X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Marian Rivera sa relasyon nila ni Dingdong Dantes: “Maganda kasi sa amin para kaming mag-bestfriend.. hindi as asawa.”

5 min read

Dingdong Dantes at Marian Rivera, ito ang sikreto sa masaya nilang pagsasama.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Sikreto sa pagsasama nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
  • Ano ang aral na itinuturo ni Marian sa mga anak na sina Zia at Ziggy.

Sikreto sa pagsasama nina Dingdong Dantes at Marian Rivera

Dingdong Dantes at Marian Rivera

Image from Marian Rivera’s Facebook account

Ang pamilya at pagsasama nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay sinusubaybayan ng karamihan ng mga Pilipino. Dahil maliban sa sila ay kilalang couple sa bansa, napaka-cute rin ng kanilang mga anak na hindi nakakagulat na sumunod sa yapak nila.

Pero kung may isang hinahangaan ang marami lalo na tayong mga magulang kay Dingdong at Marian, ito ang relasyon nila na tila mas lalong tumatamis sa pagdaan ng panahon.

Sa isang panayam ay ibinahagi ni Marian ang sikreto sa pagsasama nila ni Dingdong Dantes. Ito ay ang pagkakaroon ng constant communication sa isa’t isa.

Pati na ang pagsisiguro na hindi sila nawawalan ng oras para mag-bonding na mag-asawa. Kahit ito ay sa pamamagitan lang ng pangangamusta sa kung paano ang naging takbo ng mga araw nila.

“Mahalagang-mahalaga na palagi kayong may communication ng asawa mo. Lagi kayong may time sa isa’t isa para mag-heart to heart talk, sa mga bagay bagay na nangyayari sa ‘yo everyday o sa mga bagay na hindi magandang nangyayari sa ‘yo napag-uusapan ninyong mabuti.”

Ito ang pahayag ni Marian sa panayam sa kaniya ni Christine Jacobs sa isang programa sa CNN.

Marian at Dingdong best friends ang turingan sa isa’t isa

Marian Rivera sa relasyon nila ni Dingdong Dantes: Maganda kasi sa amin para kaming mag-bestfriend.. hindi as asawa.

Image from Marian Rivera’s Facebook account

Ayon pa kay Marian, hindi lang basta asawa ang trato nila ni Dingdong sa isa’t isa. Lalo na sa tuwing nag-uusap sila na mas nagpapagaan sa pakiramdam nila sa isa’t-isa, ganoon na rin sa kanilang relasyon.

“Maganda kasi sa amin para kaming mag-best friend kapag nag-uusap kami hindi as asawa. Mas maganda pa rin siguro na ganun ang treatment ninyo sa isa’t isa, hindi masyadong serious. Para you can say anything talaga.”

Maliban nga raw sa mas madali siyang nakakapag-open up siya sa mister, ito raw ang nangungunang tao na nag-i-encourage sa kaniya na sumubok sa mga bagay na akala niya ay hindi niya kayang gawin.

“May mga bagay kasi na natatakot ang gawin. Siya ‘yong nagsasabi na hindi kaya mo ‘yan try mo. Siya ang nagbibigay sa ‘kin ng kumpyansa na gawin ang mga bagay na takot akong gawin.”

Ito ang kuwento pa ni Marian.

BASAHIN:

Marian Rivera sa pagkakaroon ng buong pamilya: “Coming from a broken family, isa ‘yan sa mga wish ko talaga.”

Dingdong Dantes sa paggamit ng gadgets ng mga anak: “Marian and I don’t want to solely rely on just technology”

Marian Rivera sa pagbawal ng gadget habang kumakain: “Ini-explain namin na pinapahalagahan ang food.”

Paano bilang mga magulang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera

Dingdong Dantes at Marian Rivera kasama sina Zia at Ziggy

Image from Marian Rivera’s Facebook account

Pagdating sa pagpapalaki ng mga anak ay nagwo-work din daw as team si Marian at Dingdong. Sa kabila ng kanilang career sinisiguro nila na ang kanilang mga anak ang nangunguna sa kanilang mga priorities.

Tulad ngayon na si Dingdong ang busy sa pagtratrabaho habang si Marian ang nag-aalaga sa kanilang mga anak na sina Zia at Ziggy.

“Kapag ang isa mayroong trabaho, kailangan nandun yung isa para sa mga bata. Hindi kami puwedeng sabay magtrabaho.”

Ito ang sinasabing panata ni Marian pagdating sa mga anak niya. Dahil bilang isang ina, kakaibang saya raw ang naibibigay sa kaniya ng makitang lumalaki ang mga anak na nasasaksihan niya at kasama siya.

“I make sure kay Dong na talagang aalagaan ko ang mga anak ko. Sabi ko talaga, clearly ang priority ko talaga ay family, ‘yong mga anak ko.

And everything is to follow nalang talaga. Nakikita ko silang lumalaki, nakikita ko kalokohan nila. As a mom, natutuwa ako sa journey nila na ‘yon na kasama ako.”

Ito ang masayang kuwento pa ni Marian. Pero magkaganoon man, pagdating sa pagdidisiplina ng mga anak si Marian daw ang nakatoka. Isang bagay na napagkasunduan rin nila ni Dong para sa ikabubuti ng mga anak nila.

“Ako ‘yong bad cop. Si Dong very loveable ‘yan sa mga anak niya, Minemake-sure niya talaga na binibigyan niya ng time ng mga anak niya.

Sinasabi niya na ikaw na lang ‘yan. Kasi ikaw lagi kang nasa bahay maiintindihan ka nila. Baka pag ako ‘yong nagalit tapos wala pa ko sa bahay baka mas magtampo sila.”

Kung mayroon nga daw isang aral na laging pinapaala si Marian sa mga anak niya ay ang pagpapahalaga sa kapwa nila. Ito ang paniniwala ni Marian na isang bagay na magiging gabay nila para lumaki silang mabuting tao na pinapangarap ng lahat ng magulang sa kanilang mga anak.

“Sinasabi ko kay Zia, kailangan lumaki kang mabuting tao kasi yang mga materyal na yan lahat yan mawawala. Pero kung paano magpahalaga sa kapwa mo ‘yan ang mahalaga.”

Ito ang kuwento pa ni Marian Rivera.

 

Partner Stories
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
Erceflora Kiddie gives kids a fun trip to a healthy gut with the Batang Matatag Bus
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
H&M’s Latest Kidswear Collection is Here to Help Take On the New School Year in Style
IKEA celebrates the joys of motherhood
IKEA celebrates the joys of motherhood
5 Reasons Why These Celeb Moms Love Tiny Buds Items
5 Reasons Why These Celeb Moms Love Tiny Buds Items

CNN

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Marian Rivera sa relasyon nila ni Dingdong Dantes: “Maganda kasi sa amin para kaming mag-bestfriend.. hindi as asawa.”
Share:
  • Billy Crawford sa misis na si Coleen sa 31st birthday nito: “You’re a dream come true”

    Billy Crawford sa misis na si Coleen sa 31st birthday nito: “You’re a dream come true”

  • Jeremy Jauncey iniisa-isa ang achievements ng misis na si Pia Wurtzbach sa 34th birthday nito: “I love you and I’m proud of you.”

    Jeremy Jauncey iniisa-isa ang achievements ng misis na si Pia Wurtzbach sa 34th birthday nito: “I love you and I’m proud of you.”

  • Lovely Abella sumailalim sa surgery ilang araw matapos manganak at nilalabanan ngayon ang postpartum depression

    Lovely Abella sumailalim sa surgery ilang araw matapos manganak at nilalabanan ngayon ang postpartum depression

  • Billy Crawford sa misis na si Coleen sa 31st birthday nito: “You’re a dream come true”

    Billy Crawford sa misis na si Coleen sa 31st birthday nito: “You’re a dream come true”

  • Jeremy Jauncey iniisa-isa ang achievements ng misis na si Pia Wurtzbach sa 34th birthday nito: “I love you and I’m proud of you.”

    Jeremy Jauncey iniisa-isa ang achievements ng misis na si Pia Wurtzbach sa 34th birthday nito: “I love you and I’m proud of you.”

  • Lovely Abella sumailalim sa surgery ilang araw matapos manganak at nilalabanan ngayon ang postpartum depression

    Lovely Abella sumailalim sa surgery ilang araw matapos manganak at nilalabanan ngayon ang postpartum depression

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko