Mariel Padilla, nagpahayag ng reaksyon sa viral photo ni Robin Padilla na may kasamang mga babae

Mariel Padilla, nagpahayag ng reaksyon sa viral photo ni Robin Padilla na may kasamang mga babae

Mariel Padilla tinawag na mababaw ang isyu tungkol sa fan na nakunan ng litratong nakakandong sa asawang si Robin Padilla.

Mariel Padilla pinakita ang suporta at pagtitiwala sa mister na si Robin Padilla sa kabila ng mga isyung kumakalat sa social media.

Mariel Padilla: “Ang babaw nun. Our love is so much stronger than that.”

Ito ang naging sagot ni Mariel Padilla sa isang fan na nagtanong kung okay lang ba sa kaniya ang mga viral photos ng isang fan na nakakandong kay Robin Padilla.

Mariel Padilla answers a fan

Image screenshot from Mariel Padilla’s Instagram account

Ilang araw bago ang midterm elections ay kumalat ang ilang larawan ni Robin Padilla kasama ang dalawang babae sa social media. Ito raw ay mga fans ng aktor na talaga namang nawili sa presensiya niya.

Sa litratong naging viral sa social media ay makikita ang isang babaeng fan na halos pahiga ng nakakandong kay Robin Padilla habang nakaangkla naman ang kamay ng aktor sa bewang niya. Samantalang, ang isang fan naman ay nakapeace sign habang nakaangkla ang braso kay Robin Padilla.

Sa iba pang kuhang larawan ay makikita ang ilang selfie shots ng babaeng fan kasama si Robin na tinawag niyang bebe love.

Umani naman ito ng negatibong komento sa mga netizens na kung saan ang iba ay sinabing dapat alam ng fan ang limitasyon niya at ni Robin bilang may asawa.

Isang fan naman ang nagpadala ng mga larawan sa Instagram account ni Mariel para malaman nito umano ang pinagagawa ng asawa niya at nasabing fan. Ngunit hindi ito pinansin ni Mariel.

Mariel Padilla nagsalita tungkol sa fan na kumandong sa asawang si Robin Padilla

Image screenshot from Facebook

Robin Padilla bilang mabuting asawa

Sa pinakabagong Instagram post ni Mariel ay pinabatid nito ang kaniyang pasasalamat at pagmamahal sa asawa.

Sa naturang post ay makikita si Robin na binoblow-dry ang buhok ni Mariel. Ayon kay Mariel, ayaw ni Robin na natutulog siya na basa ang buhok kaya naman binolow-dry niya ito para sa kaniya.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Photo was taken after our dinner in Malacañang… i never sleep with products on my hair… so i showered and was about to sleep. He doesn’t like that… me sleeping with wet hair so he dried it for me. He is sweet like that. Even when i go to work he asks me if i have a towel on my back (everyday yun ah) so my shirt doesn’t get wet and I don’t get sick. He is caring like that. On random days he sends me food while i am at work. He is thoughtful like that. When he saw that i would bring the whole barangay when Isabella and i would travel he bought her a new van. He is generous like that. If I don’t say it enough… i want to say it out here how much we appreciate you and all that you do for us. The truth is i am blessed because i know you will support us but you allow me to work because you know it’s part of me being me so you allow me to be me. Most of the time i am so busy with Isabella that i barely have any time for us. I miss us too. I want to congratulate you for the hard work you did during the last few months and you did it honorably. We are so proud of that… we are so proud of you! To my King 👑 i love you @robinhoodpadilla 💋

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla) on

Dagdag pa ni Mariel, araw-araw din daw siyang pinapaalalahanan ng asawa kung may dala siyang towel sa tuwing papasok sa trabaho. Para daw hindi siya matuyuan ng pawis sa likod at hindi magkasakit.

Nagpapadala rin daw ito ng pagkain sa trabaho niya.

Pinuri rin ni Mariel ang pagiging galante ni Robin dahil binilhan siya nito ng bagong van na magagamit niya kapag bumabyahe kasama ang kaniyang anak na si Isabella.

At higit sa lahat nagpasasalamat si Mariel na hinayaan siya nitong magtrabaho ulit at gawin ang gusto niya.

Sa parehong Instagram post din na ito nag-komento ang isang fan tungkol sa reaksyon ni Mariel sa mga viral photos ni Robin at kaniyang dalawang babaeng fans. Agad naman sumagot si Mariel na may buong pusong pagtitiwala sa pagmamahalan nilang mag-asawa.

Kaya naman para kay Mariel ang maliliit na isyu gaya nito ay hindi makakaapekto sa pagsasama nila.

 

Source: PEP

Basahin: Mariel Padilla, buntis sa pangalawang anak

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner