Ina, nalamang may sakit ang kaniyang anak dahil sa maternal instinct

Narito ang isang kwento kung paano iniligtas ng isang ina ang buhay ng kaniyang anak sa tulong ng maternal instinct niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maternal instinct ng isang ina ang naging daan para mailigtas ang buhay ng kaniyang anak mula sa seryosong kapahamakan.

Image from DailyMail UK

Ika nga ng kasabihan “mother knows best” at pinatunayan ng isang ina mula sa Liverpool na totoo ang kasabihang ito.

Kwento kung paano iniligtas ng maternal instinct ang isang bata

Si Janine Clarke ay isang 31 years old na ina mula sa Liverpool.

Isang araw ay napansin niya na tila may mali sa kinikilos ng kaniyang 6 months old na anak na si Amelia.

Hindi tulad ng nakasanayan ay hindi nilalaro ni Amelia ang kaniyang mga toys. At hindi rin nito hinahawakan ang kaniyang feeding bottle.

Sa tulong ng kaniyang maternal instinct ay naramdaman ni Janine na may hindi normal sa anak kaya naman agad niya itong dinala sa doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa unang doktor na tumingin kay Amelia ay wala naman daw problema at normal lang ang bata.

Pero hindi naniwala si Janine sa sinabi ng doktor at pilit na nangibabaw sa kaniya ang binubulong ng maternal instinct niya.

Kaya naman dinala ni Janine ang anak na si Amelia sa isa pang ospital para muling matingnan.

Gaya ng sinabi ng naunang doktor ay normal daw si Amelia at walang dapat ipagalala si Janine sa kondisyon ng anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pero malakas ang paniniwala ni Janine na may hindi nakikita ang doktor sa kaniyang anak na hindi niya dapat isawalang bahala.

“Even though the doctors kept telling me that she was moving her limbs okay I knew she wasn’t moving them as good or as much as she normally would have done”, kwento ni Janine.

Kaya naman nagmatigas si Janine at sinabing hindi sila aalis ng ospital hangga’t hindi nagsasagawa ng iba pang test para matukoy kung ano ang mali sa kaniyang anak.

Dagdag pa ni Janine na isang ina rin sa 3-year-old boy na si Lucas, “I felt like I was being a nuisance but I had to make sure that they weren’t missing anything.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tanging ang pang-apat na doktor na pinagdalhan niya lang sa anak ang tila nakinig sa bulong ng maternal instinct niya.

Kaya para matukoy ang totoong kondisyon ni Amelia ay ipinayo nitong dumaan ang bata sa isang MRI scan.

Matapos ang wala pang isang oras na paghihintay sa resulta ay agad na pinatawag muli sina Janine at kaniyang partner na si Jay Nielsen ng doktor. Dito nakumpirma na totoo nga ang bulong ng maternal instinct ni Janine at may hindi nga normal sa kaniyang anak.

Ang nakakagulat lang ay agad na ipinayo ng doktor na dumaan sa isang emergency brain surgery si Amelia dahil umano sa chiari malformation.

Chiari malformation

Ayon sa Mayo Clinic, ang chiari malformation ay isang kondisyon na kung saan ang brain tissue na isang tao ay nageextend sa kaniyang spinal canal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nangyayari ito kung may parte ng bungo o skull ng isang tao na maliit kumpara sa dapat nitong normal na laki na nagiging dahilan para maipit nito pababa ang utak.

Wala pang paliwanag kung ano ang nagiging sanhi ng chiari malformation. Nagsisimula daw ito mula sa kapanganakan ng isang tao na natutukoy lang sa kaniyang pagtanda o sa pamamagitan ng iasng MRI scan.

Ilan sa sintomas ng kondisyon na ito ay pagkahilo, hirap sa pagbalanse, blurred vision at panghihina ng muscle sa katawan.

Sa kaso nga ng anak na ni Janine na si Amelia, ay mabuting agad na natukoy ito at naagapan. Laking pasalamat sa maternal instinct niya.

