Marian Rivera, ibinahagi sa netizens ang Tiktok transformation ng anak na si Zia 10 years from now!
- Zia Dantes Tiktok transformation
- Family Dantes life update
- 8 Fun activities na swak na swak sa pamilya
Zia Dantes Tiktok transformation
Kahapon lamang ay ni-repost ng ina ni Zia Dantes na si Marian Rivera ang kaniyang Tiktok transformation. Ayon sa nag-edit, ito ang magiging itsura ng mukha ni Zia 10 years from now.
Ayon sa inang si Marian,
“Zia 10 years from now. Ang ganda!”
Natuwa ang aktres sa naging resulta ng transformation ng anak na si Zia. Isang netizen ang nag-request na gaya ng iba pang sikat na personalidad ay gawan din ng Tiktok transformation si Zia.
Ayon pa nga sa natizen na si Khiel D.
“Gusto ko pong makita si Zia Dantes 10 years from now.”
Kaya naman agad siya pinagbigyan ng @Lowcostedit. Si Ronald Quinones Jr. ang artist sa likod ng transformation na ito ni Zia. Siya ay isang digital artist, editor, at illustrator.
Marami na rin siyang digital art pieces at photoshop edit na nagviral na sia ilang mga social media sites at platforms, lalo na sa Facebook at Tiktok.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 1.3 milyong followers si Ronald Quinones Jr. sa Tiktok, at 622k followers naman mula sa kaniyang Facebook account.
Samantala, matapos i-upload ang video ni Zia, isang araw pa lamang ang nakakalipas ay umani na ito ng napakaraming views at likes. 5.8 milyong tao na ang nakapag-view at libo-libo na rin ang mga comment at like na tinamo ng video na ito.
Ito marahil ay dahil isa ang 6 year old na si Zia sa mga batang talagang hinahangaan sa Pilipinas dahil na rin sa angkin nitong ganda.
Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera
Katulad ni Zia, may iba pang mga naggagandahang bata ang ginawan ni Ronald Quinones Jr. ng Tiktok transformation. Kabilang na rito si Kendra Kramer na anak ni Doug at Cheska Kramer, at si Scarlet Snow Belo na anak naman nina Hayden Kho at Vicki Belo.
Matapos mag-viral ng video ni Zia kung saan makikita ang posibleng maging itsura nito 10 years from now, makikita na malaki ang resemblance ng kaniyang mukha sa inang si Marian Rivera. “Mini Marian” pa nga kung tawagin si Zia ng ilang mga netizen.
Dahil sa dami ng bilang ng mga taong nakakita, humakot rin ang Tiktok video ng ito ng napakadaming komento mula sa mga tao. Narito ang ilan lamang sa mga ito.
Ayon kay @nirvash9,
“lakas ng dugo ni marian. ang ganda naman ni baby zia pagg nagdalaga na,” na may kasamang mga emoji tanda ng pagkamangha at paghanga nito.
Sabi naman ni @meiixx26,
“Marian na marian talaga so pretty”
Hindi naman pahuhuli ang tagahanga ng mag-inang si Zia at Marian Rivera na si @Alexis Lanza,
“Grabe ang ganda ganda. Mahal na mahal ko kayo ng mommy Marian mo!” komento niya.
BASAHIN:
LOOK: Zia Dantes bakunado na kontra COVID
Dingdong Dantes sa pagpapalaki sa mga anak na sina Ziggy at Zia: “We want to make them live a normal life.”
Marian Rivera wala umanong pinagbabawal na pagkain sa anak na si Zia
Family Dantes life update
Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera
Nito lamang linggong ito ay ipinagdiwang ng lahat, pati na ng mag-asawang Marian at Dingdong Dantes ang araw ng mga puso. Simple lamang ang naging Valentine celebration ng dalawa at nagbigay laman sila ng simpleng regalo para sa isa’t isa.
Sa pamamagitan ng kanilang Instagram, masaya at natutuwang ibinahagi ni Dingdong at Marian na nagkapareho pa sila ng gift para sa isa’t isa, ang paborito nilang cake.
Ayon sa aktor na si Dingdong Dantes,
“Looks like we are really made for each other.”
“Funny (and sweet) how Dong and I got each other the same gift this Valentines,” pagbabahagi naman ng asawang si Marian.
Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera
Samantala, matapos ang masayang pagdiriwang nila ng araw ng mga puso ay ibinahagi ng dalawa ang kanilang family trip sa Itogon, Benguet sa pamamagitan ng mga IG post.
Upang mag-spread ng positivity at goodvibes sa mga tao, lalo na sa kanilang followers, in-upload ni Marian picture ng anak ni Zia sa Benguet. Ito ang kaniyang naging caption:
“Ate Z sending you love today! Hope you all have a great Sunday,” habang may kasamang smiley o happy emoji.
Makikita rin sa kaniyang account ang cute na cute at makulit na anak ni Marian at Dingdong na si Sixto. Ayon sa kaniya,
“My little curious and sweet boy! Mama will always be here to hold you hand.”
View this post on Instagram
Hindi maitatanggi kung gaano kamahal ng dalawa ang kanilang mga anak na si Zia at Sixto. Makikita rito kung gaano sila ka-close bilang isang pamilyang punong-puno ng pagmamahal para sa isa’t isa.
8 Fun activities na swak na swak sa pamilya
Maraming mga fun at family bonding activities na maaari ninyong gawin upang mas maging close pa sa bawat miyembro ng inyong pamilya. Ang bonding kasama ang pamilya ay pwedeng simple lamang at maaaring gawin sa bahay.
Hindi kayo kinakailangan gumastos pa ng malaki. Hindi rin kakain ng napakaraming oras sa pagpe-prepare. Narito ang simple at fun family bonding activities o ideas para sa inyo:
- Movie night
- Mag-bake ng cookies
- Dinner kasama ang buong pamilya
- Mag-Picnic
- Maglaro ng board games sa loob ng bahay
- Mag-camping sa likod ng inyong bahay o sa garahe
- Lumabas nang magkakasama at buong pamilya
- I-enjoy ang quality time kasama ang pamilya
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!