Mark Leviste proud at masaya sa relasyon nila ni Kris Aquino: "Masarap magmahal si Kris.”

Si Mark matagal rin palang nilagaw-ligawan si Kris para lang makipag-date sa kaniya pero hindi nabigyan ng pagkakataon noon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Mark Leviste, crush na crush niya si Kris at matagal niya ng nililigaw-lagawan. Kaya ng magkaroon siya ng pagkakataon na maiparamdam dito ang pagmamahal niya, hindi na siya nagdalawang-isip pa.

Mark Leviste ikinuwento kung paano nagsimula ang love story nila ni Kris Aquino. Ayon kay Mark, matagal niya ng crush ang aktres at TV host.

Mababasa dito ang sumusunod:

Mark Leviste and Kris Aquino love story

Larawan mula sa Facebook account ni Mark Leviste

Crush na crush na daw talaga noong una palang ni Batangas Vice Governor Mark Leviste si Kris Aquino. Ito ang pagkukuwento niya sa isang panayam kung paano nagsimula ang love story nila ni Kris. Ayon pa sa kaniya, una niyang nakilala at nakita sa personal si Kris sa programang “Deal or No Deal”. Ito rin ang unang pagkakataon na nahalikan niya ito.

“The first time we met, I became a contestant sa 'Deal or No Deal.' Doon sa palabas na 'yon, nanalo ko ng piso. At sabi ng mga producers, ako lang daw ang naglakas ng loob na humalik sa kanya, na beso-beso nung tinawag ang pangalan ko.”

“Hindi ko maitanggi nung tinanong ako kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para humalik kay Kris Aquino. Sabi ko hindi ko na mapigilan ang sarili ko dahil crush na crush ko si Miss Kris.”

Ito ang masayang pagbabahagi ni Mark.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Mark Leviste

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Estado ng relasyon ni Mark at Kris

Larawan mula sa Facebook account ni Mark Leviste

Matagal rin daw niligaw-ligawan ni Leviste si Kris na lumabas sila at mag-date. Pero hindi ito nagkaroon ng pagkakataon noon. Hanggang sa nitong Enero ngayong taon na nasa Amerika na si Kris at nagpapagamot.

“I visited Kris last January 1 in LA and I texted her days before New Year. I said I'm in town, can I visit you? Lo and behold, she replied and allowed me to go to her place. And the rest, as they say, is history.”

Ito ang pagkukuwento pa ni Leviste.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon, masaya si Leviste na maayos ang relasyon nila ni Kris na walong buwan na ngayong Agosto. Masaya rin daw siya na makitang magkakasundo ang mga anak nila ni Kris. Sabi pa ng Vice-Governor, masarap daw magmahal si Kris kaya naman mas lalo siyang napapaibig dito.