Pero hindi pa pala dito natatapos ang kalbaryo ng pagiging ina ni Janine.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil apat na buwan matapos ang chiari malformation findings ng doktor ay isang sakit na naman ang tumama sa noon ay 10 months old na si Amelia.

Maternal instinct story part 2

Ayon parin sa kwento ni Janine, six weeks palang noon si Amelia ng matukoy ng mga doktor na mahina ang immune system niya.

Sabi pa ng mga doktor na nakakaranas ng infection si Amelia pero mawawala rin ng kusa at gagaling sa sarili niya.

Pero iba na naman ang binubulong ng maternal instinct ni Janine.

Dahil ito sa hindi tumatabang katawan ng anak at ang madalas na pagkakaroon nito ng basang dumi o loose stools.

Kaya naman para mapanatag muli ay ipinayo ng doktor na dumaan sa isang genetic testing si Amelia noong October 2017.

Ngunit wala pa man ang resulta ng ginawang test ay nagkaroon ng mataas na lagnat si Amelia noong November 2017 na umabot ng 40.2°C o 104.4°F.

Naging dahilan ito para isugod siya ng kaniyang mga magulang na sina Janine at Jay sa ospital at matuklasan na ito pala ay may gut infection.

“They were pumping her with antibiotics, giving her transfusions and injections to boost her immune system”, kwento ni Janine sa naging kalagayan ng anak.

Ngunit ang mga gamot ay hindi nakatulong, mas lumala ang kalagayan ni Amelia sa pagdaan ng araw.

Ipinasok siya sa intensive care unit at ang resulta ng genetic testing ay nagsabi na mayroon itong sakit na kung tawagin ay Shwachman–Diamond syndrome.

Image from DailyMail UK

Shwachman-Diamond syndrome

Ang Shwachman-Diamond syndrome ay isang namamanang sakit na umaapekto sa maraming parte ng katawan partikular na sa bone marrow at pancreas ng isang tao.

Ang pangunahing sintomas nito ay ang mahinang immune system.

Dahil sa sakit ay hindi nalabanan ng katawan ni Amelia ang gut infection na nagdevelop sa isang sepsis.

Dito na mas lumala ang sitwasyon ni Amelia.

Nagkaroon siya ng infected mass sa kaniyang puso na nagdulot ng blood clots sa kaniyang braso at mga binti.

Dahil din sa blood clots na dulot ng infected mass sa kaniyang puso ay nakaranas ng dalawang stroke si Amelia.

Bagaman inihanda na sila Janine ng mga doktor sa posibleng mangyari kay Amelia ay hindi naman sila nawalan ng pag-asa.

At matapos nga ang 15 weeks sa ospital ay umayos ang kalagayan ni Amelia at naiuwi na rin siya.

Ngunit ang pinagdaang sakit ay nagdulot ng sobrang damage sa kaniyang katawan.

Hindi niya na magamit ang kaniyang kanang braso at hindi parin ito nakakapagsalita sa edad na dalawang taon.

Hindi rin ito makakain ng maayos at kailangang uminom ng tubig o ng kahit anong fluid sa pamamagitan ng isang tube.

Dahil naman sa Shwachman–Diamond syndrome ay mas madali ng makakakuha ng infection si Amelia.

Kaya naman mas pinagdodobleng ingat ang kaniyang mga magulang sa pag-aalaga sa kaniya.

Kada labing-dalawang araw ay kailangang dumaan sa blood testing at mag-inject ng booster ni Amelia para sa kaniyang blood cells.

Bagaman mahirap parin ang pinagdadaanan dahil sa kondisyon ng anak ay nagpapasalamat parin si Janine.

Ito ay dahil kasama parin nila ang anak na si Amelia na maaring hindi na sana kung hindi siya nakinig sa maternal instinct niya.

Sources:

Mayo Clinic, DailyMail UK