20 meryenda sa tag-init na healthy at siguradong mai-enjoy ng buong family

Sa pamamagitan ng mga healthy at refreshing na pagkain, siguradong masisiyahan ang mga bata sa kanilang masarap na meryenda sa tag-init habang nananatiling masigla at malusog!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Masarap na meryenda sa tag init, narito ang mga healthy snacks and recipes na siguradong mai-enjoy ng iyong mga anak.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Prutas at gulay-based snacks.
  • Refreshing at hydrating snacks.
  • Protein-packed snacks.
  • Whole grain & energy-boosting snacks.

Tag-init na naman! Sa ganitong panahon ang hanap ng marami sa atin ay ang malalamig na pagkain. Pero karamihan ng readily available na malalamig na pagkain ay maituturing na hindi healthy at sobrang matamis.  Kaya naman, isang malaking pagsubok para sa ating mga mommies ang ibibigay na desserts sa ating mga anak. Pero worry no more, narito ang ilan sa masarap na meryenda sa tag init na healthy at siguradong mai-enjoy ng hindi lang maliliit na bata, kung hindi pati narin mga matatanda.

Prutas at gulay-based snacks

1. Fresh fruit salad

Paano ihanda: Hiwain ang pakwan, melon, saging, at ubas. Ihalo sa yogurt o honey at palamigin bago ihain.

2. Banana ice cream

Paano ihanda: I-freeze ang saging. I-blend hanggang maging creamy, at lagyan ng peanut butter o cacao powder para sa dagdag na linamnam.

3. Mango float bites

Paano ihanda: I-layer ang mashed mango, Greek yogurt, at durog na graham crackers, pagkatapos ay ilagay sa freezer bago kainin.

4. Avocado popsicles

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano ihanda: Ihalo ang avocado, gatas, at honey. Ilagay sa popsicle molds, at i-freeze nang 4-6 oras.

5. Carrot at cucumber sticks

Paano ihanda: Ihain ang hiniwang carrots at pipino kasama ang yogurt dip na may kaunting lemon at asin.

Refreshing at hydrating snacks

6. Buko juice with chia seeds

Paano ihanda: Ihalo ang fresh buko juice at chia seeds at palamigin bago inumin.

7. Watermelon slush

Paano ihanda: I-blend ang pakwan, lagyan ng lemon juice para sa dagdag na lasa, at i-serve ng malamig.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

8. Homemade yogurt parfait

Paano ihanda: I-layer ang Greek yogurt, granola, at hiniwang prutas sa isang baso, pagkatapos ay palamigin bago kainin.

9. Coconut jelly

Paano ihanda: Pakuluan ang coconut milk na may gulaman powder, ilagay sa mold, at palamigin.

10. Fruit shake (no sugar added)

Paano ihanda: I-blend ang saging, mango, o berries na may gatas o tubig para sa natural na tamis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maliban sa malalamig na options, narito naman ang ilan pang healthy snacks na perfect ipares sa mga ito.

Protein-packed snacks

11. Hard-boiled eggs

Paano ihanda: Pakuluan ang itlog sa loob ng 10 minuto, palamigin, at balatan bago ihain.

12. Cheese sticks

Paano ihanda: Balutin ang keso sa lumpia wrapper at iprito o i-air fry para sa mas malusog na alternatibo.

13. Tuna sandwich

Paano ihanda: Haluin ang canned tuna, mayonnaise, at diced celery, ipalaman sa whole wheat bread kasama ang lettuce.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

14. Chicken o fish nuggets

Paano ihanda: Hiwaing maliit ang chicken o fish, balutin sa harina, itlog, at breadcrumbs, at i-bake o i-air fry.

Whole grain & energy-boosting snacks

15. Oatmeal cookies

Paano ihanda: Pagsamahin ang oats, mashed banana, at honey, ihugis sa cookies, at i-bake sa 180°C sa loob ng 12-15 minuto.

16. Peanut butter and banana wrap

Paano ihanda: I-spread ang peanut butter sa whole wheat tortilla, lagyan ng saging, i-roll, at hiwain sa maliliit na piraso.

17. Granola bars

Paano ihanda: Haluin ang oats, nuts, honey, at peanut butter, ilagay sa tray, at palamigin bago hiwain.

18. Kamote fries

Paano ihanda: Hiwain ang kamote sa strips, budburan ng cinnamon, at i-bake sa 200°C nang 20 minuto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

19. Homemade popcorn

Paano ihanda: Magpainit ng mantika, idagdag ang corn kernels, at hintayin pumutok bago lagyan ng kaunting butter o asin.

20. Banana cue

Paano ihanda: Magpainit ng mantika. I-prito ang hiniwang saging na saba. Lagyan ng dami ng asukal ng depende sa level ng tamis na iyong nais.

Bakit masarap at nutritious ang mga ito?

Ang mga nabanggit na masarap na meryenda sa tag-init ay hindi lang pampalamig kundi puno rin ng nutrisyon. Ang mga prutas at gulay ay mayaman sa vitamins at minerals. Habang ang protein-packed snacks ay nakakatulong sa paglaki at pagpapalakas ng katawan. Ang hydrating snacks naman ay nakakatulong upang maiwasan ang dehydration ngayong mainit ang panahon.