Ito ang isang ginagawa ng mga masasayang mag-asawa
Ang pagkakaroon ng mga problema sa mga mag-asawa ay hindi naiiwasan. Subalit, ang paraan kung paano harapin ang mga ito ang nagiging basehan ng masayang pagsasama ng mag-asawa. Sa isang bagong pag-aaral, natuklasan ng mga mananaliksik kung ano ang ginagawa ng mga masayang mag-asawa. Alamin ang kanilang paraan ng pagharap sa mga problema.
Bagong pag-aaral tungkol sa masayang pagsasama ng mag-asawa
Sa pag-aaral na nai-publish sa journal na Family Process, inalam ng mga mananaliksik kung paano hinaharap ng mga masasayang mag-asawa ang mga problema sa kanilang relasyon. 3 mga unibersidad ang nagtulong-tulong para maisagawa ang pagsasaliksik.
Ang mga lumahok ay binubuo ng mga mag-asawang nasa kanilang 30’s at mga nasa 70’s. Parepareho ang mga lumahok na nakakapagsabing sila ay nasa masayang pagsasama. Ang mga mag-asawa ay mula 9 na taon hanggang 42 taon nang kasal sa isa’t isa. Sila ay puro heterosexual na mag-asawa, mga edukado at karamihan ay caucasian. Ipinalista sa mga lumahok ang kanilang mga nagiging isyu sa kanilang pagsasama. Matapos nito ay ipinasunod-sunod ito sa kanila mula sa pinakamabigat na problema hanggang sa pinakamagaan.
Pagharap sa problema
Napag-alaman ng mga mananaliksik na ano man ang edad ng mga lumahok o gaano man katagal ang pag-sasama, iisang paraan lamang hinaharap ng mga masasayang mag-asawa ang kanilang mga problema. Kapag sila ay may hinaharap na pagtatalo, ang layunin ng parehong mag-asawa ay humanap ng solusyon. Ayon pa sa manunulat ng pag-aaral na si Amy Rauer, malinaw ito maging sa mga paksa na pinaguusapan.
Ayon kay Rauer, mas binibigyang pansin ng mga mag-asawa ang mga problemang may malinaw na solusyon. Halimbawa dito ay ang paghahati sa mga gawaing bahay. Ang isa sa kanila ay maaaring mas maraming gawin upang maging pantay ang paghati ng trabaho. Sa pagtutok sa sagot sa isang problema, mas nagiging masaya ang mga mag-asawa.
Kailangang harapin
Subalit, pagdating sa mga mabibigat na issue, bihira itong pag-usapan ng mga masasayang mag-asawa. Ayon kay Rauer, maaaring ito ang dahilan kung bakit mastumatagal ang kanilang pag-sasama. Ito ay dahil ang madalas na pagtutok sa mga mabibigat na problemang walang malinaw na solusyon ay nakakapagpababa ng kumpiyansa ng mag-asawa sa kanilang pagsasama.
Ang mga mabibigat na problema ay kailangan paring harapin. Kadalasan, kapag tumibay na ang pagsasama sa pagharap sa mga maliliit na isyu, dito na hinaharap ang mga mabibigat na problema. Sa ganitong paraan, alam na ng mga mag-asawa na kaya rin nila itong pagdaanan.
Mahalaga ang pagkakaroon ng mga mabibigat ng isyu sa mga relasyon ng mag-asawa. Importante ang mga ito para lalong mag-grow ang relasyon at mga mag-asawa. Kabilang sa mga ito ang layunin sa buhay, mga personal values, kalusugan at maging physical intimacy. Kahit pa pareho ang mag-asawa ng tingin sa mga isyung ito, mahalagang maibahagi nila ang kanilang mga takot, pag-asa, pangarap at kahinaan. Magdulot man ito ng problema sa pagsasama na mahirap harapin, ito ay mahalagang parte ng pagiging bahagi ng isang relasyon.
Basahin din: 5 kailangang gawin upang tumagal ang pagsasama ng mag-asawa
Source: Psychology Today
- 7 bagay na maaaring pagmulan ng pag-aaway ng mag-asawa at tips para maiwasan ito
- 5 karaniwang pinag-aawayan ng bagong mag-asawa at paano ito masosolusyonan
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."
- 10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang