Marian Rivera, nanalo ng award para sa pagiging breastfeeding influencer!

lead image

Marian Rivera kinilala at pinarangalan ang effort sa pagiging inspirasyon sa mga breastfeeding mom.

Marian Rivera breastfeeding advocacy muling kinilala at pinarangalan!

marian rivera breastfeeding award

Image screenshot from Marian Rivera’s Instagram account

Marian Rivera breastfeeding award

Nang nakaraang taon ay kinilala si Marian Rivera bilang “Celebrity Breastfeeding Influencer” ng Mother and Child Nurses Association of the Philippines o MCNAP. Ito ay dahil sa pagbabahagi niya ng kaniyang karanasan sa pagpadede sa panganay na anak na si Zia na naging inspirasyon naman sa iba pang nagpadedeng ina.

At ngayon taon, ilang buwan lang matapos maipanganak ang kaniyang 2nd baby na si Ziggy ay panibagong award na naman ang natanggap niya bilang isang dakilang nagpapasusong ina.

Ang gawad parangal na ito ay ibinagay sa kaniya sa ginanap na Hakab Na! 2019. Ito ang pinakamalaki at pinakamalawak na pagsasama-sama ng mga breastfeeding moms sa bansa.

marian rivera award

Image screenshot from Marian Rivera’s Instagram account

Sa kaniyang official Instagram account ay nagbahagi ng mga larawan si Marian sa ginanap na event. At nagbigay din siya ng mga mensahe sa mga padedeMom na tulad niya na kung saan ang parangal daw na ibinigay sa kaniya ay para din sa kanila.

marianrivera

“Sa lahat ng mga mapagmahal na nanay, para sa atin ang pagkilalang ito! Sabi nga nila, “if you want it, work hard for it.” Alam kong nakakapagod, mahirap, maraming kailangang isakripisyo— pero walang susuko! Laban, mga padedeMom! Kaya natin ito! 💪🏻❤️”

“Higit pa sa anumang best actress award”

Super proud naman ang mister ni Marian Rivera na si Dingdong Dantes na sinabing ang natanggap na parangal ng asawa ay higit pa sa anumang best actress award. Dahil ang pagiging padedeMom daw ay ang paborito niyang role sa totoong buhay.

Ang mensahe niyang ito para sa asawa ay kaniyang ipinaabot sa pamamagitan ng isang post sa kaniyang Instagram account.

dongdantes

“Higit pa sa anumang Best Actress award ang hawak niya at ‘yan ang isang pagkilala sa inspirasyon na ibinibigay niya sa breastfeeding community. Sa lahat ng mga roles na nagampanan niya, paborito niya yung sa totoong buhay— ang pagiging isang Padede Mom! I am so proud of you, @marianrivera! Isang malupit na commitment yang ginagawa mo, at supporta kami sa iyo hangga’t kaya mo. #PadedeMom”

Sa isa pang Instagram post noong nakaraang buwan ay ibinahagi rin ni Dingdong ang pagiging proud niya sa asawa na para daw sa kaniyang mga mata ay isang superwoman. Dahil maliban sa pagiging dedicated breastfeeding mom niya sa anak na si Ziggy at sa panganay na si Zia noon ay idinodonate pa nito ang excess expressed breastmilk niya sa mga nangangailangan.

marian rivera breastfeeding advocacy

Image screenshot from Dingdong Dantes Instagram account

Marian Rivera breastfeeding message sa mga mommies: “Kaya mo yan!”

Patuloy naman na nagsisilbing inspirasyon si Marian sa iba pang breastfeeding Mom. Dahil ayon sa kaniya, kung kinaya niyang maging fulltime breastfeeding mom sa dalawa niyang anak na si Zia at si Ziggy ay kaya din ng iba pang ina na tulad niya.

“If kinaya ko, kayang kaya nyo din! Breastfeeding is life saving and has lots of benefits for the baby, mom, entire family and the environment too.

Ngayon na dalawa na sila, I want to make sure I spend quality time with them not only with my bunso but with ate Zia and my husband so I started to express and build my milk stash para naman kahit wala ako I can still provide breastmilk kay ziggy.

Kaya proud akong sabihin na Padede mom ako!

Ano mang kapalit sa physical— all worthy.❤️

Mahalaga lumaki silang matalino, malusog at mapagmahal na mga anak. 🙏🏻”

Ang pahayag na ito ni Marian Rivera ay nagmula sa kaniyang Instagram account.

Basahin: Gawing bonding ang breastfeeding: Praktikal na payo para hindi nakaka-stress ang pagpapasuso

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

premium-article-app-download-creative