Marian Rivera hinihiritan ng 3rd baby; gusto munang mag focus kanila Zia at Sixto

undefined

Marami umano ang nagsasabi kanila Marian Rivera at Dingdong Dantes na sundan na nila sina Zia at Sixto. Para sa aktres, madaling mag-anak pero ang big question ay kung paano mo sila palalakihin.

Marami raw ang humihirit kanila Marian Rivera at Dingdong Dantes na dagdagan na ang kanilang mga anak. Pero ayon sa aktres, gusto muna niyang mag focus sa dalawa niyang chikiting.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Marian Rivera nais na mag focus muna kina Zia at Sixto
  • Kailan ba masasabi na ready ka nang magkaroon ulit ng baby?

Marian Rivera nais na mag focus muna kina Zia at Sixto

Ayon sa artikulo ng Inquirer, sa panayam ng Unang Hirit kay Marian Rivera nitong Oktubre 7, sinagot ng aktres ang katanungan kung ready na ba sila ni Dingdong para sa 3rd baby.

marian rivera

Larawan mula sa Instagram ni Marian

Aniya, kung ibibigay daw ito ng Panginoon ay willing naman siyang tanggapin ito. Pero ang totoo’y gusto niya na mag-focus kanila Zia at Sixto.

Kwento ni Marian, marami na nga raw ang nagsasabi sa kanila na sundan na nila si Sixto dahil napakaganda ng kanilang lahi. Financially stable din naman ang mag-asawa kaya kayang-kaya ng mga ito na buhayin ang mga anak.

marian rivera

Larawan mula sa Instagram ni Marian

Pero sabi ni Marian, “Madali naman mag-anak eh, ang tanong is paano mo papahalagaan o bibigyan ng importansya at palalakihin nang maayos ang mga anak mo.”

“Gusto ko mag-focus doon. Ang hirap, eh. Pero enjoy ako. Kung papalarin, why not…Pero sa dalawang ‘yan, super blessed and happy na ako,” aniya pa.

Kailan ba masasabing ready ka nang magkaroon ulit ng baby

marian rivera

Larawan mula sa Instagram ni Marian

Madalas itanong sa mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes kung dadagdagan na ba nila ang kanilang dalawang anak, pero ang desisyon na magkaroon ng isa pang baby ay iba-iba para sa bawat pamilya. Kailan mo nga ba masasabi na ready ka na ulit? Simple lang: kapag handa ka na emotionally, physically, at financially. Tanungin mo ang sarili: Kaya mo bang magbigay ng oras at atensyon sa isa pang anak? Kumusta ang kalusugan mo? At syempre, okay ba ang budget? Walang tama o maling sagot dito, basta’t pakiramdam mo ay buo ang pamilya mo at kayang-kaya niyong harapin ang mga bagong responsibilidad. Relax lang, parents—kayo ang makakapagsabi kung kailan ang tamang panahon!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!