Zia Dantes nakakuha na ng 2nd dose ng COVID vaccine. Daddy Dingdong Dantes, masaya dahil sa wakas may proteksyon na mula sa kumakalat na sakit ang anak.
Mababasa sa artikulong ito:
- Zia Dantes second dose of COVID vaccine.
- Pakiramdam ng amang si Dingdong Dantes sa pagiging bakunado ng anak kontra COVID.
Zia Dantes second dose of COVID vaccine
Image from Dingdong Dantes’ Instagram account
Fully vaccinated na ang panganay nila Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia. Ito ang masayang ibinahagi kahapon ng aktor at amang si Dingdong na siyang muling sumama para umalalay sa anak sa ginawang pagbabakuna.
Sa kaniyang Instagram ay muling ipinakita ni Dingdong kung paano naging fun ang COVID vaccine experience ni Zia sa pangalawang pagkakataon.
Bungad ni Dingdong, si Zia ay muling nabigyan ng kaniyang COVID vaccine sa pamamagitan parin ng drive through vaccination. Maliban sa kaniya ay mayroon pa siyang limang batang kasama sa sasakyan ng magpabakuna.
Ayon kay Dong, ini-encourage ng mga organizers ng pagbabakuna ang car pooling. Una, para malimatahan ang mga pumapasok na sasakyan sa vaccination site. At pangalawa, para naman mag-enjoy ang mga batang babakunahan kasama ang mga kaibigan nila.
“It’s ate Z’s second shot today and we did it via drive through. We were with 5 other kids inside the van since we were encouraged to do car pooling to manage traffic and limit the number of cars on the vaccination site.”
Ito ang bungad ni Dingdong sa kaniyang Instagram post.
Image from Dingdong Dantes’ Instagram account
Si Zia ay nabigyan ng 2nd dose ng COVID vaccine sa Pediatrico Clinic, sa Muntinlupa City, Alabang. Tulad nga sa kaniyang first dose ay puno parin ng mga balloons ang vaccination venue at iba pang kid-friendly gimmicks. Kuwento pa ni Dingdong ay naging very smooth ng vaccination experience nila.
“Everything went smoothly, may pa-pizza, balloons, at mascot pa! They really made sure that the whole process will be child-friendly and I think they did a good job!”
Ito ang pagpuri pa ni Dingdong sa naging COVID vaccination experience ng anak.
Pakiramdam ni Dingdong Dantes ng ma-fully vaccinated na si Zia laban sa COVID
Dagdag pa niya, napakasaya niya na sa wakas ay fully vaccinated na si Zia. Dahil bilang isang magulang sa gitna ng pandemya, ay magkakaroon na ng proteksyon ang anak. Palantandaan rin umano ito na nakakabangon na tayo at unti-unti ng babalik sa normal nating buhay.
“This might just be a regular fun playday for her but for me, I’m just glad that we’re slowly getting back up as a nation so we can slowly expose our children to the world again.”
“Siyempre bilang tatay at magulang, importante sa akin na magkaroon ng mas malalim na pag-unawa ang mga anak ko sa nangyayari sa paligid nila.
Kahit ‘yong simpleng paglalaro at pagiikot sa iba’t ibang lugar ay napakahalaga. Magandang marami silang makita, matanong, makausap, at maramdaman.”
Ito ang sabi ni Dingdong tungkol sa kung bakit sinisiguro niyang mabigyan ng kumpletong bakuna ang anak laban sa COVID. Sa huli ay may paalala si Dingdong sa lahat. “Keep safe, guys!”, ito ang sabi niya.
Image from Dingdong Dantes’ Instagram account
Puring-puri naman ng mga netizens ang ipinakitang katapangan ni Zia. Ganoon rin si Dingdong na nanatili sa tabi ng anak para lang masigurong mababakunahan siya.
“Good job Zia and Daddy Dong.”
“Hands on Dad. Good job ate Z!”
“Fearless, Ate Z , good job nice one Dada Dong”
Ito ang ilan sa komento nila.
BASAHIN:
Dingdong Dantes sa paggamit ng gadgets ng mga anak: “Marian and I don’t want to solely rely on just technology”
Dingdong Dantes sa pag-manage ng pera nila ni Marian: “Ibigay lahat sa asawa!”
LOOK: Zia Dantes tinuruan ng mga gawaing bahay ni Mommy Marian
COVID-19 vaccine para sa mga bata
Si Zia ang ilan sa mga unang bata sa Pilipinas na nakatanggap ng COVID vaccine para sa edad 5-11 taong gulang.
Sa ating bansa ay nitong Pebrero pa lamang nagsimula ang pagbabakuna sa mga bata. Habang sa ibang bansa tulad ng Amerika ay nagsimula ang bakunahan noong nakaraang taon pa.
Ang COVID-19 vaccine ay libreng ibinibigay sa bawat Pilipino. Ipinapaalala lang na ang mga may comorbities ay mag-present ng kanilang medical clearances sa oras na sila ay magpapabakuna.
Para sa mga batang 5-11 anyos, ang mga guardian o magulang ng bata ay dapat ding magpakita ng patunay sa relasyon nila sa batang babakunahan tulad na lang ng birth certificate nito.
Ang Pfizer COVID-19 vaccine para sa mga batang edad 5-11 anyos ay ibinibigay sa dalawang dose na may 3 linggong pagitan o interval. Ang dosage nito ay 10 micrograms na mas mababa sa mga ibinibigay sa mga batang edad 12-anyos pataas.
Apela ng gobyerno sa mga magulang, pabakunahan na ang inyong anak. Ito ay napatunayang safe para sa mga bata. At ang natatanging pinakamabisang proteksyon nila laban sa kumakalat na sakit na COVID-19.
Paghahanda rin umano ito sa nalalapit na pagbubukas ng face-to-face classes na higit dalawang taon na ring ipinagkait sa mga bata ng kumakalat na sakit.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!