STUDY: Pag-inom ng kape ng buntis, maaaring makaapekto sa unborn child

Masamang epekto ng kape sa buntis: Ayon sa pag-aaral, maaaring magdulot ito ng miscarriage, stillbirth at childhood obesity. | Lead image from Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Masamang epekto ng kape sa buntis, ano nga ba ito at paano makakaapekto sa isang unborn child?

STUDY: Pag-inom ng kape ng buntis, maaaring makaapekto sa unborn child

Ayon sa mga eksperto, ang pag-inom ng 200mg ng caffeine o dalawang baso ng kape sa isang araw ay hindi naman delikado. Ngunit hindi pa rin nirerekomenda ang pag-inom ng kape o tea sa mga buntis. Lahat rin ng uri ng caffeine consumption ay hindi inaabiso para sa kanila.

STUDY: Pag-inom ng kape ng buntis, maaaring makaapekto sa unborn child | Image from Freepik

Bukod rito, maaaring maglagay lang sa alanganin ang pagbubuntis ni mommy dahil sa pag-inom ng mga pinagbabawal na ito. Makakapagpataas ito ng miscarriage at stillbirth para sa isang pregnant mom. Kung ipapagpatuloy ang pag-inom ng kape o tea, pwedeng maging mababa ang timbang ng bata kapag ito ay lumabas na.

Mataas rin ang risk factor sa leukaemia at childhood obesity ng bata.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng isang propesor na si Jack James ng Reykjavik University sa bansang Iceland, napag-alaman na nakakapagpataas ng harm risk ang pag-inom ng caffeine. Mula ito sa 48 studies sa nakalipas na dalawang dekada. Ang pag-inom ng dalawang tasang kape sa isang araw ay mayroong 28% chance na magkaroon ng miscarriage at 38% naman ng stillbirth.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“The cumulative scientific evidence supports advice to pregnant women and women contemplating pregnancy to avoid caffeine.”

Bukod sa masamang epekto ng kape sa buntis, delikado ring maituturing ang paninigarilyo ng isang babae habang ito ay nagdadalang tao.

STUDY: Pag-inom ng kape ng buntis, maaaring makaapekto sa unborn child | Image from Freepik

Food that causes miscarriage

Narito ang mga pagkaing maaaring magdulot ng pagkakunan:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Kape at iba pang caffeinated drinks

May ibang doctor na nagsasabing okay lang na uminom ng black coffee, tea at soft drink ang isang buntis. Ngunit tandaan, ito ay hindi pwede sa lahat. Kung ang iyong pagbubuntis ay sensitive, mas makakabuti kung iwasan mo muna ang mga caffeinated drinks.

Kung ang iyong doctor naman ay binigyan ang approval na uminom ng kape o tea sa isang araw, laging isaisip lamang na ang caffeine ay diuretic. Ibig sabihin ay madaling makapagpalabas ng fluid sa iyong katawan. Kaya mas mabuting uminom ng maraming tubig para na rin mapunan nito ang mga fluid na nilababas dahil sa caffeine.

2. Madumi at hindi hugas na pagkain

Ugaliing hugasan ang mga pagkaing ihahain. O kaya naman lutuin ito ng mabuti. Hindi ito namamalayan ng lahat ngunit may masamang epekto din sa pagbubuntis ng isang babae ang hindi hugas o hundi lutong pagkain.

3. Raw food

Kung nakasanayan mo na ang pagkain ng hilaw na pagkain katulad ng sushi, mas mabuting itigil mo muna ito ngayong nagbubuntis ka. Ang pagkain rin ng sashimi o medium rare na karne ay sagana sa bacteria at toxins na maaaring makuha ng iyong baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mabuti kung itigil muna ang pagkain nito para maiwasan ang makunan.

STUDY: Pag-inom ng kape ng buntis, maaaring makaapekto sa unborn child | Image from Unsplash

4. Raw egg

Maraming pagkain ang kalahok ay hilaw na itlog. Ngunit alam mo ba na ito ay maaaring sanhi ng salmonella? Ang mga sintomas nito ay pananakit ng tyan at pagtatae. Kapag nakaramdam ka na parang may iba sa tyan mo, hindi maaalis sa isang buntis ang makaramdam ng stress o pagkabahala.

Iwasan na ang hilaw na itlog na maaaring makapagdulot ng salmonella.

5. Isda na may mataas na mercury content

May benefits sa isang buntis ang pagkain ng isda. Maaari kasi itong matulungan ang isip ng iyong bata lalo na kung ito ay may omega-3 na sangkap. Ngunit hindi maitatanggi na may mataas na mercury ang content ang isda na makakasama sa isang pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa Mayo Clinic, ang partikular na isda ang dapat iwasan ay ang mga malalaking isda, king mackarel o tile fish.

 

Source:

The Sun

BASAHIN:

Ito ang epekto kapag nilalagyan mo ng asukal ang pagkain ni baby

6 na pagkain at inumin na maaaring maging dahilan ng pagkalaglag

Ano ang mga sintomas ng high blood sa buntis at paano ito maiiwasan?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Mach Marciano