Manyak na naka-motor, tinatapunan ng semilya ang mga babaeng nakakasalubong

Naka-encounter ng manyak na lalaki? Narito ang maari mong isampang kaso para siya ay panagutin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Manyak na lalaki, paano nga pananagutin sa kanilang maling gawi?

Manyak na lalaki na nanapon ng semilya

Image from AsiaOne

Sa Indonesia, isang 25-anyos na lalaki ang naaresto at nahaharap sa kasong sexual harassment matapos manapon ng semilya sa mga nakakasalubong niyang babae sa daan. At hindi nga lang daw pananapon ng semilya ang gawain nito, nandadakma din daw ito ng suso ng mga babae kaniyang nadadaanan habang nagmomotorsiklo.

Ito ang ibinahagi sa social media ng isa niyang biktima na itinago sa pangalang LR, 43-anyos. Ang post ni LR, umani ng mga komento at reaksyon sa mga Indonesian netizens. Na naging daan rin para maglabasan pa ang ibang biktima ng sinasabing manyak na lalaki.

Kwento ni LR, nag-aabang siya ng motorcycle taxi sa isang street sa Tasikmalaya, West Java ng biglang lumapit sa kaniya ang manyak na lalaki sakay ng kaniyang motorsiklo. Kung anu-ano daw ang pinagsasabi nito habang papalapit sa kaniya. Saka dumukot sa kaniyang pantalon at may biglang itinapon na kung anong fluid sa kaniya. At saka dali-daling umalis at humarurot sakay ng kaniyang motorsiklo.

Nang tingnan ni LR kung ano ang itinapon sa kaniya napag-alaman niyang ito ay semilya. At mabuti nalang ay hindi siya inabot nito ng ihagis ng lalaking hindi niya naman kilala.

Nandadakma rin ng suso

Dagdag pa ni LR, matapos mai-post sa social media ang kaniyang karanasan, nalaman niyang biktima rin ng manyak na lalaki ang kaniyang pamangkin. Ngunit, hindi tulad niya hindi ito tinapunan ng semilya. Sa halip ay dinakma daw nito ang suso ng kaniyang pamangkin habang nakasakay sa isang motorsiklo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil sa post na ito ni LR at dagdag na reklamo na mula sa higit sa sampung babaeng biktima ng nasabing lalaki ay tinagurian itong “sperm terror” sa social media.

Mabuti na nga lang daw at agad na umaksyon ang mga pulis, at natunton ang pinaglalagian ng inirereklamong manyak na lalaki. Siya ay kinilalang si Sidiq Nugraha.

Si Sidiq ay inaresto ng mga pulis at nahaharap sa kaso ng paglabag sa Article 281 of the Criminal Code on sexual harassment in public sa kanilang bansa. Kung mahatulang guilty sa kaniyang nagawa, si Sidiq ay maaring makulong ng hanggang sa dalawang taon at walong buwan na naayon sa kanilang batas.

Manyak na lalaki sa Pilipinas

Dito sa Pilipinas ay may minsang naiulat din na parehong insidente sa kaso ni Sidiq. Ang manyak na lalaki ay nambibiktima umano sa bandang North Avenue, Quezon City na kung saan madalas na nag-aabang ng masasakyan ang mga babaeng commuter.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kwento ng isa sa naging biktima ng lalaki, ang modus daw nito ay mamamahid ng semilya saka manghihipo.

“(Ang sabi sa akin) ‘May nampahid ng semen sa iyo.’ Ta’s true enough may nakita po ako sa bag ko mabaho po siya and malansa ‘yung consistency.”

“Pumitas siya ng dahon at yun ang pinahid sa akin sa shoulders ko, butt ko, likod ko batok ko habang ginagawa niya ‘yun kasi I suspected something wrong na.”

Ito ang kwento ng biktimang nagtago sa pangalang Liza.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipinost din ni Liza ang kaniyang kwento sa social media na kung saan naging daan din upang maglabasan ang iba pang naging biktima ng lalaki. Umabot nga daw sa 27 na babae ang nagreklamo sa suspek.

Sa ginawang imbestigasyon ng mga pulis ay nakilala ang suspek at naharap sa kasong acts of lasciviousness.

Ito ang isa sa mga kasong maaring maisampa kung mabibiktima ng isang manyak na lalaki. Narito ang ibig sabihin nito at ng sexual harassment na isa pang kasong maaring maisampa sa mga nagtakang mambabastos o mang-mamanyak sayo.

Kaso sa manyak na lalaki: Acts of lasciviousness at sexual harassment

Ayon sa Article 336 of the Revised Penal Code, ang acts of lasciviousness ay ang pambabastos ng isang tao sa kaniyang kapwa mapa-lalaki man o babae. Ito ay maaring gawin sa pamamagitan ng pwersa o intimidation o kapag ang isang tao ay hindi maka-laban o walang malay.

Base naman sa Section 32 ng Article XIII ng implementing rules ng Child Abuse Law o RA 7610, ang lascivious conduct ay tumutukoy sa panghihipo sa maseselang bahagi o parte ng katawan ng isang tao. O kaya naman ay ang introduction ng kahit anong bagay sa maselang parte ng katawan tulad ng binti, puwet, suso atbp na may intensyong mag-abuso, pagpahiya o mag-degrade ng isang tao. Ito rin ay tumutukoy sa pagpapakita ng arousal, sexual gratification, masturbation o ibang lascivious exhibition sa pampublikong lugar.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, ayon naman sa Anti-Sexual Harassment Act of 1995 o RA. 7877, ang sexual harassment ay nangyayari kapag ang isang tao na may awtoridad, impluwesya o moral ascendancy sa trabaho o edukasyon ay ginamit ang kaniyag posisyon para mag-request o mag-demand ng sexual favor sa isang tao.

Ang sinumang mapatunayang guilty sa kasong acts of lasciviousness at sexual harassment ay maaring makulong ng hindi bababa sa anim na buwan hanggang anim na taon, At maaring magmulta ng P10,000 hanggang P20,000.00. 

Source: AsiaOne, ABS-CBN News, PCW, PCW

Basahin: Show your kids this kid-friendly video on child sexual abuse now

 

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement