4-buwang-gulang na inuubo, ipinamasahe imbis na bigyan ng gamot ng duktor

Dahil sa masyadong pang bata ang edad ng isang sanggol, imbis na bigyan ng gamot o injection, doktor ipinayong ipamasahe nalang ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Masahe para sa sanggol, ligtas ba ito para sa kanila?

Baby nasawi dahil sa masahe para sa sanggol

“Apat na buwang gulang palang ang anak ko. Dinala ko lang siya sa ospital dahil sa ubo, ngayon wala na siya”, ito ang hinagpis ng isang ina mula sa Xi An, China.

Ang anak niya nasawi umano dahil sa masahe para sa sanggol na isinagawa noong Nov 30, ayon sa report ng Hua Shang Daily.

Nag-aalala dahil may ubo ang anak nila, dinala agad ng isang mag-asawa ang kanilang sanggol sa doktor para maipacheck-up.

Nang makita ng doctor na wala namang seryosong sakit ang sanggol at napaka-bata pa ng edad nito ay imbis na bigyan ng gamot at injection ay ipinayo nito na dalhin ang sanggol sa isang Chinese doctor para sa isang massage therapy session o tui na sa kanilang salita.

“Sa puntong iyon ay napaisip na ako kung tama at ligtas ba ang masahe para sa sanggol na apat na buwang gulang palang. Pero wala na akong nagawa dahil ipinayo naman ng doctor ay sinunod nalang naming mag-asawa”, ito ang pahayag ng ina ng sanggol sa isang panayam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matapos ang masahe, napansin ng mga magulang ng sanggol na tila nakatulog ang anak nila. Huli na ng mapansin nilang may dapat pala silang ipag-alala.

“Noong hinuhubaran namin siya para bihisan, doon lang namin napansin na bumubula na ang bibig at ilong niya. At mayroon iyong mga bahid ng dugo”, pag-alala ng ina. “Wala narin siyang malay, kaya agad kaming tumawag ng ambulansiya para dalhin siya sa ospital.”

Ito ang pagkukwento ng ina sa nangyari sa anak niya.

Sanhi ng pagkamatay: Multiple organ failure

Ayon sa ospital na pinagdalhan sa sanggol, nakitaan nila ito ng dugo sa kaniyang nasal cavity at noon ay hindi na ito humihinga at wala ng heartbeat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bagamat na-resuscitate ang sanggol, nahirapan parin itong huminga ng mag-isa. Kaya naman siya ay inilagay sa ICU para ma-obserbahan bandang 4:30 ng parehong araw na iyon. Pero hindi parin nito nailigtas ang buhay ng sanggol at tuluyan rin itong nasawi.

Base sa death certificate ng sanggol ang nagging sanhi ng pagkamatay niya ay multiple organ failure.

Ang death certificate ng sanggol. PHOTO: Weibo/Hua Shang Daily

Sagot ng ospital na pinagdalhan sa sanggol

Ayon sa mga magulang ng sanggol magpahanggang ngayon ay hindi parin sila kinokontak ng Community Health Service Center. Ito ay tungkol sa nangyari sa kanilang anak. Kahit na ba ang mga ito ay nangako ng sagot ng alas-diyes ng umaga noong Disyembre 3.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mabuti nalang at nitong Disyembre 4 ay nagawan nila ng paraan na makausap ang direktor ng ospital sa tulong narin ng isang witness mula sa District Health Bureau.

Ayon sa direktor ng ospital, lahat ng kanilang staff ay certified professionals. Ngunit magsasagawa parin sila ng autopsy at imbestigasyon para matukoy ang naging dahilan ng pagkasawi ng sanggol.

Para malaman din ang dahilan at tunay na nangyari sa anak ay walang nagawa ang mag-asawa kung hindi sumang-ayon nalang sa pahayag ng direktor ng ospital.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isang pahayag ito naman ang sinabi ng spokesperson ng District Health Bureau ng Xi An China: “Sa ngayon ay hihintayin natin ang resulta ng imbestigasyon. At sa paglabas ng resulta ay gagawin natin ang tamang hakbang na naaayon sa procedure ng major medical disputes. At kung sakali namang gustong dalhin ng pamilya ng sanggol ang kaso sa korte ay maari nila itong gawin.”

Ang artikulong ito ay unang nailathala sa Asiaone at na-irepublished sa theAsianparent na may pahintulot.

Ang artikulong ito ay unang nailathala sa  AsiaOne at nai-republished sa theAsianparent na may pahintulot.

Isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.

Basahin: #AskDok: Puwede bang magpahilot o magpamasahe ang buntis?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Asia One