Maris Racal at Anthony Jennings, na-reveal na may espesyal na pagtitinginan. Ang revelation ginawa ng ex ni Anthony na si Jam Villanueva sa pamamagitan ng series of Instagram stories.
Mababasa dito ang sumusunod:
Maris Racal at Anthony Jennings, may karapatan bang kasuhan si Jam Villanueva?
Larawan mula sa Facebook
Ito ang tanong ng maraming Pilipino ngayon matapos ang naging pagsiwalat diumano ng katotohanan sa paghihiwalay nina Maris Racal at Rico Blanco. Ganoon rin sa break-up nina Anthony Jennings at girlfriend niyang si Jam Villanueva na nag-reveal sa real score sa pagitan ni Maris at Anthony. Ito ay naganap nitong December 3 sa pamamagitan ng series of Instagram stories ni Jam.
Base sa IG stories ni Jam na may kaakibat na larawan ng mga conversations nina Maris at Anthony, ang dalawa ay may espesyal na pagtitinginan na bago pa man mag-break si Rico at Maris nitong Hulyo. Makikita pa sa kanilang conversations na may nangyari ng something intimate sa dalawa.
Ang mga netizens hati ang nararamdaman sa revelations na ito. Dahil sa mga kumakalat na larawan ng private conversations nina Maris at Anthony, ang tanong ng karamihan ay may karapatan ba ang aktor at aktres na kasuhan si Jam Villanueva? Narito ang reaksyon ng ilang abogado ukol sa isyu.
Reaksyon at rekomendasyon ng mga abogado ukol sa isyu
Larawan mula sa Shutterstock
Ayon kay Atty. Chel Diokno, ang pagpost ng mga private conversations na walang pahintulot sa mga taong sangkot dito ay labag sa Data Privacy Act. Lalo na kung ito ay sa pamamagitan ng screenshots na makikita ang pangalan at larawan ng taong involved.
“Sa Data Privacy Act sinisiguro na ang private information natin magagamit lang ng iba kung may pahintulot tayo o kung naayon ito sa batas. Sakop nito ang lahat ng info na magagamit para matukoy ang identity natin. Ito ay ayon sa National Privacy Commission. Ibig sabihin nito kung kita sa screenshot ang pangalan, picture o iba pang personal info at kinalat sa iba ng walang pahintulot ay puwede itong ituring na unauthorized processing na ipinagbabawal ng batas.”
“Ang parusa imprisonment mula sa 1-3 yeats at multa na P500,000-P2,000,000. Kung may sensitive personal informaion, imprisonment mula 3-6 na taon at multa na P500,000 – P4,000,000. Puwede ring singilin para sa danyos kung may pinsalang nadulot sa biktima dahil sa pag-post. Kung may paninira pa sa reputasyon at puwede pa yang ituring na Cyber Libel.”
Ito ang paliwanag ni Atty. Diokno.
Pero para sa sitwasyon nina Maris at Anthony, paliwanag naman ni Atty. Anselmo Rodiel ay mas may karapatang magreklamo si Jam Villanueva. Sa katunayan ay puwede pa nga daw magamit nito ang mga larawan sa private conversation nina Maris at Anthony para makasuhan ang mga ito.
“Depende sa purpose kung magkakaroon ng liability o walang liability. Ang sabi ng Supreme Court kung gagamitin ang isang screenshot o picture ng cellphone para sa prosecution o imbestigasyon ng isang krimen hindi po yan violation ng right of privacy. Wala pong krimen sa Data Privacy Act.”
Ito ang bungad na paliwanag ni Atty. Rodiel na sinabing ang ginawang panloloko ay maaring maituring na paglabag sa VAWC o Anti-Violence Against Women and their Children Act. Ang ginawang panloloko o infidelity ay isang uri ng psychological violence.
Larawan mula sa Shutterstock
“Ang VAWC po hindi limited sa mag-asawa. Pupuwede po ang magjowa o boyfriend o girlfriend. Puwedeng mag-file si girlfriend.”
“Kung ang dahilan ng girlfriend ay para magfile ng VAWC, wala pong liability kasi gagamitin nga po yung pictures and screenshot para makapag-file ng kaso laban sa boyfriend na nagdulot ng phycplogical violence kasi nga niloko siya. Nakafeel siya o naka-experiencsiya ng mental o emotional anguish dahil sa panlolokong ito.”
Ito ang paliwanag pa ni Atty. Rodiel.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!