Ang isa sa mga biggest challenges para sa isang magulang ay kung paano palakihin ang mga anak nang may respeto sa mga magulang at mga tao sa paligid nila.
"Kung ano ang ginagawa ng magulang yon ang nagagaya ng anak." Ito ang kadalasang naririnig natin o kaya:
Kung may nagawang masama ang isang bata: "Nagmana ka sa ama mo." Ito ay isang nakakairitang sinasabi ng iba minsan aminin natin.
Kaya naman ako bilang ina ng mga anak ko, Sinisigurado kung hindi matatapos ang isang araw na wala kaming kwentuhan.
Kadalasan nangyayari ito sa oras ng kainan. Mahalaga ang pamilyang sabay- sabay ang pagkain. Dito nailalabas ng mga bata ang mga nangyayari sa school nila, sa mga laro nila at kung ano- ano pa. Nasasabi nila yong mga nararamdaman nila. Magandang pagkakataon ito para malaman mo kung ano yong mga nararamdaman nila.
Dito sila nakakapagsumbong, halimbawa kung may nangbully sa kanila sa school. O kaya kung may nakaaway sila.
Sa oras na ito din nalalaman ko kung ano ang mga kahinaan nilang subject sa school at kung ano ang favorite subject nila.
Mahalaga ang sabay- sabay na pagkain ng bawat pamilya masarap man ang ulam o hindi.
Dahil halos lahat na ng tao ngayon ay busy na ang mga bata bumalik na sa face to face classes at karamihang magulang ay nagtatrabaho din. Mahalagang bigyan natin ng oras ang ating mga anak dahil minsan lang sila maging bata.
Habang bata pa sila sanayin natin silang isabay sa ating lamesa kahit isang beses isang araw. Baon nila itong ala- ala hanggang pagtanda.
Ito rin ang ikukwento nila sa mga magiging anak nila pagdating ng panahon.
Kaysarap sa pakiramdam na ang bawat myembro sa pamilya ay kompleto, masayang nagkukwentuhan at kumakain ng sabay- sabay. Tatak Pilipino!
Bilang magulang alam natin na hindi pare- pareho ang mga bata. Sa mga anak palang natin kilala na natin sila, magkaka- iba ang ugali nila.
Hindi lingid sa kaalaman natin na bawat tao, hindi lang bata ay nagkakamali, walang imperpekto sa mundo. Kaya nga kailangan natin palagi ng "communication" para maipa-alala kung anuman ang nakakalimutan o pagkukulang ng bawat isa.