Marjorie Barretto proud sa achievement ng only son niyang Leon sa school.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Marjorie Barretto on son Leon’s school achievement.
- Relasyon ni Leon sa amang si Dennis Padilla.
Marjorie Barretto on son Leon’s school achievement
Sa Instagram ay ibinahagi ng celebrity mom na si Marjorie Barretto ang kasiyahan niya sa achievement ng only son niyang si Leon sa eskwelahan. Si Leon nakabilang sa dean’s list at president’s list ng school na kaniyang pinapasukan.
Kuwento ni Marjorie, nang iaabot nga daw ng anak na si Leon ang mga certificates of recognition niya ay nabigla at labis daw na natuwa ang celebrity mom.
Larawan mula sa Instagram account ni Marjorie Barretto
“My son Leon comes home from school and casually gives me an envelope, opened it and found 2 certificates of recognition. President’s List and Dean’s List. And just like that my Mommy heart is full, proud and refreshed! Thank you, Leon for being a good son. For making everything worth it. We love you.❤️Thank you Lord🙏🏻.”
Ito ang caption ng Instagram post ni Marjorie na kung saan tampok ang larawan nila ng anak na si Leon at mga certificates nitong natanggap.
View this post on Instagram
Si Leon ay ang nag-iisang anak na lalaki nila Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Nitong Abril ay nagdiwang si Leon ng kaniyang 20th birthday.
Relasyon ni Leon sa amang si Dennis Padilla
Noong nakaraang taon ay umagaw ng pansin ang isa sa mga Instagram post ni Leon tungkol sa ama niyang si Dennis Padilla. Doon ay inilabas niya ang hinanakit sa ama na isinasapubliko daw ang isyu ng kanilang pamilya.
“For the past 10 years, we have been trying so hard to slowly rebuild the bridge you continuously burn every time you talk about our private matters in your press cons, interviews, and social media.”
Ito ang bahagi ng post noon ni Leon.
Larawan mula sa Instagram account ni Marjorie Barretto
Sa mga sumunod na buwan, sa isang panayam ay ibinahagi naman ni Leon na gusto niya rin naming maayos ang relasyon nila ng ama. Ito rin daw ay magaganap sa tamang oras paniniwala niya.
“For me naman, I also miss my Dad but time heals all wounds. At the end of the day, ang importante lang talaga is when we reunite peacefully na. God’s perfect timing but I’m really open to reconciliation and peace with my father.”
Ito ang sabi pa noon ni Leon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!