Madali lang maghanda ng pagkain ni baby. Ang mahirap ay ang mag-isip ng iba ibang kombinasyon para hindi mabore ang iyong anak sa kaniyang pagkain. Kapag nalaman na ng mga magulang na may gustong pagkain ang kanilang anak, nahihirapan na silang mag-isip kung ano pa ang puwedeng ibigay. Pero ang totoo, marami pang mga masustansyang pagkain para kay baby ang puwedeng pagsama-samahin at subukan.
Hindi kailangang maging chef para magawa ang mga kombinasyon na ito. Kailangan lang na marunong kang maghiwa, mag-steam at magpuree. Ang iba pa sa mga sangkap ay hindi kailangang lutuin.
Kung tutuusin, masyadong pormal na tawagin itong “recipe”. Pinaghalo-halo lang ito na tatlong masusustansiyang pagkain. Hindi din ito istrikto sa dami ng ingredients, puwede mong dagdagan o bawasan depende sa panlasa ng iyong anak. Ikonsulta lamang sa doctor bago subukan na pakainin si baby ng bagong pagkain dahil baka maging dahilan ito ng allergy.
Kailangan lang maging creative upang makagawa ng masustanyang pagkain para kay baby.
50 na masustansyang pagkain para kay baby
1. Strawberry, Apple & Parsnip
Ang puree na ito ay mayaman sa vitamin C at antioxidants. Napakadali din nitong gawin. Magsteam lang ng apple at parsnip, pagkatapos ay ilagay sa blender ang tatlong sangkap.
2. Pumpkin, Peach & Apple
Ang pumpkin ay mataas sa antioxidant beta carotene. Kung ayaw mong magsteam nito bago gawing puree kasama ng peaches at lutong apple, puwede ka din gumamit ng packaged pumpkin.
3. Apple, Pear & Plum
4. Squash, Apple & Carrot
Isa sa magandang pagkunan vitamin A (pati na din potassium at fiber) ang butternut squash. Ito ay may matamis na lasa na gusto ng mga baby. Ihawin ang squash at carrots bago gawing puree.
5. Beet, Mango & Cauliflower
Ang beets ay puno ng mga cancer-fighting antioxidants, pati na din potassium at folate — at magandang ihalo sa mangga at cauliflower. Huwag mabahala kung kulay pink ang ihi ng iyong anak. Ito ay dahil sa beet.
6. Strawberry, Peach & Blueberry
Tulad ng beets, ang berries ay maituturing din na superfood dahil puno ito ng vitamins at antioxidants. Napakadali pang ihanda nito – hugasan lang at ilagay sa bleder. Ang peach naman ay maaaring gamitin kapag hinog na ito.
7. Sweet Potato, Parsnip & Apple
Isa sa pinakamainam na pagkukunan ng vitamin A, ang sweet potato ay mayaman din sa B vitamins at carotenoids.
8. Salmon, Sweet Potato & Apricot
Ang salmon ay magandang pagkunan ng omega-3 fatty acids na mahalaga sa brain development. Bukod dito, masarap ito isama sa mga sweet potato at apricot.
9. Broccoli, Apple & Pear
Ang broccoli ay nagtataglay ng fiber, folate, zinc, selenium, pati na din calcium. Kapag ginawa mo itong puree kasama ng apple at pear, hindi na ito masyadong lasang broccoli.
1o. Pea, Sweet Potato & Star Pasta
Ang peas ay mataas sa iron at phytonutrients. Puwedeng gumamit ng frozen o canned peas at ihalo ito sa sweet potato at pasta.
11. Peach, Broccoli & Chicken
Ang peaches ay nagtataglay ng vitamin C samantalang ang manok ay isa sa mga pinagkukunan ng protina.
12. Cranberry, Pear & Cinnamon
Ang cranberries ay nagtataglay ng manganese at vitamin K ngunit kailangan itong lutuin bago kainin. Samahan ito ng matamis na prutas tulad ng pear at konting cinnamon.
13. Chicken, Spinach & Oatmeal
Ang spinach ay nagtataglay ng antioxidants, iron, fiber, at vitamins. I-steam ito at i-blend kasama ang manok at oatmeal para sa isang complete meal.
