Ziggy Dantes at Zia Dantes Instagram at iba pang social media accounts, bakit nga ba “X” muna para sa mag-asawang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera? Alamin dito ang sagot.
Mababasa sa artikulong ito:
- Style ng pagpapalaki ni Dingdong Dantes sa mga anak na sina Ziggy at Zia Dantes.
- Ang dahilan kung bakit walang Ziggy Dantes at Zia Dantes Instagram at social media accounts.
Ziggy Dantes at Zia Dantes Instagram and social media accounts
Image from Marian Rivera’s Facebook account
Malamang ay tagahanga ka rin ng mga anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Sino nga ba naman ang hindi matutuwa sa cute na mukha nila Zia at Ziggy Dantes. Lalo na kung makikita pa ang mga uploaded photos at videos nila sa social media accounts ng kanilang mga magulang.
Minsan mo narin bang sinubukang hanapin ang social media accounts nina Ziggy at Zia Dantes? Well, hindi tulad ng ibang celebrity kids, sina Zia at Ziggy ay walang social media accounts na nakapangalan o eksklusibong sa kanila.
Sa isang panayam kay Dingdong Dantes sa isa sa mga podcast episode ng celebrity couple na sina Slater Young at Kryz Uy ay sinabi ng aktor ang dahilan kung bakit.
Dingdong at Marian payag mag-artista ang mga anak sa isang kondisyon
Una, ayon kay Dingdong, bilang sila ni Marian ay parehong artista, isa sa laging naitatanong sa kanila ay kung papayagan ba nilang sumunod sa yapak nila ang mga anak.
Lalo pa’t ngayon pa lang sa bata nilang edad ay kinagigiliwan na ang mga ito ng masa. Pero ayon kay Dindong, bagama’t pinagdedebatehan pa rin nilang mag-asawa ang sagot sa tanong na ito, may isang bagay na malinaw na pinagkakasunduan nila. Ito ay ang kailangan makatapos muna sa pag-aaral ang mga anak bago pumasok sa pag-aartista.
“Ongoing debate ‘yon sa amin up to this day. Clear kami na sige basta aral muna ‘yong kids. And when they decide to do so or they decide to do so sige basta we already presented options to them. Kung talagang trip nila susuportahan namin.”
Ito ang naging sagot ni Dingdong sa tanong kung papayagan ba nilang mag-artista rin ang mga anak na sina Zia at Ziggy Dantes.
Marian at Dingdong sinusubukang limitahan ang social media exposure ng mga anak
Image from Marian Rivera’s Facebook account
Ayon pa kay Dingdong, bagama’t hindi na maitatanggi ang exposure ng kaniyang mga anak sa social media ay nililimatahan pa rin nila ito.
Ito ay ginagawa nila sa pamamagitan na hindi paggawa ng sariling social media accounts ng mga anak. Sapagkat dahilan ni Dong, ito umano ay dapat option o isang choice na anak nila ang dapat nagdedesisyon at gumagawa.
Siyempre sa tamang panahon kapag sila ay malalaki na, na paglilinaw rin ni Dong ay may limitasyon pa rin.
“Let us just make a point not to launch their own social media platform. Ibig sabihin dapat wala sila ng sarili nila. Dapat it should be their choice later on whether or not gusto nilang magkaroon o hindi.”
“Whatever you see now are all from our pages, our own platforms. At least dun klaro pero kung hanggang saan may limitasyon pa rin.”
Sabi pa ni Dong, noong una ay isinet nila na pagdating ng 6 years old ay titigilan na ang exposure ng mga anak nila sa social media. Dahil ito ay ang age na kung saan papasok na sila ng school.
Ikinatatakot nila na baka ang over exposure sa social media ay maging hadlang sa freedom at safety ng anak nila. Partikular na kapag nag-aaral na ang mga ito sa big school.
Sa ngayon si Zia ay turning 6 years old na. Pero ang rule na ito ay saglit na naisantabi dahil sa nararanasang pandemya. Dahil sa ngayon ang pagpasok ng face-to-face ay hindi na muna naisasagawa.
BASAHIN:
Marian Rivera wala umanong pinagbabawal na pagkain sa anak na si Zia
Dingdong Dantes on fatherhood: ‘The past two years with her have been the best years of my life’
7 rason kung bakit hindi mo dapat gawan ng social media account ang anak mo
Dong at Marian nais na mamuhay ng normal hangga’t maaari ang mga anak
Image from Marian Rivera’s Facebook account
Dagdag pa niya, may isa pang dahilan kung bakit nililimitahan nila ang exposure ng mga anak sa social media. Ito ay para hangga’t maari ay makapamuhay ang mga ito ng normal tulad ng ibang bata.
“Ang klaro dapat doon as much as possible we want to make them live a normal life. But nowadays what is normal, iba na definition ng normal.”
“Ang basis natin ng normal ay kung ano yung kinalakihan natin na, you can freely roam around and play with kids without being judged.”
Ito ang sabi ni Dong na isa umanong struggle sa kanila. Dinagdagan pa nga daw ito ng nararanasan nating COVID-19 pandemic na dumagdag sa alalahanin nating mga magulang.
Source:
YouTube
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!