5. Pagkakaroon ng gallbladder stones
Ang pananakit ng right abdominal area ay maaari ring indkasyon ng pagkakaroon ng gallbladder stone. Kadalasang nagsisimula ang pananakit nito sa kanang bahagi ng tiyan. Maaaring tumagal ang sakit ng ilang minuto o oras.
Maaari rin itong maramdaman sa bandang likod sa kaliwang bahagi. Hindi ito kumportableng pakiramdaman. Ilan sa mga sintomas nito ay ang mga sumusunod:
- walang ganang kumain
- pagkahilo
- pagsusuka
- maaari ring makaranas ng lagnat
- pagkakaroon ng yellow skin at mata
6. Mayroon acute hepatitis
Ang masakit na kanan na tagiliran partikular sa bandang taas ay isa sa mga karaniwang sintomas ng hepatitis. Ang Hepatitis ay isang sakit kung saan ang liver ay namamaga na maaaring sanhi ng bacterial o viral infection, alcoholism, at mga iniinom na gamot. Dagdag pa ang mga auto-immune disorder o degenerative disease.
Maaaring rin makaranas ng pagsusuka, walang ganang kumain, pananakit ng ulo, maitim na ihi, at pagkahilo kapag mayroon nito.
Kailan dapat magpatingin sa doktor?
Ang labis na pananakit ng tagiliran mapa-kanan man o kaliwa ay dapat bigyan ng pansin, lalo na kung matagal mo na itong nararanasan o kaya naman pabalik-balik ito.
Agad din magpakonsulta sa doktor kung ang pananakit ng tiyan ay may iba pang kasabay na sintomas katulad ng mga nabanggit kanina. Tandaan mahalaga ang ating kalusugan, at kadalasan ang mga sakit na ito ay maiiwasan kung tayo ay kakain ng mga masusutansiyang pagkain at balanse ang pagkain natin.
Natural na lunas para sa masakit na tagiliran
Disclaimer: Ang mga sumusunod na tips at lunas ay mga pangkalahatang gabay lamang. Mahalaga pa rin na kumonsulta sa isang doktor o healthcare professional para sa personalized na medikal na payo, lalo na kung ang sakit ay patuloy o lumalala.
Narito ang ilang natural at alternatibong paraan upang maibsan ang sakit sa tagiliran:
- Herbal Medicine
- Turmeric (Luyang Dilaw): May curcumin na tumutulong sa pagbabawas ng pamamaga at sakit sa katawan.
- Ginger (Luya): Nakakatulong sa pagpapaluwag ng mga kalamnan at nagpapabuti ng digestion.
- Massage Therapy
- Ang malumanay na masahe ay nakakatulong upang ma-relax ang mga kalamnan sa tagiliran at mapabuti ang daloy ng dugo.
- Regular na masahe ay makakatulong sa pag-iwas sa pananakit sa mga susunod na pagkakataon.
- Acupuncture
- Isang alternatibong therapy kung saan maliliit na karayom ang ipinasok sa mga partikular na puntos ng katawan upang maibsan ang sakit at mapabuti ang enerhiya ng katawan.
Pag-iwas sa masakit na tagiliran
Upang maiwasan ang pag-ulit ng sakit sa tagiliran, narito ang ilang tips:
- Tamang Diyeta
- Kumain ng mga pagkaing mayaman sa fiber at antioxidants, tulad ng prutas, gulay, at whole grains. Nakakatulong ito sa kalusugan ng katawan at panunaw.
- Regular na Ehersisyo
- Mag-ehersisyo ng regular tulad ng stretching, yoga, o light cardio upang mapanatili ang flexibility at lakas ng katawan.
- Makakatulong ang mga ehersisyo upang mapigilan ang pananakit ng kalamnan at mga joint.
- Tamang Postura
- Panatilihin ang tamang postura, lalo na kapag nakaupo o nagtatrabaho, upang maiwasan ang strain sa tagiliran at likod.
Ang mga natural na lunas at tamang pangangalaga ay makakatulong sa pag-iwas at pagpapagaan ng sakit sa tagiliran.