Marian Rivera: "Last photoshoot before I pop! Excited to meet our little one!"

Marian Rivera: "Last photoshoot before I pop! Excited to meet our little one!"

Kamakailan lamang nagkaroon muli ng maternity shoot ang celebrity Momma na si Marian Rivera kasama ang kanyang munting pamilya na sina Dingdong Dantes at Maria Letizia "Zia."

Ang photographer sa kanilang huling photoshoot ay ang kilalang photographer na si Pat Dy.

I-shinare ni Marian Rivera ang huling maternity shoot na kanilang ginawa ng kaniyang pamilya sa kaniyang Instagram post nitong ika-7 ng Abril na natutuwa pa niyang sinambit sa kaniyang post, ""Last photoshoot before I pop! Excited to meet our little one! Exclusive BTS on #TheDantesSquad tonight."

Ito ang huling shoot ni Marian Rivera bago manganak

Ang mga isa sa konsepto ng pinakabagong maternity shoot ni Marian Rivera ay may pagka-edgy at rockstar, na mistulang sinusuportahan sa konseptong ito ang hobby ng kaniyang asawa na si Dingdong Dantes sa mga motorbikes.

Sa ibang mga litrato naman, nagsuot ng leather jacket ang mag-asawang Marian at Dingdong, habang ipinapakita ni Marian ang kaniyang baby bump habang may suot ding itim na bra top at black jeans.

Sa kaniyang caption, nasambit niya, "My dream of becoming a mother and having my own big family is unfolding one by one. We are thrilled to be welcoming our Baby Boy soon but before that, I thought of sharing some of my best kept preggy tips and secrets! Plus, we will also be sharing some BTS from our maternity shoot with Pat Dy!"

Di maitagong excitement

Ito ang kaniyang huling maternity shoot bago niya isilang ang kanilang pangalawang anak na baby boy ni Dingdong.

Kitang-kita sa kanilang mga litrato na excited na silang buong pamilya na i-welcome ang pangalawang anghel nila sa buhay at siyempre excited na rin ang kaniyang ate na si Zia.

 

Source: Marian Rivera

Basahin: Dingdong Dantes on fatherhood: ‘The past two years with her have been the best years of my life’

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner