Zia Dantes marunong ng gumawa ng gawaing-bahay.
Mababasa sa artikulong ito:
- Paggawa ng mga gawaing-bahay ni Zia Dantes sa mura niyang edad.
- Paano tinuturuan ni Marian ng mga gawaing-bahay ang anak na si Zia.
Zia Dantes marunong ng gumawa ng mga gawaing-bahay
Image from Marian Rivera’s Facebook account
Responsible Ate na tell si Zia, ang panganay na anak nila Marian Rivera at Dingdong Dantes. Dahil sa isa sa pinakabagong Facebook post ng aktres ay makikita si Zia sa isang video na masayang naghuhugas ng plato. Ito nga ay tumingin pa sa camera at ngumiti habang ipinagpapatuloy ang ginagawa niya.
Ang mga netizens tuwang-tuwa sa ipinakitang kasipagan ni Zia sa mura nitong edad na anim na taon. Pinuri nila ito at siyempre ang mga magulang nito na nagturo sa kaniya ng mga gawaing-bahay sa mura niyang edad.
“As you can see, Zia knows how to wash dishes. Good job Ate Zia. You are nurtured with good values. God bless your parents!”
“Very good parents they taught her the basic home chores!❤”
“Galing naman ni Zia. Very good girl na, knows how to do some household chores. Good job!♥️”
“Good girl and salute to her parents teaching her the values of helping in the household chores at an early age.”
Ito ang komento ng ilang netizens sa ipinakitang kasipagan ni Zia sa mura nitong edad. Pero hindi ito ang unang pagkakataon na ipinakita ni Marian na marunong ng gumawa ng gawaing-bahay si Zia. Dahil ang aktres maagang tinuruan ang anak na maging responsable.
Apat na taong gulang palang si Zia noon ng unang magbahagi si Marian ng mga larawan na naghuhugas ito ng plato, nagwawalis at nagmo-mop ng sahig.
Marian mahilig ding gumawa ng gawaing bahay kaya nais itong ituro sa anak
Sa isa sa mga panayam kay Marian ay sinabi nito ang paglilinis ng bahay ay isa sa mga bagay na gustong-gusto niyang gawin. Sa katunayan kung wala raw siyang trabaho ay siya mismo ang gumagawa ng mga gawain sa kanilang bahay.
Tulad nang paghuhugas ng plato, paglalaba at pagmomop ng sahig. Kaya naman ito rin ang nais niyang ituro sa panganay na anak na si Zia.
Ayon pa rin kay Marian, siya ang tumayong teacher ni Zia mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic. Ginawa niya ang lahat para gayahin ang school routine ni Zia habang ito ay naghohome school sa ngayon.
Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng paghahati sa kaniyang oras sa tatlo. Ito ay ang pagtratrabaho, pag-aalaga sa mga anak niya at pagho-homeschool kay Zia.
“Dinivide namin ‘yong araw into three. So halimbawa sa morning, time for learning. Tapos sa afternoon, time for play. Tapos sa gabi, iyan na ‘yung bonding namin.”
Ito ang sabi ni Marian sa isang panayam.
Ito raw ay ginagawa ni Marian upang hindi ma-bore sa bahay ang anak na si Zia. At siyempre para matuto kahit na nasa bahay lang dahil sa nararanasan nating pandemya.
“Kasi siyempre, hindi ba, kapag hindi lumalabas kasi nabo-bore sila sa bahay. So gumawa na lang ako ng activities na hindi lang ako, kailangan si Dong din bigyan niya rin si Zia ng activities na work sheets kumbaga. Para at least natututo pa rin sila. Alam kong mahirap pero kailangan pagtiyagaan talaga.”
Ito ang sabi pa ni Marian. Maliban sa pagiging teacher kay Zia sa pag-aaral at gawaing-bahay, itinuturo rin ni Marian sa anak ang iba’t ibang klase ng laro. Lalo na ang mga larong Pinoy tulad ng langit-lupa at tagu-taguan.
BASAHIN:
Dingdong Dantes sa pag-manage ng pera nila ni Marian: “Ibigay lahat sa asawa!”
Dingdong Dantes ibinahagi na nagpositibo ang buong pamilya: “Hindi dapat ikahiya ang pagkakaroon ng COVID-19.”
LOOK: Anak ni Dingdong at Marian na si Zia, ipinagdiwang ang 6th birthday
Pagiging positibo ng Dantes family sa sakit na COVID
Image from Marian Rivera’s Facebook account
Kamakailan lang din ay ibinahagi ng aktor na si Dingdong Dantes na kahit na ang kanilang pamilya ay hindi nakaligtas sa sakit na COVID-19.
Sapagkat halos lahat umano sila sa kanilang bahay ay nagpositibo dito. Mabuti na nga lang daw at mild na sintomas lang ng sakit ang naranasan nila.
At sa ngayon lahat sila ay negatibo at magaling na sa COVID. Ang aktor nag-iwan ng paalala sa lahat tungkol sa nakakahawang sakit.
“Hindi po kasalanan o dapat ikahiya ang pagkakaroon ng COVID. Kasi siyempre kahit anong pag-iingat ang gawin, nandiyan pa rin ang panganib na makuha ito.
“Kaya dapat sa tingin ko, doble kayod pa rin tayong lahat na magpabakuna, magpa-booster shot tayong lahat. Bukod sa dagdag proteksyon na ibinibigay nito sa mga katawan natin, nalalayo pa rin tayo nito sa mga malalang sitwasyon kung tayo man ay matamaan at mahawa.”
“Yong pagsubok na ito na pinagdadaanan natin hindi lang ng bayan kung hindi ng buong mundo, hindi lang ng tahanan namin ng tahanan ninyo, isang napakahirap na hamon para sa ating lahat. Pero malalampasan naman natin to kung tayo’y magtutulungan at patuloy na iisipin ang kapakanan ng bawat isa.”
Ito ang nasabi ng aktor na si Dingdong Dantes matapos mag-positibo ang kaniyang pamilya sa COVID-19.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!