Mababasa sa artikulong ito:
- Mensahe ni Marian Rivera sa kaniyang anak na si Zia Dantes
- Birthday letter ni Dingdong Dantes sa kaniyang anak na si Zia Dantes
Zia Dantes, nagdiwang na ng kaniyang 6th birthday
Anak ng celebrity couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Maria Letizia “Zia” Dantes, ipinagdiwang ang kaniyang 6th birthday.
November 23, Martes ng i-celebrate ang kaarawan ni Zia Dantes, anak nila Dingdong at Marian.
Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera
Sa isang Facebook post, ipinahayag ni Marian Rivera ang pagmamahal at pagbati sa kaniyang anak na si Zia. Para sa aktres, maituturing niyang blessing si Zia, hindi lang para sa kaniya kundi para sa lahat ng tao na nakapalibot dito.
Hindi lamang ang makukulay na balloons at cute na birthday cake ang kapansin-pansin sa mga picture na pinost ni Marian, kundi ang taglay na charm at ganda ni Zia Dantes na talaga namang manag-mana sa kaniyang mommy at daddy.
Ayon kay Marian, namimiss din daw nila si Dingdong dahil isa ito sa kaarawan ni Zia na wala ang asawa.
Larawan mula sa Facebook page ni Marian Rivera
“Ate Z turns 6! My precious daughter, may you continue to be a loving, sweet and kind girl. You’re such a blessing to everyone around you. We miss you dada wish you were here to celebrate with us but thank you for working hard for us. We love you anak! ” caption ng aktres sa nasabing post.
Pinasalamatan din ni Marian Rivera si Celeste Tuviera na siyang nag-handa ng birthday look ni Zia.
“Thank you also ate Celeste Tuviera for Ate Z’s birthday look! “
Dingdong Dantes naging emosyonal sa birthday letter niya para sa anak na si Zia
View this post on Instagram
Bagamat malayo sa pamilya, hindi naman nagpahuli sa pagbati si Dingdong Dantes sa kaniyang anak.
Sa isang Instagram post, proud na proud na ibinahagi ng aktor ang kanilang father and daughter moment ng anak na si Zia. Makikita sa video na kumakanta si Zia ng awiting “Can’t Help Falling in Love” ni Elvis Presley, habang ginagabayan ni Dingdong sa pagkanta at pagtugtog ng gitara.
Naging emosyonal din si Dingdong sa kaniyang birthday letter sa panganay na anak.
Inilarawan ng aktor kung gaano kahirap para sa kaniya na malayo sa anak lalo na sa espesyal na araw nito. Si Dingdong ay kasalukuyang nasa lock-in taping para sa isang upcoming show ng GMA.
Pahayag pa ni Dingdong, ngayon umano ay nararamdaman niya na ang na-feel nang ama niya noon nang mapalayo ito sa kaniya dahil kinakailangang magtrabaho.
“For the last six years, this is the first time that I haven’t had you under my armpits for this long. I can just imagine how your Lolo Jigg felt, when he worked in a cruise ship for one year in HKG when I was around 8 years old. It’s kinda hard for me, but the thought of you being safe and happy there at home with your mom and brother makes me at peace.”
BASAHIN:
Dingdong Dantes sa pagpapalaki sa mga anak na sina Ziggy at Zia: “We want to make them live a normal life.”
Marian Rivera wala umanong pinagbabawal na pagkain sa anak na si Zia
Marian Rivera on Baby Zia: “Matalino ang anak ko. Mana sa tatay niya.”
Ang video umano na pinost ni Dingdong ay huling video nilang magkasama ni Zia. Habang pinanonood niya ito ay mas lalo niyang namimiss ang anak.
Handa rin siyang bumawi sa anak at gumawa ng mas marami pang memories tulad ng nasa video, kapag natapos niya ang kaniyang trabaho.
“This last video that we did together definitely makes me miss you more– you were amazing!”
Handa rin siyang bumawi sa anak at gumawa ng mas marami pang memories tulad ng nasa video, kapag natapos niya ang kaniyang trabaho.
“Don’t worry, when I get back home, we’ll definitely make more memories with these after-dinner songs, which will come after your regular animated storytelling of how your day had transpired.”
Dagdag pa ng aktor, isang regalo umano si Zia mula sa Panginoon. At humihingi rin siya ng paumanhin kung bakit wala siya sa importanteng araw ng kaniyang anak
Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera
“It has been 20 days since I left and despite the gloominess of this rest day, there is this indescribable feeling of joy knowing that on this day, God has gifted the world with someone like you.
Happy 6th, Ate Z. When you’re a bit older, i hope you’ll understand why Dada isn’t with you on this special day.
For now, i’ll just have to play this over and over till I have you back under my armpits again.
Forgive me for posting this, for i can’t help falling in love with you.
Love,
DaD”
Maligayang Kaarawan Zia!
Source:
GMA, Inquirer
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!