14. Melon, Nectarine & Raspberry
Ang isang tasa ng melon ay nagtataglay ng 100 percent ng daily recommended values ng vitamins A at C para sa mga matatanda. Madali ding i-mash ang hinog na melon. Ihalo ang nectarine at raspberries para sa puree na iyong gagawin.
15. Carrot, Squash & Yogurt
Magugustuhan ng iyong anak ang kulay ng kombinasyon na ito. Higit sa lahat, ito ay mayaman sa protina at calcium.
16. Banana, Nectarine & Cherry
Bagama’t mahirap ang preparasyon ng cherries, madami itong sustansiya na taglay. Nagtataglay ang cherries ng mataas na antioxidants pati na din potassium, fiber, at iron.
17. Avocado, Blueberry & Banana
Masarap paghaluin ang avocado, blueberry, at saging. Ang avocado ay mayaman sa omega-3 fatty acids.
18. Strawberry, Avocado & Banana
Masarap din ihalo ang avocado sa strawberry at saging.
19. Chickpeas, Blueberries & Lemon
Ayon sa ibang doctor, makakabuti na hintayin na mag-6 hanggang 8 buwan ang iyong anak bago pakainin ng chickpeas. Mayaman ito sa zinc, manganese, folate, at fiber. Lagyan nang kaunting lemon ang chickpea puree para sa karagdagang lasa at vitamin C.
20. Potato, Carrot & Apple
Think of this as a more nutritious, baby-friendlier version of mashed potatoes (without all the butter, cream, and salt that make mashed potatoes potentially problematic). Steam ’em all up together and blend!
21. Avocado, Banana & Kiwi
Ang kiwis ay nagtataglay ng limang beses na vitamin C kaysa orange, at isa ito sa mga pagkain na mayaman sa vitamin B6.
22. Baby Tomato, Red Lentil & Carrot
Ang red lentils ay magandang ipakain sa mga baby dahil mabilis silang maluto. Ito din ay nagtataglay ng protein, folate, iron, zinc, at manganese. Sa kabilang banda, ang kamaties naman ay nagtataglay ng lycopene and vitamin C. Tandaan lamang na huwag munang pakainin ng kamatis ang anak kung wala pa itong 10 buwan.
23. Broccoli, Squash & Lentil
Ang kombinasyon ng broccoli, squash at lentil ay mayaman sa nutrisyon tulad ng fiber, protein, vitamins at iron.
24. Kefir, Blueberry & Raspberry
Ang kefir ay magandang source ng probiotics (na nakakatulong para sa paggagamot ng eczema at digestive problems). Dahil katulad ito ng yogurt, bagay ito sa blueberries at raspberries!
25. Purple Sweet Potato, Banana & Apple
Ang purple sweet potatoes ay nagtataglay ng anthocyanins, na pinanwhich are believed to have anti-inflammatory properties.
26. Sweet Potato, Carrot & Banana
Maganda ang kombinasyon ng tatlong paboritong pagkain ng mga baby na sweet potato, carrot, at banana, at isa ito sa pinaka masustansyang pagkain para kay baby
27. Apple, Carrot & Quinoa
Ang quinoa ay mataas sa protein at fiber kumpara sa ibang grain. Mataas din ito sa iron at folate. I-blend ito sa apple at carrot para sa masarap na pang-almusal.
28. Apple, Sweet Potato & Pea
Para sa mga magulang na gustong simulan na pakainin ng gulay ang kanilang anak, subukan ang kombinasyon na ito.
29. Blueberry, Banana & Pear
Puwedeng gumamit ng frozen blueberries para sa puree kung walang mabili na fresh. Samahan ito ng pear, na kailangan mong i-steam puwera nalang sobrang hinog na ito.
30. Zucchini, Pear & Broccoli
Ang zucchini ay mayaman sa vitamin A at C, pati na din sa folate at potassium. Para sa mga baby na 7 buwan pataas, puwedeng huwag itong balatan kapag ini-steam at ipinakain kay baby.
