X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Maternal mortality rate: Bilang ng maternal deaths sa Pilipinas tumaas

2 min read
Maternal mortality rate: Bilang ng maternal deaths sa Pilipinas tumaas

Tinatayang pitong babae kada araw ang nasasawi dahil sa maternal causes noong 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Kung usapin sa maternal mortality rate sa Pilipinas ang pag-uusapan, alam niyo bang dumarami ang mga babaeng nasasawi nang dahil sa pagbunbuntis at panganganak?

Ang maternal death ayon sa World Health Organization ay tumutukoy sa pagkamatay ng babae. Mula sa ano mang sanhi na may kinalaman sa pagbubuntis at panganganak, accidental man o incidental.

Maternal mortality rate sa Pilipinas

maternal mortality

Larawan mula sa Pexels kuha ni Joao Paulo de Souza Olivera

Ayon sa artikulo ng Inquirer na may pamagat na, “Philippines Maternal Mortality Rate Worse Than Reported,” mataas ang bilang ng mga babaeng namamatay nang dahil sa maternal causes noong 2021.

Sa report ng Philippine Statistics Authority noong February 22, 2023, mayroong 2,478 ang namatay noong 2021 dahil sa maternal causes. Ibig sabihin ang maternal mortality rate noong 2021 ay nasa 189.21 kada 100,000 live births.

Ang highest number of maternal deaths sa Pilipinas ay naitala noong 1951. Kung saan ay mayroong 2,645 na babaeng nasawi nang dahil sa maternal cause. Ito ay ayon sa report ng Department of Health. Sinundan naman ito noong 1952 kung saan mayroong 2,511 na nasawi. Ibig sabihin ang taong 2021 ang naitalang ikatlong deadliest year sa usapin ng pagdadalantao sa Pilipinas sa loob ng 69 taon.

maternal mortality

Larawan mula sa Pexels kuha ni Janko Ferlic

Ayon pa sa artikulo ng Inquirer. Noong 2019, mayroong 1,458 kababaihan ang namatay dahil sa maternal causes –o tinatayang apat na babae kada araw. Noong 2021 naman ay sumampa ito ng 2,478 o pitong babae kada araw.

Kasagsagan man ng COVID-19 pandemic ngunit hindi lamang ang pandemya ang sanhi ng maternal deaths noong 2021. Sa katunayan mas marami umanong nasawi mula sa preventable causes kaysa sa COVID-19 kung titingnan ang excess mortality sa bansa.

Ang hindi maayos na health care system sa bansa ang isa sa tinitingnan dahilan ng pagdami ng maternal death sa Pilipinas. Makikita sa mga nabanggit na datos na labis na apektado ang maternal health sa mga isyu ng health care system.

Inquirer, World Health Organization

Partner Stories
Gut Health: How to keep your child’s digestive tract healthy with Erceflora Kiddie
Gut Health: How to keep your child’s digestive tract healthy with Erceflora Kiddie
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Maternal mortality rate: Bilang ng maternal deaths sa Pilipinas tumaas
Share:
  • Melai Cantiveros at Jason Francisco magkasamang pinanood ang anak na si Stela sa first date nito at mini cotillion sa kanilang school

    Melai Cantiveros at Jason Francisco magkasamang pinanood ang anak na si Stela sa first date nito at mini cotillion sa kanilang school

  • Pambansang Bae Alden Richards gusto muna ng kasal bago ang anak

    Pambansang Bae Alden Richards gusto muna ng kasal bago ang anak

  • Chesca Kramer, ganito kung paano tinuturuang mag-budget ang mga anak

    Chesca Kramer, ganito kung paano tinuturuang mag-budget ang mga anak

  • Melai Cantiveros at Jason Francisco magkasamang pinanood ang anak na si Stela sa first date nito at mini cotillion sa kanilang school

    Melai Cantiveros at Jason Francisco magkasamang pinanood ang anak na si Stela sa first date nito at mini cotillion sa kanilang school

  • Pambansang Bae Alden Richards gusto muna ng kasal bago ang anak

    Pambansang Bae Alden Richards gusto muna ng kasal bago ang anak

  • Chesca Kramer, ganito kung paano tinuturuang mag-budget ang mga anak

    Chesca Kramer, ganito kung paano tinuturuang mag-budget ang mga anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.