakataon, hindi kami naghiwalay, pinatawad ko siya kahit sobrang sakit ng ginawa niya. Dahil na rin iyon sa pananalig ko sa Diyos.
Ang hindi mabilang na babae ng asawa ko
Kung tatanungin niyo ako kung kilala ko ba ang lahat ng naging babae niya, o naka-sex niya, I lost count thru the years. Pinabayaan ko na lang. I focused on my self, I focus on my devotion to God.
At sasabihin ko sa inyo, every time na malalaman ko at mahuhuli ko ang panloloko niya ganoon pa rin ang nararamdaman ko. Para akong mamamatay sa sakit. Oo, inulit-ulit nang manloloko kong asawa ang ginagawa niya.
Larawan mula sa iStock
Ilang beses ko siyang pinapalayas sa bahay namin pero hindi siya umalis. Kahit anong gawin ko ayaw niyang umalis sa buhay ko, sa bahay namin.
That time gusto kong magpa-annul ng kasal namin at sinabihan ko siyang pakasalan niya ang sinuman sa mga babae niya pero hindi rin niya ginawa.
Nasanay na rin siguro ako sa sakit, kaya naman pinokus ko na lang ang sarili ko sa negosyo namin, at sa mga gawain sa simbahan. Ang Diyos pa rin ang naging sandalan ko sa lahat ng iyon.
After 17 years may blessing na dumating sa buhay ko/namin
Hindi ko naman inaakala na pagkakalooban pala ako ng isang anak, nagkaroon ako ng adopted child. Ibang joy ang ibinagay sa akin nito.
Pero kahit ganoon nga ay patuloy pa rin ang panloloko ng asawa ko pero sa kabila noon nakita ko na tila mas mahal pa niya ang adopted child namin kaysa sa mga anak niya sa kabit niya.
Siguro isa rin sa mga reason kung bakit ako nananatili sa relasyon namin ay dahil sa anak ko. Minsan noong bata siya at nasa park kami, naririnig ko na tinatawag niya ang lahat ng lalaking makikita niya na Daddy.
Masakit isipin na nangungulila sa murang edad ang aking anak sa ama. Dahil ayaw lumayas ng asawa ko kahit palayasin ko pa ng ilang daang beses. Ayaw ko rin namang iwan ang tahanan namin na inumpisahan kong ipundar at manirahan sa isang maliit na apartment.
Ayokong maging kawawa kaming mag-ina, isipin mo man na martir ako dahil nanatili ako sa pagsasama namin dahil sa reason na iyon. Pero for me I did the right decision. This is the right decision that I know.
Besides, wala na akong masyadong pakielam sa asawa ko that time, sa anak ko, sa sarili ko, at higit sa lahat ang pananampalataya ko sa Diyos ako nakapokus.
I stayed with my husband kahit na ilang beses siyang nambabae sa pagsasama namin at nagkaroon ng 5 na anak.
Manloloko na asawa. | Larawan mula sa Freepik
Siguro iisipin niyo na tanga akong tao. Pero hindi, ayokong mapunta lang sa ibang tao at sa mga kapit niya ang perang pinaghirapan ko rin naman. Iniisip ko rin ang mga naipundar namin. Ayokong maging tatalunan sa huli.
Noong panahon na iyon, isang malapit na kaibigan ko ang nagbigay sa akin ng 100k pesos sa akin at ipapatay ko raw ang kabit ng asawa ko. Pero sabi ko bahala na ang Diyos sa kaniya.
Ipinaubaya ko na sa Diyos ang lahat at naniwala at nanampalataya ako na gagawa ang Diyos upang ayusin ang aking buhay. After 17 years na pagtitiis ipibagkaloob na ng ating Diyos na buhay ang aking dalangin.
Sa ngayon, kami ay namumuhay ng simple at ang mahalaga sa lahat ay ang mga naipundar ng aking asawa ay sa akin din. Conjugal property.
At masasabi ko sa aking asawa ay masinop sa aming kabuhayan, mambabae man ay TINGA lang ng aming kayamanan ang ibinibigay niya sa kaniyang mga anak sa labas.
Inisip man ng ibang tao na tanga ako because I stayed. Okay lang because at the end I proved to all the Kabit THAT I AM THE WINNER!
I am the winner bacause no matter how young goodlooking they are hindi ako iniwan ng asawa ko. Pinagparausan lang silang lahat. Actually even my husband now pinarusahan na rin ni Lord sa ginagawa niya, nagkaroon siya ng sakit. Pero I stayed pa rin.
Pinatawad ko ang ang manloloko na asawa ko, pinatawad ko ang mga kabit niya, and I FREED MYSELF FROM ALL THE PAINS HEARTACHE.
Kapag nagpatawad ka sa mga taong nagkakasala sa ‘yo kahit hindi sila humingi ng sorry ay pinapalaya mo ang sarili mo. Hindi madali sa totoo lang, hindi madaling magpatawad sa taong minahal at pinagkatiwalaan mo. Nagawa ko lahat ng iyon dahil sa Diyos. I thank God for not leaving me with all the battles that I faced before.
And if you want to know if I still love him, the answer is YES. Pero hindi na katulad nung araw na nagpakasal kami. Wala nang ganoong pagmamahal. Mas mahal ko ang anak ko, ang sarili ko at ang DIYOS.
As told to Marhiel Garrote
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!