Dapat bang matakot ang mga magulang sa pagpapabakuna?

Dahil sa nangyaring gulo sa Dengvaxia, maraming magulang ngayon ang ayaw sa pagpapabakuna ng kanilang mga anak. Ngunit tama ba ito?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil sa naging epekto ng Dengvaxia scare sa mga magulang, lumabas kamakailan sa balita na natatakot ang ibang magulang sa pagpapabakuna.

Pero dapat nga bang matakot sila? Ating intindihin at alamin.

Dapat bang mag-alala sa pagpapabakuna?

Talaga namang kahit sinong magulang ang matatakot kapag nabalitaan nila ang tungkol sa gulo sa Dengvaxia. Kaya naman ang ibang magulang ay natatakot na rin sa ibang uri ng bakuna, at baka ito ay magkaroon ng masamang epekto sa kanilang mga anak.

Ngunit ang kailangang tandaan ng mga magulang ay karamihan sa mga bakunang ibinibigay sa mga bata ngayon ay subok na. Kumpara sa Dengvaxia, karamihan ng bakuna sa bansa ay safe at tiwala lahat ng doktor dito.

Importante para sa mga magulang na kausapin ang doktor ng kanilang anak, at alamin kung safe ba talaga ang mga bakuna. Mabuti rin kung

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mas may malaking panganib ang hindi pagpapabakuna

Sa pagbabakuna, hindi lang ang iyong anak ang napro-protektahan. Alam niyo ba na ang pagbibigay ng bakuna ay nagdudulot ng epektong tinatawag na “herd immunity?”

Sa herd immunity, mas bumababa ang posibilidad na magkaroon ng sakit ang mga taong walang bakuna, dahil ang mga tao sa paligid nila ay nabakunahan na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Importante ang herd immunity lalong lalo na sa mga sanggol, dahil sila ay hindi pa pwedeng bigyan ng bakuna.

Ang bakuna rin ay tumutulong na makaiwas sa sakit tulad ng polio, chickenpox, at measles.

Ugaliin din ang kumonsulta at magtiwala sa iyong doktor, dahil sila ang makapagsasabi sa inyo kung ano ang dapat na bakuna ang ibinibigay sa mga bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: news.abs-cbn.com

READ: PGH investigation finds that 2 out of 14 kids may have died because of Dengvaxia failure

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara