Maricel Soriano sa mga anak: "Kulang na kulang ako sa panahon para sa mga anak ko."

"Kulang na kulang ako sa panahon para sa mga anak ko. At hinihingi ko yun ng tawad sa kanila." - Maricel Soriano | Larawan mula sa Instagram account ni Maricel Soriano

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ibinahagi ng Diamond Star na si Maricel Soriano isa umano sa mga hindi niya naibigay sa kaniyang dalawang anak ay oras. Alamin ang buong kwento rito

Maricel Soriano sa kaniyang mga pagkukulang sa dalawang anak

Sa isang ulat ni Ervin Santiago ng Bandera, ibinahagi ni Maricel kung ano ba ang hindi niya naibigay sa kaniya nang may nagtanong sa kaniya sa press conference ng kaniyang bagong pelikula na “In His Mother’s Eyes”.

Ayon kay Maricel Soriano, isa umano sa mga hindi niya naibigay sa kaniyang dalawang anak na sina Maron at Sebastien ay oras. Nagkulang umano siya na makapagbigay ng oras sa dalawa niyang anak. 

Pagbabahagi niya, 

“Kulang na kulang ako sa panahon para sa mga anak ko. At hinihingi ko yun ng tawad sa kanila. Nag-date kaming tatlo para lang mag-sorry ako sa kanila.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Maricel Soriano

Kwento pa ni Diamond Star Maricel, 

“Sinabi ko sa kanila, sana, you can still find it in your heart to forgive me. Sabi ng mga anak ko, no, Mom, we understand and forgive you. Nanlalambot na ako,”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ang tagal lang kasi naghintay ng mga anak ko sa akin. Inuna ko yung pamilya ko. Inuna ko ang nanay ko, ang mga kapatid ko. Pero now it’s their time. Time na ng mga anak ko,”

Sa ngayon, bumabawi umano si Maricel sa kaniyang mga anak at ngayon nga ang isa sa kaniyang mga pangarap ay magkaroon na ng apo sa dalawa niyang anak na lalaki na sina Maron at Sebastien. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Maricel Soriano

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Marhiel Garrote