Mariel Padilla, buntis sa pangalawang anak

Mariel Padilla, buntis sa pangalawang anak

Pinasalamatan ni Mariel Padilla ang madlang pipol sa kanilang walang sawang suporta at pagmamahal sa kanyang journey sa pagiging ina.

Masayang inanunsyo ng It's Showtime host na si Mariel Padilla na siya'y nagdadalang-tao muli!

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

The perfect Mother’s Day gift ? hello baby #2 ?

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla) on

Three months pregnant

Noon ngang ika-11 ng Mayo, sa espesyal na Mother's Day opening number ng It's Showtime, inanunsyo ng actress at host na si Mariel Padilla na siya ay nagdadalang-tao sa pangalawang pagkakataon.

Naiiyak at natutuwa niyang sinambit, "I am so happy to share with all of you, isang espesyal na balita na nalaman namin ng asawa ko a few months ago—si Isabella po ay magiging ate na."

Pinasalamat din ng host ang kanyang It's Showtime family at mga tagasuporta.

"I am three months pregnant with baby number 2. And ngayon pa lang, gusto ko po talagang magpasalamat sa inyong lahat dahil alam ko kasama ko po kayong lahat magdadasal, magmamahal, at susuporta. Maraming-maraming salamat po."

Matapos inanunsyo ni Mariel ang baby number 2 nila ng asawang si Robin Padilla, nag-post nga rin ito ng kanyang baby bump sa kanyang Instagram account na may caption na, "The perfect Mother’s Day gift ? hello baby #2 ?."

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

My family is everything to me. EVERYTHING. ? thank you @bigalscookiejar because of your cake (which happens to be our favorite) we had a sweet family moment ❤️

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla) on

Mother's Day

Sa naging Mother's Day special nga na opening sa It's Showtime, ginawang oportunidad ito ni Mariel Padilla upang pasalamatan din ang mga manonood.

Bungad nga ng Kapamilya actress at host bago ang kanyang anunsyo.

"A few years ago, pag Mother's Day, para sa akin po, para lang siya isang ordinaryong araw. But all of that changed when I became a mom myself."

Dagdag niya, "At kasama ko po kayo, madlang pipol, sa naging journey ko. From heartbreaking losses until finally I had my baby girl, my Isabella. Do'n ko po nalaman na iba po pala talaga ang hirap at ang saya ng pagiging isang ina."

Sinambit niya sa huli, "At madlang pipol, gusto ko po magpasalamat sa inyong lahat nung mga panahon na kinailangan ko po magpahinga, inintindi niyo po ako. At mas lalo po akong nagpapasalamat dahil nung muli po akong bumalik, napakainit po ng pagtanggap niyo sa akin. Kaya habang-buhay po akong magpapasalamt sa inyo for that. Thank you for letting me enjoy motherhood. Maraming-maraming salamat po."

Nag-post din ang mister ni Mariel na si Robin Padilla ng pagpupugay sa mga nanay:

"Maligayang kaarawan ng mga Ina! The best of all Days is Mothers day because without the Mothers hehehhehehe we will not exist. Ang mga Ina ang partner ng Dios sa pagdadala sa bata ng siyam na buwan at sila rin ang tatanggap ng lahat ng sakit sa panganganak kayat mahigpit na ibinilin ng tagapaglikha ang pag ibig at pag aaruga sa INA ay higit ng 4 na beses sa AMA sabi nga sa Islam. Paradise is at your mothers feet Allah hu akbar! "

 

Source: ABS-CBN Entertainment, Mariel Padilla

Basahin: Mariel Rodriguez Padilla says "goodbye to postpartum depression"

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner