Ibinahagi ng aktres na si Mariel Rodriguez-Padilla sa isang interview sa YouTube channel ni Ogie Diaz ang iba’t ibang experiences niya sa pagdagdag ng kanyang timbang.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Mariel Rodriguez-Padilla naglabas ng sama ng loob
- Mga dahilan kung bakit tumataba ang isang tao
Mariel Rodriguez-Padilla naglabas ng sama ng loob
Sa YouTube video na pinamagatang,”Bakit nga ba ‘lumaki’ si Mariel Rodriguez”, ibinahagi ng aktres kasama ang showbiz columnist na si Ogie Diaz ang mga karanasan niya sa paglaki ng kanyang timbang. Sinagot niya ang mga komentong lumalaki raw ang hubog ng kanyang katawan.
“Syempre may pakialam ako kasi tao ako, masakit. Pero kaya lang hindi ko naman sila masisisi dahil totoo.”
Ayon kay Mariel Rodriguez-Padilla, wala pa rin daw kasi siya sa phase kung saan naroon ang motivation niya magpapapayat. Noon daw ay may drive siyang magpapapayat dahil alam niyang babalik at babalik siya sa showbiz.
“Eh, right now nasa bahay lang ako, eh. Akala ng anak ko kutson ako.”
Madalas daw nakapatong ang kanyang mga anak sa kanya sa tuwing nanonood ng telebisyon o kung ano man ang gawin. Sarap na sarap daw ang kanyang mga anak sa pagpapahinga tuwing siya’y kasama.
Para rin sa kanya, bilang ina ay nai-enjoy niya ang mga light moment kasama ang kanyang tsikiting. Mami-miss niya raw ang mga eksenang ganito kung sakaling lumaki na ang kanyang mga anak.
“Nandidiri na sila sa akin, ikakahiya na nila ako, ‘di ba, ganu’n sila?”
Sinusulit niya raw ang mga ganitong bonding niya sa mga anak dahil balang araw ay baka mandiri o kaya ay ikahiya na nila kung sakaling gawin niya muli ito sa kanila pagtanda.
Tinanong din si Mariel Rodriguez-Padilla hinggil sa mga malalang bashing na natanggap niya dahil sa paglaki ng kanyang timbang. Ayon sa aktres hindi niya na raw maalala ang iba dito. Pero aniya, minsan daw ay nasasagot niya ang mga basher.
“Depende sa topak ko, minsan sinasagot ko, minsan hindi,” sagot niya nang tanungin kung pinapatulan niya ba ang mga ito.
Isa raw sa pinaka kinaiinisan niyang komento na natandaan niya ay ang mga nagsasabing, “Papalitan ka ni Robin kasi mataba ka.”
Sabi niya kahit kailan daw ay hindi nagreklamo ang kanyang asawa na si Robin Padilla. Nagugulat na lang daw ang mister na kaya niyang kumain nang marami.
Dagdag din ng aktres, madali raw talagang tumaba ang pamilya nila.
“Ako uminom lang ako ng tubig, bukas balloon na naman ako. 5 days akong hindi kumakain, walang nangyayari.”
Kinumpara niya rin kanyang genes sa asawa na kahit kumain nang kumain ay hindi tumataba dahil nasa pamilya rin nila ang gantong hubog ng katawan.
Minsan na ring ibinahagi ni Mariel Padilla sa kanyang YouTube channel ang kanyang weight-gain experience maging ang body-shaming na kanyang natatanggap mula nang manganak.
BASAHIN:
Joyce Pring on weight gain: “I have days when I feel insecure… But I’m embracing the change”
Plus-Size pregnant mom reveals how she gets brutally trolled for her weight
Mga dahilan kung bakit tumataba ang isang tao
Laganap pa rin ang kaisipan na ang pagtaas ng timbang ay dala ng labis na pagkain o kaya ay katamaran sa pag-eehersisyo. Dahil dito, maraming pa rin ang nangbobody-shame ng mga taong may matatabang hubog ng katawan. Sila ang karaniwang biktima ng bullying.
Para magkaroon ng kaalaman sa mga dahilan kung bakit nga ba lumalaki ang timbang ng tao, inilista namin ang ilan sa mga ito.
- Maaaring nasa genes ng kanilang pamilya ang ganitong hubog ng katawan.
- Karamihan sa afford na kainin ay mga pagkaing may preservatives o ang mga processed food.
- Pagkakaroon ng addiction sa pagkain lalo sa mga sugar-sweetened at high-fat junk foods.
- Biktima nga kapitalismo kung saan mina-market ang mga pagkain bilang healthy food pero ito talaga ay may epekto sa timbang ng tao.
- Nasa ilalim ng gamutan kung saan ang mga gamot ay mayroong side effect na nakadadagdag ng timbang.
- Hindi nagwowork nang tama ang “leptin” hormones na nagsasabi siya isipan kung gaano lamang kataas dapat ang iniistore na fats ng katawan.
- Biktima ng maraming misinformation o maling kaalaman hinggil sa health at nutrition.