Kamakailan lang ay nagkaroon ng Manny Pacquiao news, at napag-alaman na may planong bumalik sa pag-aaral sa Unibersidad ng Makati!
Manny Pacquiao News: Balik pag-aaral ang Senador
Nito lamang ika-6 ng Setyembre, masayang ibinahagi nga ni Senador Manny Pacquiao sa kanyang Instagram followers ang kopya ng kaniyang student ID sa Unibersidad ng Makati.
Aniya nga ng boxing champ sa kaniyang caption, “Never stop learning because life never stops teaching.”
View this post on Instagram
A post shared by Manny Pacquiao (@mannypacquiao) on
Nagbabalik nga sa pagiging estudyante si Pacman na kumukuha ngayon ng AB Political Science–Local Administration na kurso sa unibersidad.
Hindi siya nakatapos ng pag-aaral
Hindi naman lingid sa ating kaalaman na hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang Filipino boxing champion na si Pacman dahil nga sa matinding kahirapan ng buhay noon.
Elementaryo nga lamang ang nakumpleto ng ating butihing Senador Pacquiao.
Subalit noon ngang taong 2007 ng Pebrero, nakapasa siya sa high school equivalency eksam na nagbigay daan para sa pambansang kamao na mabigyan ng isang high school diploma,
Ginawa ring ambassador ng Department of Education’s Alternative Learning System si Manny noon ding taon na yun.
Ito rin ang nagbigay daan upang makapag-enroll rin ang eight-division world boxing champ sa isang business management na kurso noong taong 2008 sa Notre Dame of Dadiangas University sa General Santos City.
Sa edad nga na 40, pinatunayan ni Senator Manny Pacquiao na walang edad na pinipili pagdating sa edukasyon, lalo na sa mga taong nangangarap magkaroon ng college degree.
Talaga nga namang naging isang inspirasyon ang hakbang na ito ng boxing champ na si Pacman sa nakararami.
Source: Manny Pacquiao
Basahin: 9-year-old, pinagsasabay ang pag-aaral ng Grade 4 at College
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!