Marian Rivera nagdiwang ng kaniyang 39th birthday kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan. Dingdong may sweet na mensahe sa kaniyang misis.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Marian Rivera 39th birthday celebration.
- Mensahe ni Dingdong Dantes sa misis na si Marian Rivera sa kaarawan nito.
Marian Rivera birthday celebration
Nagdiwang ang aktres na si Marian Rivera ng kaniyang 39th birthday celebration. Ang selebrasyon ay ginawa sa City of Dreams Manila kung saan dumalo ang mga kamag-anak at malalapit na kaibigang ng aktres.
Para nga kay Marian, ang greatest gift na natanggap niya sa kaniyang birthday ay ang kaniyang magandang pamilya.
“Grateful to God for the best birthday gift ever – my amazing family 💜🙏 #Blessed”
Ito ang caption ng post ni Marian sa Instagram tampok ang larawan niya kasama ang mister na si Dingdong Dantes at mga anak na sina Sixto at Zia.
Larawan mula sa Facebook account ni Marian Rivera
Mensahe ni Dingdong Dantes sa misis na si Marian Rivera sa kaarawan nito
Ang aktor na si Dingdong Dantes hindi naman syempre pinalampas na maghanda ng something special para sa kaniyang misis. Sa kaniyang Instagram account, si Dingdong gumawa ng isang maikling video na tampok ang mga moments nila ni Marian na magkasama at nagsasayaw.
View this post on Instagram
Sa caption ng kaniyang video, mas naging meaningful ang hinanda na ito ni Dingdong. Si Marian tinawag niyang kaniyang forever dance partner at ang melody na nagpupuno ng saya sa puso niya.
“Stepping through the rhythms of life hand in hand, every moment with you is a graceful dance that never misses a beat.
Here’s to my forever dance partner, turning another year wiser and more beautiful.
Happy Birthday to the melody that fills my heart with joy. @marianrivera”
Ito ang mensahe ni Dingdong kay Marian para sa kaarawan nito.
Si Marian na-touch sa ginawa ng mister at ito ang sinagot niya.
😭😭😭 Love you so much!
Samantala, maliban kay Dingdong, makikita rin sa mga pictures na ibinahagi ni Marian sa social media na may special na reagalo rin para sa kaniya ang mga anak na sina Zia at Sixto.
Larawan mula sa Facebook account ni Marian Rivera
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!