31. Zucchini, Apple & Peas
Maaaring maging matubog ang zucchini at apple kapag ginawang puree, pero puwede mo itong dagdagan ng peas para magkatexture.
32. Peas, Banana & Asparagus
Hintayin ang ika-10 buwan ni baby bago siya pakainin ng asparagus dahil nagdudulot ito ng hangin sa tiyan ng bata. Pero ito ay magandang source ng iron, calcium, at vitamin A.
33. Butternut Squash, Carrot & Cinnamon
Hindi lamang pampasarap ang cinnamon dahil ito ay mayroon ding antifungal at antibacterial properties, at nakakatulong sa pagregulate ng blood sugar.
34. Green Beans, Apple & Banana
Mas mabuti daw na gumamit ng frozen green beans para sa pagkain ni baby dahil mas grainer ang texture nito kaysa fresh na green beans. Mayaman ito sa vitamin A at fiber.
35. Fig, Banana & Dragon Fruit
Ang dragon fruit ay mataas sa vitamin C at nagtataglay ng calcium at lycopene. Ang figs naman ay may potassium, calcium, magnesium, iron, at copper.
36. Apple, Spinach & Blueberry
Subukang gumawa ng apple sauce at ihalo ito sa spinach. Maaari din itong dagdagan ng blueberries para mas ganahang kumain ang iyong anak.
37. Quinoa, Carrot & Rosemary
Subukang lagyan ng rosemary ang mixture na ito para sa dagdag na flavor. Ang rosemary ay mayantibacterial, antioxidant, anti-inflammatory, antifungal at antiseptic properties. Siguradong ito ay magiging masustansyang pagkain para kay baby!
38. Blueberry, Pear & Quinoa
Magandang kombinasyon ang blueberry, pear at quinoa. Kahit matanda ay mahihikayat na tumikim nito.
39. Plaintains, Sweet Potato & Mango
Ang plantains ay kailangang lutuin bago kainin. Ito ay katulad ng saging pero hindi kasing tamis, at may mas madaming vitamins at minerals kaysa sa patatas.
41. Kiwi, Apple & Peach
Ang peaches ay mayaman sa beta carotene at potassium. Magugustuhan ni baby ang lasa nito!
42. Blueberry, Oat & Flaxseed
Ang flaxseed ay mayaman sa essential fatty acids, fiber, magnesium, B vitamins, at iba pa.
43. Mango, Banana & Nectarine
Ang peaches at nectarines ay parehong prutas lamang. Puwede mong i-steam ang frozen nectarines kung walang mabili na fresh nectarines.
44. Acorn Squash, Apple & Spinach
Halos kapareho ng nutrisyon ng butternut squash ang acorn squash. Medyo mas matubig ang texture nito at hindi masyadong matamis.
45. Mango, Avocado & Banana
Ang kombinasyon na ito ay mayaman sa vitamins at healthy fats. Kahit mga magulang ay magugustuhan ito.
46. Blackberry, Kale & Blueberry
Kale ang pinaka”super” sa mga superfoods. Mas mayaman ito sa calcium kaysa sa gatas ng baka. Nagtataglay din ito ng vitamin A, C, at K, pati na din magnesium, folate, at iba pa. Hintayin na mag-7 o 8 buwan si baby bago siya pakainin nito.
47. Mango, Quinoa & Prune
Subukan ang prune purée at haluan ito ng mangga at quinoa. Ang prune ay mataas sa iron, potassium, at vitamin K.
48. Sweet Potato, Apple & Cranberry
Ang kombinasyon na ito ay parang Thanksgiving dinner na ginawang purée.
49. Butternut Squash, Banana & Apricot
Ang tatlong apricot ay nagtataglay ng 30 percent ng USRDA para vitamin A. Mataas din ito sa vitamin C at lycopene.
50. Mango, Coconut Milk & Chia Seed
Ayon sa FDA, ang coconut ay isang “tree nut” pero ito ay prutas na bahagi ng cherry family. Ang coconut milk ay mataas sa niacin, iron, at copper. Ang chia seeds naman ay mataas sa protein, fiber, at omega-3s.
Basahin: 8 Pagkain na pampalakas at pampatangkad sa mga bata