Heartwarming ang naging reaksyon ni Dingdong Dantes sa unang piano recital ng kaniyang daughter na si Maria Letizia o Zia. Maging ang celebrity mom na si Marian Rivera ay talagang naging proud sa kanilang anak ni Dingdong.
Marian, Dingdong Dantes proud sa first piano recital ng daughter
Kapwa ibinahagi ng celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang matagumpay na piano recital ng kanilang daughter. Proud na ipinost nina Marian at Dingdong ang mga larawan ni Zia sa Instagram.
Larawan mula sa Instagram ni Marian Rivera
Ani Marian sa caption nito sa Instagram post, “Attended Zia’s piano recital yesterday and this little girl always amazes me! Couldn’t be more proud of you Ate Z!”
Naibahagi naman ni Dingdong sa kaniyang Instagram post na may mga pinagdaraanan daw sila sa kanilang buhay nitong mga nagdaang araw. Pero nang mapanood ni Dingdong Dantes ang kaniyang daughter sa unang piano recital nito ay ipinaalala umano nito na kailangan niyang patuloy na kumapit sa pag-asa.
Larawan mula sa Instagram ni Marian Rivera
Saad ni Dingdong, “We’ve been experiencing setbacks and curveballs in the past few weeks, which is normal in life. But amidst the chaos, there are moments like this – watching my daughter play the piano with grace in her first recital. Suddenly, I snap out of the worry and all I see is beauty.”
“It reminds me to hold onto hope and find comfort in life’s little moments, and that everything’s gonna be alright. Everything’s gonna be alright,” dagdag pa ng aktor.
Larawan mula sa Instagram ni Marian Rivera
Samantala nang nakaraang linggo ay naging proud din sina Marian at Dingdong sa kanilang bunso na si Sixto. Nagwagi kasi si Sixto ng gold medal sa isang wood breaking activity. Kwento pa ni Marian, ito raw ang pinakabata sa nasabing kompetisyon.
“The youngest in the competition and showing so much promise already. Congrats on winning gold in wood breaking! Mama is always proud of you Sixto,” saad ng aktres sa Instagram post.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!