Marian Rivera handa na sa face-to-face classes ng mga anak sa eskwelahan. May payo rin siya sa mga magulang para masigurong ligtas ang mga anak nila mula sa sakit sa paparating na pagbubukas ng pasukan.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Ginagawang paghahanda ni Marian Rivera sa nalalapit na pagbubukas ng face-to-face classes.
- Paano nasisiguro ni Marian Rivera ang malusog na pangangatawan ng mga anak niya.
Ginagawang paghahanda ni Marian sa nalalapit na pagbubukas ng face-to-face classes
Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera
Nalalapit na ang pagbabalik ng face-to-face classes sa mga eskwelahan. Kaya naman ang mga magulang ay excited na bagamat may halong pag-aalala sa kumakalat pa ring sakit na COVID-19.
Ang aktres na si Marian Rivera, aminadong siya mismo ay natatakot pa rin para kumakalat na sakit, pero kailangang pumasok na ng anak niyang si Zia sa school. Excited rin siya para sa anak na si Sixto na papasok na rin sa eskwelahan sa unang pagkakataon.
Bagamat, hindi parin nawawala ang pag-aalala, payo ni Marian sa mga magulang mag-doble ingat lang talaga at sundin ang mga COVID-19 safety protocols.
“Nakakatakot pa rin naman talaga kahit papaano so magdo-dobleng ingat lang talaga. Sundin na lang natin ‘yung mga protocols sa school para maiwasan din ‘yung mga ganoon. For example, kung inuubo o may sipon yúng anak mo, huwag mo nang papasukin sa school.”
Ito ang pahayag ni Marian sa isang panayam sa kaniya.
Sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay isa sa mga celebrity couples na nanguna sa pagbabakuna sa kanilang anak. Ang anak nilang panganay na si Zia ay fully vaccinated na ng COVID-19 vaccine. Siya ay anim na taong gulang na. Habang ang anak nilang lalaki na si Sixto ay 3 years old palang at hindi pa qualified na mabigyan ng naturang bakuna.
View this post on Instagram
Samantala, sa isang hiwalay na panayam, minsan naring sinabi ni Marian na pagdating sa safety ng mga anak niya talagang tutok siya. Kahit sa mga gamit sa bahay ay very hands-on siya para masiguro lang na safe ito hindi lang para sa kaniya kung hindi para na rin sa mga anak niyang sina Sixto at Zia.
“As a homebody and as a mom, I want to be very hands-on sa mga gamit sa bahay. I have to make sure that the things I use are not just safe for myself, but also for my kids.”
Ito ang sabi ni Marian.
Very hands-on din daw si Marian pagdating sa pagbibigay ng pangangailangan ng anak. Siya daw mismo ang nag-aasikaso kay Zia sa tuwing papasok siya sa school. Siya ang naghahanda ng baon nito at sinisigurong natutulungan ito sa mga assignments nya sa school. Sinisiguro rin niya na nakakasama siya sa mga school activities ng anak.
Larawan mula sa Facebook account ni Marian Rivera
Paano nasisiguro ni Marian ang malusog na pangangatawan ng mga anak niya
Pagdating naman sa mga kinakain ng anak, naibibigay daw nila ang mga masusustansiyang pagkain sa mga ito sa pamamagitan ng pagiging mabuting halimbawa. Kung alam niyang hindi makakabuti sa health ng mga ito ay hindi niya kinakain o hinahanda para sa kanila.
Sa pagiging mapili ng anak sa pagkain, may rule daw na ginagawa sina Marian at mister na si Dingdong Dantes sa anak na si Zia. Ito ay hindi pagpipilit sa pagkaing ayaw ng anak habang sinisiguro na alam niya ang consequences ng kaniyang ginagawa. Dahil sa pagitan ni Zia at Ziggy ay mas picky daw si Zia kung minsan sa pagkain.
“Kapag si Zia, may mga times na umaarte-arte. Ang sabi naman ni Dong, kung anong nakalagay na pagkain, yun ang kakainin mo. Ngayon, kung ayaw mo then don’t eat.”
“So sabi ko, ‘Dad, paano kung hindi siya kumain?’. ‘Edi hayaan mo siya, magugutom din yan, kakain din yan.’ Kailangan nila ma-realize na kahit ano pa yan you have to be thankful kasi may pagkain ka.”
Ito ang payo pa ni Marian sa maayos na pagpapakain sa mga bata.
Larawan mula sa Facebook account ni Marian Rivera
Kapag may sakit ang anak at ayaw kumain ito naman daw ang strategy na ginagawa ni Marian sa mga anak niya. Hindi niya rito pinipilit kapag masama ang pakiramdam. Pero sinisiguro niya na sa oras na maayos na ang pakiramdam nito ay kakausapin niya ang anak upang makabawi sa mga nutrients na na-missed niya.
“Kapag may sakit o walang gana kumain huwag ng papatulan. Kumbaga, go with the flow ka nalang like ‘Ok anak, anong gusto mo?’ At least alam niya na concern naman si Mama kahit hindi ako kumakain.”
“Pero kapag nakita mo na ok na ‘O anak, bawi ka na, Hindi ka nakakain, di ba nung isang araw ganito so you have to eat this one.’ Alam mo yun may compromise kayong dalawa, hindi kayo nag-aaway.”
Kailangan madiplomasya sa pagpapakain ng anak, ito ang isa pang tip sa maayos na pagpapakain sa bata ayon kay Marian.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!