Marian Rivera as a mom: “Mas maganda na open ang anak mo sa iyo, ke maganda yung nangyayari, ke hindi.”

Aktres at celebrity mom, inaming istrikto siya sa mga anak at hindi itinatago dito ang nararamdaman niya lalo na kung mali ang kanilang ginawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marian Rivera ibinahagi ang parenting style niya sa mga anak na sina Zia at Sixto.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Marian Rivera parenting style.
  • Payo ni Marian sa mga kapwa niya magulang.

Marian Rivera parenting style

Larawan mula sa Facebook account ni Dingdong Dantes

Pagdating sa pagpapalaki ng kaniyang mga anak, ibinahagi ni Marian Rivera na ang parenting style niya ay nagbibigay kahalagahan sa pagkakaroon nila ng anak ng open communication. Bilang isang ina ay nakakatulong daw ito kay Marian na malaman ang nararamdaman o saloobin ng mga anak niya.

"Nakatulong talaga sa akin as a mom na very vocal ang mga anak ko. Ngayon, nabibigyan natin sila ng free will na gawin at sabihin yung mga nasa isip at puso nila. Mahalaga kasi sa akin na nalalaman kung ano ang opinyon nila."

Ito ang sabi ng aktres sa isang panayam.

Pagpapatuloy pa ni Marian, para sa kaniya ay maganda ang ganitong style sa pagpapalaki ng anak. Ito ay para ma-encourage silang magkuwento sa kaniya. At para magabayan niya ang mga ito at higit sa lahat maramdaman na mayroong isang tao na willing at handang makinig sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera

Payo ni Marian sa mga kapwa niya magulang

Kaya naman ito ang payo niya sa mga magulang na tulad niya pagdating sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"Kasi mas maganda siguro na open ang anak mo sa iyo, ke maganda yung nangyayari, ke hindi.

"At least may awareness ka kung paano mo sila papalakihin nang maayos, paano mo poprotektahan sa mundong ito."

"Ke magagalit ka sa sasabihin nila, ke matutuwa ka, at least hindi sila matatakot na magsabi. Yun yung mahalaga."

Ito ang sabi pa ni Marian.

Si Marian very honest din daw sa anak pagdating sa mga nararamdaman niya. Kung alam niyang mali ay magagalit siya pero kaakibat naman nito ang pagpapaliwanag sa anak kung bakit naging ganoon ang reaksyon niya.

Larawan mula sa Instagram account ni Marian Rivera

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement