X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Marian Rivera sa pagkakaroon ng buong pamilya: "Coming from a broken family, isa ‘yan sa mga wish ko talaga."

4 min read

Sa isang exclusive interview ng celebrity hairstylist na si Celeste Tuviera, ibinahagi ni Marian Rivera na labis niya raw na hiniling sa Diyos ang magkaroon ng buong pamilya.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Marian Rivera sa pagkakaroon ng buong pamilya: “Kahit simpleng buhay basta masaya at buo”
  • Ilang tips para magkaroon ng stronger bond ang family

Marian Rivera sa pagkakaroon ng buong pamilya: “Kahit simpleng buhay basta masaya at buo”

Sa exclusive interview sa Youtube channel ng hairstylist na si Celeste Tuviera, masayang ibinahagi ni Marian Rivera na hiniling niya raw sa Diyos ang pagkakaroon ng buong pamilya.

“Sabi ko, ‘Lord gusto ko magkaroon ako ng isang pamilya, isang asawa na magiging responsable at bibigyan ako ng anak. Kahit simpleng buhay basta masaya at buo.’

Kasi coming from a broken family, isa ‘yan sa mga wish ko talaga at pinapanalangin ko talaga ng taimtim ‘yan,”

marian rivera

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Marian Rivera

Ibinahagi niya rin na siya ay galing sa isang broken family. Kaya nga sa kabila ng pagiging artista, ayos lang sa kanya ang simpleng buhay basta masaya at buo ito.

Ayon din sa aktres, ay noong una wala siyang naramdamang “spark” sa pagitan nila ng asawang si Dingdong Dantes.  Hindi niya raw napansin na si Dingdong na pala ang binigay ng Diyos para sa kanyang mga kahilingan,

“Si Dong talaga ‘yong pinakasagot ko sa mga prayer ko na nandyan lang pala.”

Dagdag pa ni Marian Rivera, 

“Kakapanalangin ko talaga at maraming mga signs na binibigay si Lord sa akin na si Dong talaga ‘yong nandoon. Siya talaga.”

marian rivera

Larawan kuha mula sa Instagram account ni Marian Rivera

Isa pa sa ibinahagi ng aktres ay ang pagmamahalan ng dawalang anak na si Maria Letiza Dantes at Jose Sixto IV.

“Si Sixto mahal na mahal niya ang ate niya.” Dahil daw dito ay ginagawa ng bunso parati ang ginagawa ng kanyang ate.

Ayon din kay Marian Rivera ay namili siya nang mabuti sa magiging ninong at ninang ng mga anak. Naniniwala raw kasi siya na kung darating ang panahon na may mangyayari sa kanilang mag-asawa ay naririyan ang mga ninong at ninang para gabayan ang kanilang anak.

Dagdag pa niya, 

“Gusto ko may koneksyon sa amin. Naniniwala ako na kapag kinuha kita bilang ninang, magiging mabuti kang nanay ni Sixto. Just in case na hindi ko kaya. Just in case mawala ako nandiyan ka para sa kanya.”

Matatandaang ginanap ang kasalang Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Immaculate Conception Cathedral sa Quezon City noong taong 2014 na tinawag na “Royal Wedding.”

BASAHIN:

Marian Rivera sa pagbawal ng gadget habang kumakain: “Ini-explain namin na pinapahalagahan ang food.”

LOOK: Ano kaya magiging itsura ni Zia in 10 years? Marian Rivera namangha sa pagka-drawing sa panganay

Dingdong Dantes sa paggamit ng gadgets ng mga anak: “Marian and I don’t want to solely rely on just technology”

Ilang tips para magkaroon ng stronger bond ang family

Hindi ganoon kadali ang bumuo ng stonger bond with the family. Naririyang magsasabay-sabay ang work, studies, at maraming factors kaya hindi na kayo nagsasama-sama. Para masimulan ang bonding ng family, narito ang ilang tips na maaari niyong gawin:

1. Balansehin ang career at oras sa pamilya

Oo nga’t mahalaga ang career, isa ito sa dahilan kung bakit nabubuhay sa pang-araw-araw ang pamilya. Kaya nga hindi madali na balansehin ang dalawa. Sa kabilang banda, dito makikita kung gaano mo rin pinahahalagahan ang iyong pamilya. Parating maglaan ng sapat na oras para makasama sila sa kabila ng pagtatrabaho.
 
Halimbawa na lang ay sa iyong day-off o rest days ay ibigay na ito sa mga anak. Hangga’t maaari ay huwag na munang gumawa ng task na may kinalaman sa trabaho. Kahit ang simpleng pagkain kasama sila ay maituturing na bonding na with the fam.
 
Ugaliin ding maging flexible. Ang mga biglaang gala o laro ay kailangang paghandaan. Ganitong moments kasi nakabubuo ng maraming unforgettable memories ang family.

2. Patibayin ang komunikasyon

Mabubuo ang stronger bond kung matibay rin ang komunikasyon. Sa mga anak, mapapalapit lalo ang loob sa parents kung alam nilang nakikinig kayo sa kanilang hinaing. Maganda ring mag-open din sa mga anak, para maramdaman nilang mahalaga ang kanilang mga opinyon tungkol sa inyo.

3. Magkaroon ng quality time with your partner

Kung mayroon mang magtutulungan para magkaroon ng stronger bond ang pamilya, kayo iyon ni partner. Mahalaga na mayroon kayong oras para sa isa’t isa. Hindi lamang para sa lambingan kundi maging sa plano para sa mga anak. Maaari kasing mapag-usapan sa inyong quality time ang iba pang bagay na mahalaga sa pamilya.

 

YouTube
 
Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Marian Rivera sa pagkakaroon ng buong pamilya: "Coming from a broken family, isa ‘yan sa mga wish ko talaga."
Share:
  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.