7 remedyo sa masakit na tyan
Isa sa mga karaniwang sakit na nakukuha ng tao ay sakit sa tyan. Maraming maaaring maging sanhi nito ngunit kadalasan ay hindi malubha at kusa ring nawawala. Ito ang ilan sa mga remedyo sa masakit na tyan na maaaring gawin sa bahay.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
7 remedyo sa masakit na tyan
1. Pag-inom ng bitters at soda
Ang mga cocktail bitters ay karaniwang ginagamit upang magbigay ng lasa sa mga cocktail. Ngunit, marami na ang sumubok at nangako na maaari itong gamitin bilang remedyo sa masakit na tyan. Kailangan lamang ng lima hanggang anim na patak nito sa isang baso ng tonic, club soda o salabat.
Karaniwan sa mga cocktail bitter ay may halong mga damo tulad ng kanela, fennel, mint at luya. Ang mga sangkap na ito ang nakakatulong upang maibsan ang sakit na nararamdaman.
2. Iba’t ibang pagkonsumo ng luya
Simula pa nung unang panahon, ang luya ay ginagamit na bilang gamot sa sakit o pagkahilo. Ayon sa mga pagaaral, ang luya ay magandang gamot sa ilang mga sakit sa tyan dahil ito ay natural na pampawala ng maga.
Ang iba’t ibang paraan ng pagkain ng luya ay nakikitang epektibong remedyo sa masakit na tyan. Maging mga nginunguya o gamot man, o kaya naman ay sa paggawa ng inumin mula sa luya. Isa sa mga ito ay ang pag-inom ng salabat.
3. Paggawa ng chamomile tea
Ang isang tasa ng chamomile tea ay mabisang pampawala ng sakit sa tyan. Ito ay dahil ang chamomile ay isang natural na anti-inflammatory. Natutulungan nito mag-relax ang mga muscles na makakatulong sa pagpapawala ng sakit na dulot ng spasms sa tyan.
4. BRAT diet
Ang BRAT diet ay binubuo ng bananas, rice, applesauce at toast. Kadalasan itong ginagamit ng mga magulang kapag masakit ang tyan ng mga batang anak. Nakaka-tulong din ito sa pagkahilo at diarrhea.
Ang BRAT diet ay binubuo ng mga pagkain na mababa ang bilang ng fiber ngunit kinikilalang high-binding. Wala itong halong mga asin o pampalasa upang maiwasan ang lalong paglala ng mga sintomas. Ngunit, nais ipaalala ng mga eksperto na walang sapat na sustansyang nakukuha sa mga pagkain na ito.
5. Peppermint
Ang paggamit ng peppermint ay kinikilala bilang magandang paraan upang mawala ang pagkahilo o masakit na tyan. Nakakatulong ito dahil ang menthol sa mga halaman nito ay natural na analgesic o pain reliever.
Mga maaaring gawin:
- Gumawa ng tsaa mula sa peppermint o spearmint
- Pag-amoy sa peppermint extract
- Pagsipsip sa menthol na candy
- Pagnguya sa mga halaman ng peppermint
6. Isang kutsara ng apple cider vinegar
Ang mga asido sa apple cider vinegar ay maaaring makapigil sa pagkalunaw ng almerol. Nagagawa nitong paabutin ang almerol sa bituka na nakakatulong sa kalusugan ng tyan.
Marami ang nangangako na epektibo ang paginom ng isang kutsara ng apple cider vinegar pampawala ng sakit ng tyan. Ang iba pa nga ay araw-araw itong ginagawa upang makasigurado sa kalusugan ng mga bituka. Ngunit, marami rin ang nahihirapan gawin ito dahil sa lakas ng amoy at lasa.
Dahil dito, maaari rin ihalo ang isang kutsara ng apple cider vinegar sa isang baso ng tubig at isang kutsarita ng pulot. Higupin ito ng dahan-dahan upang hindi mabigla.
7. Pagpapa-init ng tyan
Ang init na malalagay sa tyan ay makakatulong upang matanggal ang sintomas na nararamdaman. Ang init ay makakapag-distract sa sakit at makakatulong upang i-relax ang mga muscles. Iwasan lamang na tumagal ito nang sobra upang hindi mapinsala ang balat.
Maaaring gumamit ng heating pad, electric blanket o kaya naman ay bote na may mainit na tubig.
Source: Healthline
Photo: Freepik